Chapter 19 Guilty

37.4K 981 82
                                    

"If loving you with all my heart is a crime --- then I'm guilty."  - Guilty by Blue

Ara POV

Hanggang ngayon, inis na inis pa rin ako sa Abby na yun dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin nung weekends sa hacienda. Kung wala lang talaga si Alex sa tabi niya hay sa umpisa pa lang sinabunutan ko na sana yung buhok niya!

Nakakaasar kasi eh! Halata naman na pinaglalaruan niya ako at nag-eenjoy siya habang ginagawa yun. I hate that bitch! Tinawag pa akong whore and ugly!

At ang pinaka nakakainis pa sa lahat, yung hinahayaan lang siya ni Alex na utus-utusan ako at pahirapan. Nagkanda-paso paso pa nga ako dahil sa bruhang yun. Pasalamat siya natanggal na yung scar kung hindi mukha niya lalagyan ko ng malaking X.

Hmp! Sino ba kasi yung babaeng yun? At ano siya ni Alex? Sobra kasi yung closeness nila eh. Tsaka pag kasama niya si Abby naglo-loosen up siya. Nalukot tuloy yung mukha ko.

Selos ka naman? Tuya ng aking isipan.

Excuse me? Mataray naman na sagot ng inner self ko. Hmp! Oo na!

Hayan umamin din sa wakas! Ang taas ng pride mo 'te pwede ba yang gamiting panlaba?

"Hey, Ara!" Narinig kong may tumawag sa pansin ko.

Lumingon ako and I saw Athena. Nasan na naman yung dalawa?

"Anong problema mo diyan?" Kunot noong tanong niya sa akin saka lumapit at naupo sa tabi ko.

Nandito ako sa parking lot, hinihintay yung tatlo kong bestfriends. Mas nauna kasi akong natapos sa surprise quiz namin kaya nauna na ako dito since last subject na naman namin yun ngayong Friday afternoon.

"Nothing." I replied as I wave my hand.

"Nothing?" She repeated. "Pero yang mukha mo iba yung sinasabi. And I even heard you like you're arguing with someone."

Not 'someone' Athena, kundi sa sarili ko mismo. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Weekend na naman kasi pupunta na naman ako sa hacienda."

Okay lang kaya na punta ako dun kahit pa nga araw araw para lagi ko nakikita si Alex kaya lang kasi baka nandun na naman yung babaeng yun.

"O?" Para naman itong naguluhan sa akin. "Ayaw mo nun makikita mo ulit si Alexandra."

"Baka nandun na naman kasi yung girlfriend niya." Bumalik na naman yung inis ko ng maisip ko yun. Selosa!

"Ah yung kwinento mo, si Abby ba pangalan nun?" Tumango naman ako sa kanya. "Miss Arabella Mendez, you're a fighter right?" Medyo nakangiti ng tumango ulit ako sa kanya. "Then gawin mo yung old ways." Sabay kindat sa akin.

Yeah, why not? Bully din kasi kami dati, especially ako. Marami-rami na din kaya ako napaiyak dahil sa pagka-maldita ko. Hmm, binigyan ako ni Athena ng idea. Papabagsakin ko yung Abby na yun. Makikita niya kung sino binabangga niya.

Ilang sandali pa'y dumating na din sina Penelope at Sofia. Mukhang close na naman sila ngayon. Di sila nag-aasaran. At nagtatawanan pa sabay apir sa isa't isa. Napanganga tuloy kami dito ni Athena.

"O?" Si Sofia. "Ba't ganyan itsura niyong dalawa?" Nagpalipat lipat yung tingin nilang dalawa sa amin ni Athena.

"Close na ulit kayo?" Di napigilang itanong ni Athena.

"We're bestfriends alangan namang hindi kami close?" Sagot ni Penelope.

"Yung totoo?" May pagdududang wika ko.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now