Chapter 7 The Gravity Between Us

44.9K 1K 32
                                    

"For all the things my hands have held the best by far is you..."

Alex POV

"Yun lang ba, Emmit?" Tanong ko sa taong kausap ko sa kabilang linya.

"Yes, Alex." Ang sagot nito.

"Sige." Yun lang at binaba ko na yung tawag.

Si Emmit ay isa sa mga tauhan kong pinagkakatiwalaan ko ng lubos sa loob ng mahabang panahon na hinawakan ko ang mga negosyo ng namayapa kong lolo. Sa tuwing may mga bagay akong gustong malaman, lalo na sa isang tao, sa kanya ko inaasa iyon at kahit kailan hindi pa niya ako binigo.

Pagkatapos ang pag-uusap namin ni Emmit ay lumabas na ako ng study room at nagtungo sa aking kuwarto. Sa may master's bedroom.

Ang bahay na ito ay gawa sa modern one way glass, pero ang loob nito ay concrete. Ang mga gamit sa loob ay halos puro antigo. Ang iba galing pa sa ibang bansa. May gazebo din malapit sa kakahuyan sa likod ng bahay. Mayron ding rectangular shaped na pool sa likod at ang malawak na garden sa bandang harap. Malaki ang bahay na ito na ipinatayo ng lolo ko para kay lola nun. Ngunit na sa pangalan ko na lahat, pati ang hacienda at iba pa. Sinuman ang makakita sa bahay, lahat mamangha sa simple ngunit class na ayos nito.

Pero kung ako lang ang tatanungin, mas gusto ko yung simple lang. Hindi naman sa ungrateful ako sa kung anuman ang meron ako ngayon pero, mas gusto ko lang talaga yung simple lang. Walang arte, natural lang.

Pagkatanggal ko lahat ng damit ko, ay pumasok na ako ng banyo at nagbabad sa tub. Agad kong naramdaman ang ginhawa ng tubig sa pagod kong katawan.

Ipinikit ko ang aking mga mata para mas lalo ko pang madama ang ginhawang dulot ng maligamgam na tubig. Pero gayun na lang ang aking pagkadismaya ng si Arabella ang makita ko the moment I closed my eyes.

Hindi naman sa galit ako sa kanya, but she's my exact opposite. And I still remember the way she look kaninang hapon sa may talon.

"Damn!" Napamulat na bulalas ko ng maramdaman ko ang biglang pag-init ng katawan ko.

Katulad ng nakagawian ko na kasi, pumunta ako kanina sa may talon only to be surprised. May narinig akong boses ng babae. Tumatawa pa. Huminto ako sa may di kalayuan sa talon. At iniwan si Black dun. Di naman yun umaalis sa kung saan ko siya iniiwan. Maingat ako naglakad papunta sa talon and may nakita akong isang diyosang masayang lumalangoy-langoy sa batis.

Buong akala ko pa nga, naeengkanto na ako. Na may nagtatagong diwata sa talon at ngayon ko natyempuhang makita. Pero ng masilayan ko ang kanyang mukha, dun ako unti-unting napangiti. It's just Arabella Mendez.

Naisip ko kung paano niya nalaman ang tungkol sa talon. At di ba nila nasabi sa kanya na mahigpit kong pinagbabawal ang pagpunta sa talon?

Literal yata na nalaglag ang panga ko ng mapansin kong hubad siya! Gustuhin ko mang pumikit, di ko magawang maalis ang mga mata ko sa katawan niya. Naramdaman ko din ang pag-iinit ng katawan ko.

Shit! Di naman ako mahilig sa ganun. Ang tagal nga bago ako ma-attract sa babae lalo na pagdating sa sex. Pero kay Arabella, tinitingnan ko pa lang siya, para na akong nilalagnat!

I closed my eyes not to be distract by this goddess.

Dapat magalit ka sa kanya because she invaded your kingdom. Bulong ko sa sarili ko. Paulit-ulit ko yun sinabi sa sarili ko at nag-work naman.

Nakita ko ang mga damit niya sa may gilid ng batis. Agad ko yung kinuha ng makita kong lumangoy siya pasulong sa talon. Nang makita ko siyang paahon, mas lalo pa ako nagtago sa likod ng malaking puno.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now