Chapter 11 Don't Fall For Me

39.9K 1K 101
                                    

"Let me tell you this, it doesn't mean that if you fell for the wrong girl, everybody doesn't fit you anymore. Sometimes, your heart needs to sacrifice the lost and feel the pain, in order for the right one to fill that space and bring the happiness again."


Ara POV


"Gising ka na pala anak." Bati sa akin ni nana Idad ng gabing iyon. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Lumapit ako sa kanya sa may lamesa. Naupo ako sa upuan sa harap niya.

"Medyo okay na po ako." Sagot ko naman. "Si Alexandra po umuwi na?" Wala na kasi siya paggising ko.

"Oo. Umuwi kaninang hapon." Sagot naman niya. "Di na daw siya nagpaalam sayo dahil ang sarap ng tulog mo. Pero pupunta pa yata sa kuwadra."

Oo nga, sampung oras yata yung itinulog ko kanina. Hindi ko na namalayang bumangon si Alexandra at iniwan ako.

Para namang biglang nag-init yung mukha ko ng maalalang tumabi siya sa akin kanina at wala pang damit kundi yung bra lang. Pero inaamin kong sa ginawa niya di na ako nilamig. Inalagaan niya akong mabuti. Pinunasan, pinakain at pinainom ng gamot. Plus, binigyan pa niya ako ng prutas at bulaklak!

Kahit na sinabi niyang kaya niya ako binigyan ng bulaklak ay dahil may sakit ako, kinilig pa rin ako. Back to where I live, halos everyday ako nakakatanggap ng bulaklak mula sa mga manliligaw ko, pero iba yung dating niya eh.

"Kumain ka na anak, para makainom ka ng gamot." Sabi naman ni nana na di ko namalayang naghain na pala sa harapan ko.

"K-kain po tayo." Sabi ko sa kanya.

Sinabayan na rin niya akong kumain. Pritong isda at pinakbet yung ulam. Sa totoo lang ngayon lang ako makakatikim ng pinakbet.

"Si Joan po nana?" Tanong ko ng mapansing wala si Joan.

"Sumama kanina kay Alexandra sa kuwadra ng umalis." Sagot ni nana.

Magsasalita sana ako ng may marinig kaming nagtatawanang papasok sa loob ng bahay. Si Joan kasama si Alex.

"O, nandito na pala kayo." Bati naman sa kanila ni nana. "Hali na kayo't sabayan na ninyo kaming kumain."

Agad namang dumulog ang dalawa sa hapag-kainan. Saglit namang nagtama ang mga mata namin ni Alex. Tumabi si Joan kay nana at sa tabi ko naman si Alexandra.

"Wow sarap naman ng ulam!" Sabik na sabi ni Alex ng makita yung pinakbet na niluto ni nana.

"Paborito kasi yan ni Alex." Sabi naman sa akin ni nana ng mapansin yung reaksyon ko.

Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Naramdaman ko yung hita ni Alex na dumikit sa hita ko sa ilalim ng mesa. Ng sulyapan ko siya parang di naman niya iyon sinasadya. Medyo maliit kasi yung mesa at pati na yung upuan na gawa sa diretsong kahoy at walang sandalan.

Gusto ko sana siyang tarayan kaya lang naging mabait ito sa akin ngayong araw kaya pababayaan ko na lang at nag-concentrate na lang sa pagkain.

Hello? Hita lang naman yung dumikit sayo. Eh nun nga sa may batis, sinaway mo ba? Nagalit ka ba noong may mangyari sa inyo? Tuya naman ng isipan ko.

"Kumusta na pakiramdam mo?" Narinig kong tanong sa akin ni Alex.

Bumaling ulit ako sa kanya ng tingin. "Medyo okay na ako. Di na ako nilalamig at di na rin masakit yung ulo ko." Sagot ko sa kanya.

"Buti naman kung ganun." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

Ngumiti siya sa akin??? First time yun! Bulong ko sa sarili ko.

Seducing AlexandraWo Geschichten leben. Entdecke jetzt