Chapter 21 Just So You Know

36.7K 937 119
                                    

"You can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationships aren't great because they have no problems. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work."


Ara POV


"Alex, please let's talk!"

Nakailang katok na ba ako sa kuwarto niya pagkatapos niyang mag walkout sa baba kanina. Inaamin ko, nagulat ako sa sinabi niya that she wants me more than just my body.

I'm not stupid not to comprehend what she's trying to tell me a while ago. But I want us to talk about it. Pero yun nga, nakailang katok na ako dito sa pinto ng kuwarto niya natutuyo na yung katawan kong basa kanina sa pagligo ko sa pool at nilalamig na din ako dahil ang tanging suot ko lang ngayon ay yung two piece bathing suit ko... pero ayaw pa rin niya ako labasin o pagbuksan ng pinto.

"Alexandra!" Tawag ko ulit sa kanya pero walang sumasagot sa loob. Pinihit ko ulit yung door knob niya kaya lang naka-lock talaga eh. Hindi ko naman alam kung saan tinatago ni nana yung mga susi. "Alex come on let's talk about this!" Medyo naiinis na din ako.

Okay, I'll try one last time. Kung ayaw niya talaga ako kausapin, bahala siya!

"Alex di ba talaga natin pwedeng pag-usapan 'to?!" Naiirita na ako sa kanya. Wala pa ring sagot. Pagod na din ako sa kakatawag ng pangalan niya at kakakatok sa pinto niya ha. "Fine! Kung ayaw mo makipag-usap di huwag!"

Nagdadabog akong pumasok sa katapat lang niyang kuwarto na siyang ginagamit ko kapag nandito ako.

"Nakakainis!" Inis na inis na wika ko habang naglalakad papuntang banyo.

Nagtanggal na ako ng damit at naligo na lang. Pero kahit na inis na inis ako ngayon kay Alex dahil ayaw niya akong kausapin, di ko naman mipigilang maging masaya sa nalaman ko mula sa kanya.

I mean, gusto din ako ni Alexandra!

I really want to talk to her and clarify things. Na mali siya sa iniisip niya na ayaw ko sa kanya, na akala niya may boyfriend ako ngayon. My God! She must know I hate commitments.

Eh sa kanya?

Napatigil ako sa pagsasabon sa naisip na iyon. Yes, I love Alex. But I don't know if I want some commitment from her. Pero ayoko ding wala kaming relasyon. Yes, of course. I want to have a real relationship with Alex.

Sa totoo lang, kaya ako tumanggi kanina sa kanya kasi iniisip ko, pagkatapos nun, ano mangyayari sa amin? And yes, I admit. Nung nakita ko yung pinsan niyang si Danielle and Camille and how good they look together, and how happy they are? Nainggit ako. I don't know pero, gusto ko din yung ganun... kami ni Alex. But I'm not sure about commitment yet. Ang gulo 'no?

Siguro kung makakapag-usap lang kami ng maayos, we can sort things out.

Ilang sandali pa'y lumabas na ako ng banyo, nagpatuyo ng buhok, nagbihis ng pantulog at nahiga na sa kama. Pero imbes na matulog, nakatingala at nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip ko pa din si Alex. Nakakainis naman kasi siya. Eh di nag-uusap na sana kami ngayon at malamang okay na kami.

Sure ka? Tuya ng isipan ko. Sure ka na usap lang talaga?

Damn it! Napatakip ako sa mukha gamit ang dalawang kamay ko ng maalala ko how hot she is kanina sa may pool. It took a lot of self control para tumanggi sa kanya. Nakakapanghina ng tuhod.

Pinilit ko iwinaksi sa isipan ko yung imahe ni Alexandra at yung paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko yung mga sinabi niya sa akin kanina. Di ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog basta ang alam ko, madaling araw na nun.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now