Chapter 8 Feeling Accomplished

39.8K 995 90
                                    

"I still get butterflies even though I've seen you a hundred times."

Ara POV

Inis na inis kong ibinaling sa niyog ang dapat sana ay kay Alex. Kasalanan ko ba kung late ako nagising? Dapat nga siya ang sisihin ko dahil di ako nakatulog kagabi dahil paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko yung nangyari sa talon!

"I hate you." Naiiritang sabi ko sa niyog. "You're a monster. Hmp!" Sabi ko na ang totoo si Alexandra ang tinutukoy ko. "Ang sungit sungit mo." Inis na sabi ko pa sabay hataw dito ng maliit na itak.

"Hindi naman po masungit si Alex, ma'am Ara." Narinig ko ang tila natatawang wika ni Mang Tasyo.

Yeah, sa tagal ko ng nagbubunot dito, pati pangalan niya nalaman ko. Pati na din yata istorya kung bakit siya napadpad dito sa hacienda.

"Istrikto lang talaga siya. Pero nasa katwiran naman. Kapag di ka sumunod sa pinag-uutos niya, mas magandang wag ka na lang magpakita sa kanya." Saad pa niya.

"Masungit pa rin siya." Giit ko naman na pinagbubuntunan pa rin ang bugbog saradong niyog.

"Siguro po, pwede niyo na po yan tanggalan ng balat." Sabi ni Mang Tasyo.

"Paano po?" Tanong ko.

Pagod na pagod na kaya ako. Pawisan na din yung mukha ko. Walang ibang may kasalanan nito kundi ang Alexandra na yun eh. Magbabayad siya!

"Ganito po." At ipinakita niya sa akin kung paano yun gawin.

"Ay ang galing!" Namamangha kong sabi. Ang dali lang niya kasi tinanggal.

Napakamot naman siya sa ulo. Parang namula pa yata at nahiya sa papuri ko. "Eh kayang-kaya mo din po yan."

Sinubukan ko tanggalin yung balat. Natuwa ako ng madali ko nga iyong natanggal.

"Ulit-ulitin niyo lang po yun hanggang sa tuluyan ng matanggal yung bunot." Sabi ni Mang Tasyo.

I did what he told me. Kahit na masakit sa kamay yung bunot kasi matigas tiyaka magaspang. Hanggang sa matanggal ko na lahat yung bunot dun sa niyog.

"Yes!" Napatayo pa ako't napasuntok sa hangin sa saya.

Feeling ko may nagawa akong isang tama sa tana ng buhay ko nung mabunutan ko yung niyog.

"Congratulations po, ma'am!" Sabi ng mga kasamahan ni Mang Tasyo sa akin. Pumalakpak pa sila.

Ay ang saya lang. Naka-bunot ako ng isang niyog. After one hundre years? Haha pero at least meron ako natapos.

Bitbit ang niyog na nabunutan ko, proud akong naglakad patungo sa kubo kong nasan si Alexandra.

"Hey you!" Mayabang na tawag ko sa kanya.

Nakahiga siya sa papag na gawa sa kawayan sa loob ng kubo. Nakatakip ang isang braso nito sa mata.

"I know you're awake." Mataray na sambit ko pero di pa rin siya gumagalaw. "Alex?" Sinundot ko pa yung braso niya na nasa tiyan niya pero di pa rin gumagalaw.

Napabuntong-hiningang inilapag ko sa may lamesang gawa sa kawayan yung niyog. Ang yabang-yabang ko pa namang pumunta dito para ipagmalaki sa kanya yung nabunutan kong niyog eh.

Sipain ko kaya para magising? Inis na bulong ko sa sarili.

Naupo ako sa papag, sa tabi ng natutulog na si Alexandra. Wala naman kasing ibang upuan dun. Parang dun ko naramdaman lahat ng pagod ko. Ang sakit sa braso nung ginawa ko. Sinulyapan ko yung suot kong wrist watch. Eleven twelve na pala ng umaga.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now