Chapter 1 Arabella "Ara" Mendez

77.4K 1.3K 122
                                    

"Beauty begins the moment you decide to be yourself."

Ara POV

"Bye Ara!" My friends bid me goodbye as I hop out from Athena's expensive car.

"Bye!" I replied. "Hey!" I caught the attention of Penelope who's driving the car. "You drive safely, okay?"

"Sure thing." She replied with a smirk in her beautiful face.

Ilang saglit pa'y pinasibad na niya ang kotse at naghihiyawan pa ang mga ito habang papalayo sa kinaroroonan ko.

Napailing-iling na lang ako. Lasing na talaga mga yun. Si Penelope lang yata ang konti lang ang ininom kaya siya ang nag-drive. We had a girls night out sa isang bar na pagmamay-ari nila Sofia. My friends, Athena, Sofia, Penelope and I went out to have fun since Saturday naman bukas. Walang pasok, yay!

Muntik pa akong matumba nung pumasok ako sa malaking gate ng mansiyon namin. Yeah, I live in a mansion. We're rich. My father owns two grandious hotels here in the Philippines. I'm just an only child so spoiled ako.

"Where have you been, Arabella?" My father's stern voice asked me when I got inside the house.

"Dad..." Malambing na sambit ko. "Pwede bukas mo na lang ako kausapin. I'm so sleepy and tired." Maarteng sabi ko.

He's standing at the base of the grand staircase, wearing a blue robe with a glass of alcohol in his right hand.

Bumuntong-hininga siya bago nag-salita. "Okay. Go to your room now. May mahalaga tayong pag-uusapan bukas."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Good night, dad."

"Good night." Maikling sabi niya at hinayaan na akong umakyat sa kuwarto ko.

Pagpasok ko sa room ko, agad akong nagtanggal ng damit at basta na lang iniwan sa kung saan man ito mahulog at nagtungo sa banyo. I took a shower to at least ease the smell of alcohol and sweat on my skin.

Nakangiti ako habang inaalala ko ang nangyari sa bar kanina. We played truth or dare. When it's my turn, I chose dare. And my task? Kiss the first girl na papasok sa loob ng bar. And then, there's this beautiful, tall young lady walked inside the bar. Not bad. I told myself. Wala na akong inaksaya pang panahon at pinuntahan yung babae and kiss her instantly. Without hi or hello. I just kissed her.

Mga ilang segundo din yun pero parang nararamdaman ko pa rin yung malambot na labi niya sa labi ko.

Pagkatapos ko siya mahalikan walang lingon likod akong bumalik sa puwesto ng mga kaibigan kong naghihiyawan sa saya.

"You did it badass!" Masayang sabi ni Sofia.

"Of course, I will." Mayabang na sabi ko.

That's the first time I kissed a girl. And I like it. Haha Katy Perry lang ang peg. Pero hindi ako naglakas loob na salubungin ang mga tingin na pinukol niya sa akin when I did it. Para kasi siyang tigre eh. Pero di rin naman nag-demand ng explanation or nagalit. She just tossed it aside... maybe.

Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako ng banyo wearing nothing. Yung tuwalya ko ginamit ko sa buhok ko. Water's dripping down the carpeted floor from my wet body. Binuksan ko ang drawer ko at kumuha ng pantulog.

After I dried my hair, sumampa na ako sa malambot kong kama. Ang sarap sa pakiramdam na nakahiga na rin ako sa wakas. I climb under the covers.

I'm lucky I have and enjoying these luxuries. And I don't care kung magkano ginagastos ko sa isang araw. Mayaman naman kami and it's not like mauubusan kami ng pera.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now