Chapter 4 Alexandra "Alex" Montalban

46.2K 1K 48
                                    

"A kiss is a lovely trick designed by nature to stop speech when words become superfluous."

Alex POV

2 days earlier...

"Alex!" Tawag sa akin ni James, ang pinagkakatiwalaan kong veterinarian.

Nasa kuwadra kami ngayon ng mga kabayo at kasalukuyan niyang tinitingnan si Misty, isa sa mga alaga kong kabayo.

"Malapit na manganak si Misty." Sabi niya sa akin nung makalapit ako sa kanya.

"Sa tingin mo kailan siya manganganak?" Tanong ko sa kanya.

"Anytime soon." Sagot niya. "Kaya kailangan may bantay dito palagi para kapag nanganak na siya, may titingin."

Tumango ako sa kanya at tiningnan si Misty na nakahiga sa may dayamihan sa loob ng kanyang kuwadra.

Sabi ni James, ang mga kabayo daw kaya nilang paanakin ang kanilang mga sarili at linisin ang kanilang anak. Pero kahit gayon pa man, kailangan pa rin na may nakaantabay na beterinaryo dito para kung saka-sakali mang kailangan ng tulong, agad iyon matutugunan.

"Nagbabago na ang behavior ni Misty. Her rump and tail head muscles are already softening. Even her vulva became swollen and elongated." Paliwanag niya sa akin.

"Sasabihin ko na lang kay Mang Amarilyo na bantayan maigi si Misty." Tukoy ko sa isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa hacienda. "At patawag na lang ulit kita kapag manganganak na siya."

Tumango naman si James. "Basta kapag manganganak na si Misty, wag maingay o magpahalatang andun kayo nagbabantay baka ma-distract."

"I'll bear that in mind." I assured him.

Naputol ang pag-uusap namin ni James ng may tumawag sa akin. It's Janine, my secretary. Nag-excuse ako kay James para kausapin si Janine.

"Yes, Janine?" Bati ko sa kanya nung sinagot ko ang tawag niya.

"Ma'am may iniwan po akong folder kay Aling Idad." She said.

Si Aling Idad or I call her Nana Idad, ay siyang mayordoma sa bahay. Pero hindi ito stay in, may bahay siya at ng pamilya niya sa loob ng hacienda. Asawa siya ni Mang Amarilyo. Malapit sa akin ang matanda dahil bukod kina lolo't lola, siya ang tumayo kong ina nung mamatay ang mga magulang.

"What folder?" Tanong ko.

"Naglalaman po iyon ng recommendation letter from De La Salle University in Canlubang, Laguna for a certain third year BS Entrepreneurship student named Arabella del Castillo Mendez, for a research and she requested for an assistance from you." Sagot naman ni Janine.

"Okay. Titingnan ko na lang muna." Sabi ko na lang. "Pakisabi na lang na tatawagan mo na lang sila if ever."

"Yes, ma'am." Sagot naman niya.

"Anything else, Janine?"

Mapagkakatiwalaan at maabilidad si Janine. She's married to Felix, with two kids. She's been with me since nag-start na akong hawakan at pag-aralan ang pasikot-sikot ng hacienda at ng mga planta. Kaya naman kahit hindi ako masyado natatao sa opisina, siya naman ang source of information ko. Mas hands on kasi ako dito sa hacienda.

"Iniwan ko na din po yung mga documents na kailangan ninyong pag-aralan at pirmahan." Saad niya.

"Sige titingnan ko na lang din." I replied. "Yun lang?"

"Opo, ma'am."

"Thanks, Janine." Sabi ko and I ended the call.

Nakita ko si James na kinakausap yung mga tauhan sa kuwadra. Para siguro i-brief sila tungkol sa nalalapit na panganganak ni Misty. Sumulyap ako sa suot ko na wrist watch, mag-aalas dos na ng hapon. Kailangan ko pang pumunta sa may niyogan para tingnan naman yung mga nag-aani ng niyog dun.

Seducing AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon