Chapter 12 The Mission or Alexandra?

39.9K 990 52
                                    

"If she's amazing, she won't be easy. If she's easy, she won't be amazing. If she's worth it, you won't give up. If you give up, you're not worthy. The truth is, everybody is going to hurt you, you just gotta find the ones worth suffering for."

Ara POV

Pinuntahan ko muna si Joan sa may ilalim ng puno ng mabolo habang hinihintay si Alex na matapos sa pakikipag-usap niya dun sa beterinaryo niya na nalaman ko sa pangalang James.

James is kinda cute actually. He's tall, lean and he has this crooked smile. Singkit din siya. At parang nawawala ang mga mata niya kapag ngumingiti.

"Pogi ba ate?" Untag na tanong sa akin ni Joan sa tabi ko. Nakikinig siya sa FM radio.

"Okay lang." Sabi ko naman.

"Matanong ko lang ate Ara," Umayos pa ito ng upo at humarap sa akin na nakataas ang isang paa sa upuang gawa sa kahoy dito sa ilalim ng punong kinaroroonan namin. "May boyfriend ka na po ba?"

Nakangiting umiling ako. "Wala."

"Pero nagkaroon na po kayo ng boyfriend dati?" Usisa pa niya.

"Oo." At binilang ko pa talaga sa isipan ko kung ilan sila, pwera pa yung mga flings ko lang.

"Naranasan mo na pong magmahal kung gayun?" Tanong pa niya.

"Not yet." Sagot ko.

"Ha?" Takang tanong niya. "Eh di ba nagkaroon ka na po ng boyfriend? Di mo ba siya minahal?"

Napatawa ako dun ng mahina. "Hindi naman porke't nagkaboyfriend ako ibig sabihin naranasan ko na magmahal." Paliwanag ko. "Isa pa, I don't believe in love."

"Hala bakit naman po?" Curious na tanong niya na parang nalungkot pa yung mukha.

"Because love is just for fools." Sambit ko.

Mataman niya akong tiningnan. "Siguro nasasabi niyo lang po yan kasi hindi mo pa nahahanap yung taong magpapatibok ng puso mo ate Ara." Makahulugang sabi niya.

Nagkibit balikat lang ako kay Joan bilang sagot saka bumaling ulit kay Alexandra na nakatingin na pala sa gawi ko.

Maybe you already found her. You're just in denial because you're afraid to get hurt. Sabi ng utak ko.

Siguro dapat sa mission ko lang ako mag concentrate. Dapat hindi mainvolve dito ang puso.

Utak, Arabella. Utak ang gamitin mo hindi puso mo. Paalala ko sa sarili.

Hindi ko naman sinasadyang makaramdam ng atraksiyon sa kanya eh. Hindi ito kasali sa plano. Pero para naman akong pinaglalaruan ng tadhana. Nag-iwas ako ng tingin kay Alex.

Para namang tamang-tama na napatugtog sa radyo na pinapakinggan ni Joan yung Tadhana by Up Dharma Down pero ang cover ay si KZ Tandingan.

Sa hindi inaasahang,
Pagtatagpo ng mga mundo.
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito.

Parang kami lang ni Alex, di namin inaasahan ang pagtatagpo namin ng gabing iyon sa bar. Tadhana nga ang gumawa ng paraan para magkita kami sa lugar na iyon.

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pagsinta

Kagabi, inamin niya sa akin na nararamdaman din nito ang malakas na atraksiyon sa pagitan naming dalawa, na pilit din niya itong nilalabanan. Pero yung pagpapaubaya, nasa aming dalawa pa din kung hahayaan na lang namin na tangayin kami ng nararamdaman namin para sa isa't isa.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now