028

40 6 2
                                    

Chapter 28

Past 2009:

"It is true.."

Mahinang pag-amin niya sa babaeng kaharap. "Buntis nga ako.."

Hinihintay niyang magbitaw ng maanghang na salita si Rielle pero wala. Ni pandidiri at panghahamak sa mga mata nito'y hindi niya nakita. This woman's really soft and tender. "I can offer you my house, Hyunica. I bought it and no one knows the location."

It's perfect. Habang nagbubuntis siya sa batang to ay doon muna siya. In fact, Rielle said that she's not going to live there alone. Sasamahan siya nito hanggang sa makapanganak siya.
Wala na siyang dapat ipag-alala dahil ayos na.





















Mabilis na lumipas ang mga buwan at hindi niya namamalayang pitong buwan na ang kanyang tiyan. Hindi niya magarantiya kung anong kasarian ng magiging anak niya dahil hindi siya intersado. Ni ang monthly check up niya ay kinatatamaran niyang daluhan. Kung hindi lang siya pipilitin ni Rielle ay hindi naman talaga siya babangon para magpunta sa ob gynecologist diyan sa malapit na health clinic.












"You need to take care of your baby, Hyunica. Kalimutan mo na ang galit mo sa tatay niya." Ginagap nito ang kanyang kamay at nginitian siya na parang napakagaan ng lahat ng bagay dito sa mundo. Things are smooth sailing for Rielle. And Hyunica  envied her for that. Kung sanang ganon lang kadali ang lahat.. hindi niya kayang kalimutan ang bangungot na nangyari sa kanyang buhay. Hindi niya kaya!






















Habang naglalakad sila sa daan papuntang health clinic ay nagyaya muna si Rielle na magtungo sa kalapit na Stationery section. Isang tindahan ng mga designed notebooks at post its. May malaking bulletin board doon at pwede kang maglagay ng mga hinaing mo sa buhay. Kagaya ng mga 'confession pages' sa facebook.


UNWANTEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora