Chapter 17 The Punishment

36.4K 900 77
                                    

"It is a risk to love. What if it doesn't work out? Ah, but what if it does.

Ara POV

"A-alex..." I whispered trembling. "I-I'm so sorry."

Yes, I was sorry for hurting her, for lying, for breaking her trust, for.... nah, ang dami kong kasalanan sa kanya. Tapos sinampal ko pa. Nabigla din naman ako sa ginawa ko eh.

Hindi siya kumibo. Matalim ang mga tinging ipinupukol niya sa akin ngayon. I feel like a prey. Kulang na lang may literal na pana na nagmumula sa mga mata niya and she aimed it on me.

"I'm sorry." Isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata.

Her stance weaken when she saw my tears started to race down my cheeks.

"Now you're sorry." Malamig pa ring sabi niya sabay ng paglayo niya sa akin ng kaunti.

"Forgive me." I said in a low voice.

Oh my, oh my. Arabella Mendez asking for forgiveness? Ooo... that's the first. Bulong sa akin ng aking isipan.

Sarkastiko siyang tumawa ng mahina. "Sa tingin mo ganun lang kadali yun?" Tuya niya sa akin. "You think, with those words, you can easily get away with it?"

Ramdam ko talaga ang hinanakit at galit niya sa akin. Para akong hinihiwa ng mga salita niya sa akin. There's noone to blame anyway, but me.

"J-just tell me what you want me to do." Yes, I am desperate for her forgiveness. "I will do it."

"Will you?" She asked in disbelief.

"Yes." Determinadong sagot ko. "And please hear me out. Let me explain myself."

Mataman niya akong tiningnan. May galit pa rin sa mga mata niya pero hindi na ganun katalim ang mga titig niya sa akin. Umatras siya at naupo sa gilid ng study table niya at tsaka humalukipkip.

"Okay." Sambit niya. "I'm giving you a chance to talk... and explain."

"Al---"

She cuts me off. "Pero hindi ko pinapangakong maiintindihan kita at mapapatawad ng ganun ganun na lang."

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Napalunok ako. Para akong nanghihina habang nakatayo sa harapan niya. Hinayaan ko lang mahulog sa sahig yung shoulder bag ko at yung folder na papapirmahan ko sana sa kanya. I wiped away my tears at napabuga ng hangin.

"Nung pumunta ako dito ----"

Pinutol na naman niya ang sinasabi ko. "No." Sabi niya at naguguluhang tumingin ako sa kanya. "Simulan mo sa bar."

Sandali akong naguluhan sa sinabi niya. Sa bar? Oh that night when I purposely kissed her.

"Alright." Sambit ko saka huminga ng malalim. "Sorry kung hinalikan kita nun sa bar. We're playing truth or dare, I mean with my friends, and I chose dare. Binigay nila sa akin na task that night ay halikan yung unang babaeng papasok sa bar na yun." Nagsalubong ang kilay niya dahil dun. Ikaw ba naman kasi ang mapaglaruan, what would you feel? "And luckily, ikaw yung unang pumasok na babae that time. Wala na akong nagawa kundi... gawin yun."

"Luckily?" May pagkasarkastikong tanong niya.

"Y-yeah." Sagot ko tsaka ako napalunok na naman. Pakiramdam ko para akong nasa harapan ng isang judge. "Kasi that would be my first kiss... sa babae. And I'm lucky it's you not some girl..." Nakita kong umangat yung gilid ng labi niya kaya lang saglit lang yun wala pa yatang dalawang segundo.

"And then, after that." Sabay hinga ng malalim na sabi ko. "Nalaman ko na nakasanla pala sa bank yung mga ari-arian namin. I wasn't ready to lose everything we have." Pero ngayon kahit mawala na lahat ng mga yun wag lang ikaw. Idudugtong ko sana kaya lang alam kong hindi niya ako paniniwalaan ngayon dahil nga sa ginawa ko sa kanya.

Seducing AlexandraDär berättelser lever. Upptäck nu