Chapter 25 My Fallen Angel

40.2K 847 195
                                    

"I can watch you all day and never get bored."

Alex POV

Besperas ng bagong taon ang napili ni Abby na date sa pagla-launch niya ng kanyang newest product niya, ang Absolut underwears.

Kaya naman heto ako ngayon abala sa pagbibihis para sa gaganaping event sa Whitespace, Makati City. Dito muna ako sa condo ni Abby naglagi for the past two days kasama si Arabella in preparation na din ng launching.

"Are you guys ready?" Tanong sa amin ni Abby ng nasa living room na niya kami at hinihintay siyang matapos magbihis.

"Yes." Nakangiting sabi ni Arabella sa kanya at saka tumingin ito sa akin.

Gumanti din ako ng ngiti sa kanya. Ang ganda ng dalawang babaeng date ko ngayong gabing ito. Pampa-buenas sa nalalapit na pagbabago ng taon.

Pagdating namin dun sa venue ay agad ng nagpunta sa backstage si Ara para mabihisan. Sa pagkakaalam ko siya ang pang finale eh at hanggang ngayon di ko pa alam kung ano ang susuotin niya dahil di naman sinasabi ni Ara at Abby sa akin.

"You'll be surprise." Yan ang sabi nung dalawa sa akin.

Sa totoo lang, I'm still not fully convince sa ginagawa ng dalawang yun. Pero somehow, I feel proud for Arabella.

Ilang sandali pa'y nagsimula na ang launching. Nagrampa din yung iba't ibang model na kinuha ni Abby for tonight's event. Puro's magaganda't sexy. And then when the finale came. Naging dim yung light, and then yung sa background parang umuulan ng apoy. And then there, the spotlight concentrates on the most beautiful girl I've ever seen.

Si Arabella, wearing that sexy white underwear na may gold na pakpak sa likod, she's wearing a golden gladiator flat sandals. Naka-harness siya at unti-unting ibinababa. My God! Napatanga yata lahat ng mga nandito s whitespace sa pagtingala sa kanya. Parang may anghel na napakaganda at bumababa sa lupa.

Ang mga mata ko'y nakatingin lang sa mukha niya. She's all smile though I know nenerbiyos siya ng mga sandaling iyon. Nagsimula siyang maglakad at rumampa sa harap. Kumindat pa siya ng makita ako.

Napahigit yata ang paghinga ko ng tuluyan na siyang nakatayo dun sa harap ng stage at tinitingnan ang napakagandang hubog ng kanyang katawan ng mga bisitang naroon. Tumayo naman lahat ng narito at pumalakpak sa kanya.

Napangiti ako sa kanya at nag-thumbs up. Naging successful ang launching ng pinakaunang product na underwear ng Absolut.

Nang matapos ang presentation, agad ako nagpunta sa backstage na may hawak na bouquet of red roses at itinago ko iyon sa likod ko. Pagdating ko dun, para pa yatang pinagkakaguluhan si Ara.

"Ara." Tawag ko sa kanya at agad ako hinanap sa kumpulan ng mga tao sa harap niya.

"Alex!" Masiglang sambit niya sa pangalan ko at nag-excuse papunta sa akin.

Tinanggal na yung pakpak na nakalagay sa likod niya at naka-robe na din siya. Agad niya ako niyakap ng makalapit sa akin.

"I was so nervous." Bulong niya sa akin.

"Ang galing mo nga eh." Nakangiting sabi ko sa kanya ng kumalas siya sa akin. "For you pala."

Napangiti siya ng makita iyon. "Wala naman akong sakit di ba?" Biro niya sa akin. That's our private joke actually.

Natawa naman ako ng mahina. "Ako may masakit eh." Sabi ko.

"Talaga? Saan?" Sakay naman niya.

"Yung puso ko." Napakagat labi siya ng sinabi ko yun para pigilang ngumiti ng malawak. "Tinangay ng isang anghel na bumaba sa lupa."

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now