Arc 1: chapter 3

9.1K 223 3
                                    

Author's note po ito noon pero ginawa ko nalang pong chapter. Hehe. Enjoy reading. 😘

**************************

Cleo's pov

"Guys dalian niyo!!! Mag laro tayo ng hide and seek" sigaw ng isang bata.

Tumango naman yung batang babae na kaparehas ko ng buhok at mata. Meron siyang mga kasama. Yung lalaking nag tawag sa kanila at saka yung pitong bata na katabi niya.

"Nine... And ten! Ready or not here i come!" Nakangiting sigaw ni cleo saka inumpisahan na niyang hanapin ang kanyang mga kasama.

Natagpuan niya yung isang babae na merong grey na buhok. Tatakbo na sana siya patungo doon sa babae kaso may humatak sa kanyang braso.

Na-alarma naman si cleo saka sumigaw. Ngunit tinakpan nung lalaki ang bibig ni cleo. "Mmphhh" pilit na tinatanggal ni cleo ang kamay nung lalaki sa kanhang bibig.

Nakita nung babae yung nangyayari kaya sumigaw ito at nag takbuhan yung ibang bata at nabato sila sa kanilang kinakatayuan.

"CLEO!!!" Sabay-sabay na sigaw nung mga bata saka tumakbo sila patungo kila cleo. Pero huli na sila. Wala na si cleo.

Napa balikwas ako ng bangon at napansin kong pawisan ako. Anong klaseng panaginip yun? Parang totoo.. Sino yung mga bata na kasama ko. Alam kong ako yung babae na kinuha. Baka isang masamang panaginip lamang yun.

Tumayo na ako saka nag lakad ako patungo doon sa kulay baby blue na walk in closet. Ngayon ko lang napansin na sobrang laki pala ng kwarto ko.

Binuksan ko na yung closet at napalaki ang aking mga mata. Bakit puro dress, Tapos heels? Jusko kapag prinsesa dapat puro dress at heels?

Nag halungkat ako at buti nalang may nakita akong black na tshirt saka shorts na hanggang bewang. Tinuck in ko yung black tshirt saka isinoot ko yung isang black na converse. Linugay ko nalang ang buhok ko.

Lalabas na sana ako ng merong kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko naman iyon at nakita ko si Manang Rosa. sayo "Oh gising ka na pala cleo." Parang gulat na bati ni Manang. Tinignan ni manang ang aking kasootan kaya kumunot ang noo niya. "Bakit ganyan ang soot mo cleo?" Pag tatanong ni manang.

Napa kamot nalang ako sa ulo ko. "Ganito po yung mga trip kong sooting Manang Rosa. Hindi ho ako mahilig sa mga dress at heels eh.." Pag papaliwanag ko.

Bumunting hininga naman si Manang. "Oh siya. Hinihintay ka na ng parents mo sa dining room para sabay-sabay na kayo mag breakfast." Tumango naman ako saka lumabas na ako ng kwarto ko at nag lakad na kami papuntang dining room.

Nag uusap lang kami ni Manang Rosa. Yung ibang mga maids binabati kami ng 'magandang umaga' kaya nginigitian ko sila.

Ng makarating kami sa dining room umupo ako sa tabi ni mom at binati ko sila ng 'good morning' binati rin nila ako saka nag umpisa na kami kumain.

"Oo nga pala princess. Bukas na ang umpisa ng pasukan. Ipapasok ka namin ng mom mo sa school dito. Okay lang ba sayo" Uminom muna ako ng tubig bago ko sagutin si dad.

"Okay lang po dad para naman may magawa po ako dito. Pero pwede po ba na walang makaka alam na ako ang princess ng elemental kingdom?" Ayaw ko naman kasi na meron akong special treatment o kaya makikipag plastikan sa akin yung mga magiging kaklase ko.

Tumango naman si dad. "If that's what you want princess." Pag papayag ni dad. Kakain na ulit sana ako pero nag salita muli si dad. "There are other royals in that school. Sa pag kaka alala ko mga kababata mo sila." May ibang royals din doon? Saka nga kababata ko sila? Wehh? Di nga?

Naramdaman kong hawakan ni mom ang kamay ko. Kaya liningon ko siya. "Bakit po mom?" Pag tatanong ko.

Umiling naman si mom saka ngumiti. Nag patuloy nalang ako sa pag kain. Ang sarap kaya ng hinanda nilang pagkain. Kapag tumaba ako sisisihin ko yung kusinero. Pero syempre di ko yun totohanin.

Katapos namin kumain nag lakad na ako papunta sa kuwarto ko pero may isang pintuan akong napandin. Color orange ito tapod may apoy na design sa gitna. Parang may kung anong tumama sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hinawakan ko yung door knob saka pinihit. Pero sarado. Inulit-ulit ko pero ayaw talaga.

"Juskong bata ka cleo! Wag na wag kang papasok sa kuwartong iyan. Ipinag babawal ng parent mo na pumasok sa kuwarto na yan." bigla akong hinila ni Manang Rosa. Aangal pa sana ako pero pinankihan ako ng tingin ni Manang Rosa kaya isinara ko nalang yung bibig ko hanggang makarating kami sa kuwarto ko.

Tatlong oras akong nakatambay lamang sa kuwarto ko. Nag wawattpad lang ako. Ano ba magagawa ko dito? Naiilang naman ako kausapin ang mga magulang ko... Kahit kasama ko sila parang may gap na kahit kailan hindi nila mapupuno..

Napatayo ako ng may kumatok sa pintuan. "Sino po yan?" Malakas kong tanong habang inaayos ko yung pag upo ko.

Napatingin ako sa pintuan ng narinig kong may pumasok. "Cleo" Nakangiting tawag ni mom saka umupo siya sa tabi ko.

Ngumiti naman ako. "Bakit po mom?" pag tatanong ko.

Hinimas ni mom ang buhok ko. "Gusto sana kita makausap cleo. Tungkol sa papasukan mong school." Napa tango naman ako.

"Ahhh tungkol dun sa Archian Academy po?" Paninigurado ko.

Tumango naman si mom. "Yung headmistress lang ang makaka alam na ikaw ang Elemental Princess. Saka rin yung mga kababata mo. Hindi mo naman sila maaalala pero for sure sila naaalala ka." Natural na talaga siguro kay mom magsalita with poise and grace.

Napatango naman ako. Ibig sabihin pala meron rin akong mga kaibigan noon. Pero bakit wala akong maalala? Saka sino-sino ba yung mga kababata ko?

Baka mamaya may bully sa school na yun... O kaya merong mga Darchians doon.. Sana hindi na ako mabully muli.

***************************
(Revised)

Cleo bakit wala kang maalala?

Vote
Comment
Follow

Hehe kung gusto niyo po gawin niyo yang tatlo.

Holder Of The Twin Dragons Where stories live. Discover now