Arc 1: Chapter 21

3.7K 97 3
                                    

Cleo's Pov

Hindi ko maiwasang mandiri sa mga tangkay nung mga puno dahil parang patay na yung nga iyon. Sure ba si ma'am alexia na merong mga herbs dito? Kasi puro patay ito sa paningin ko.

'Hime ganito talaga dito dahil mga herbs dito ay high classed kaya yung itsura niyang parang patay ay nagiging protection para sa mga herbs.' Liningon ko si glacies na naka tayo sa right kong balikat.

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Sa utak kasi ang daretsyo para bang may mind link kami. Angas noh?

Napasinghap ako ng bigla akong hatakin ni epal ng malakas. "Ano ba!?" Singhal ko sakanya habang pilit akong kumakawa sa hawak niya sa braso ko.

"Shut up! Muntik ka ng tumama sa isang poisoned vine! tanga ka ba!?" Napangiwi ako ng higpitan niya yung pagkahawak saakin. Pero wait! Tagalog yung sinabi niya ah.

"So!? Wag mo nga ako hawakan! Ni hindi nga kita kilala! Saka pake mo ba!? Masyado kang bosy!" Sinipa ko yung binti niya kaya nabitawan na niya ako.

"Fuck! You bitch that hurts! And my name is zervex you shit... Fuck.." Sige mura pa more. Tsk.

"Tina-Tanong ko ba? Mura pa more kuya!" Sarcastic kong singhal sa kanya bago ako nag lakad muli.

Zervex huh.. What a rare and weird name. Ano yon zonrox? Napairap ako ng napansin kong nag mumura parin siya habang sinusundan ako.

'hime calm down. Mukhang pinoprotektahan ka lang naman eh.'

'So? Sobra pa rin siya glacies. Pwede naman niyang sabihin. Hindi yung nanghahatak siya ng bigla bigla.'

Hindi na ako kinausap ni glacies sa mind link at nanahimik nalang siya.

Habang naglalakad may nakita akong isa sa mga herbs na kailangan namin. Nag crouch ako sa harapan ng herb para hawakan.

"Dont. You better wear some gloves first cleo." Liningon ko si zervex at may isang pares na rubber gloves na tumama sa mukha ko.

"Epal! Pwede mo naman iabot eh!" Sinamaan ko siya ng tingin saka sinoot yung gloves.

Dami pang arte-arte nito. Bwisit! Bastos lang? Pwede naman niyang iabot o kaya siya nalang kumuha eh. Hindi yung ibabato sa mukha ko.

Dahan-dahan kong pinitas yung herbs saka linagay sa loob ng isang jar. Siguro mga lima rin ang nakuha ko bago ko itinabi. Nung naglalakad na ako ulit parang nag iba ang ihip ng hangin. Wala aa sarili akong napa-atras ng ilang hakbang.

"Whats wrong?" Napailing ako habang nakatingin lamang ako sa harapan namin. "Shoot.. Cleo get behind me." Hindi ako agad naka react ng may palasong papalapit na saakin at nagliliyab ito ng itim na apoy.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko sa takot. Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na si zervex at meron siyang hawak hawak na itim na deck cards. Wala na rin yung ruby piercing niya sa kanyang tenga.

"Hime. Calm down please. Meron kayong kakayahan lumaban. Wag po kayo matakot' Napailing ako sa sinabi ni glacies.

Hindi ko maintindihan pero parang hindi ako makahinga. Dahil ba sa takot o sa miasma na para bang hinahatak ako sa kalupaan.

"Diamond 3! Full house!" Parang nag sitayuan ang mga buhok ko sa sinigaw ni zervex.

May mga spears na pumapalibot sa kanya at kulay itim ang mga ito. A-anong magi niya? B-bakit ganyan? Akala ko ba elementals lang ang meron..

Napatili ako ng bigla niyang pinagbabagsak iyon in a hand motion to a patch of area. I squinted my eyes and saw a pool of blood appearing.

"Mommy..." Bigla nalang nanghina ang mga binti ko at saka napaluhod na ako sa sahig.

Sari-saring emosyon ang aking nararamdaman habang ang ulo ko ay parang binibiyak. Kusa akong napaluha, nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa pag iyak.

May batang tumatakbo habang katabi nito ang dalawang lalaki na hindi ko maaninagan ang mga itsura. Basta lalaki lang talaga... Bigla silang huminto at saka tinitigan nila ang isang maliit na aso na maraming spears na naka tusok rito.

Napa iling ako dahil sa imaheng nakita ko sa aking isipan. Napatingalala ako at nakatayo sa harapan ko si zervex pero walang emosyon ang kanyang mga mata.

"You okay now?" Napatango naman ako saka pinunasan ang aking mga luha. "Good. Lets move on then. We still have 2 more herbs to collect."

Bigla nalang naglakad palayo si zervex at nakita kong may dugong tumutulo mula sa kanang kamay niya.

Tumayo na ako saka sinundan siya. Sinubukan kong kausapin si ignis at si glacies pero hini nila ako pinansin...

Natakot lang naman ako.. Diba normal lang naman na matakot? Kahit kailan hindi ko naranasan makakita ng mga halimaw... Halimaw na hindi nakikita pero may palaso ang aming nakaharap kani-kanina lang. Buti nalang talaga at nandoon si zervex. Dahil nag blank out talaga sa takot.

"

Ah!" Tinignan ko si zervex at hawak-hawak niya iyong braso niya.

Nagmadali ako saka tumayo sa tabi niya. "Uy. Okay ka lang? Bukas nalang kaya tayo mag patuloy? Dumudugo na yang kanang braso mo.. Wag ka na ring magreklamo.. Baka mamaya mamatay ka pa sa blood lost. Sige ka.''

Kumunot yung noo niya saka hinarap ako. "Wait. You can see it bleed? Nevermind... lets hurry up... We nees to find those herbs cleo."

Napa buntong hininga nalang ako saka tumango. Wala rin naman akong magagawa dahil for sure hindi rin ito makikinig saakin eh.

Dahil na rin mukhang may iniindang sakit si zervex nag pumilit nalang ako na ako nalang mag pipitas at mag hahanap. Nung aangal siya, sinamaan ko nalang aiya ng tingin kaya agad rin siyang nanahimik.

Malaki ang utang na loob ko sakanya. Kahit galit ako sa kanya, linigtas pa rin niya ang buhay ko. If hindi niya ako hinila palayo dun sa poisoned vine at saka iniwas palayo dun sa palaso. Paniguradong patay na ako ngayon. Pero kahit ganon si zervex may kabutihan rin naman pala siyang tinataglay kahit masungit ito.

Nung nakolekta na namin lahat ng herbs, bumalik na kami dun sa entrance nung foreat na walang kaming nakaharap na halimaw. Buti naman at wala dahil di ko kakayaning makipag laban sa kanila lalo na't may iniinda si zervex ng palihim. Kahit itago niya nahahalata ko naman ang sakit aa itsura niya.

Bukas na rin raw namin I-brew yung potion para makapag pahinga na rin daw kami. Hindi na ako tumutol nung siya ang nag tabi nung herbs. Kung ako pa yun baka nawala ko pa ang mga yun eh.

Pumunta nalang ako sa next class ko habang si zervex hindi ko alam kung saan pumunta. Siguro pumunta yun sa clinic para mag pa heal kay nurse faith. Sana okay lang siya... Pero sa pag kaka-alala ko hindi naman natamaan si zervex nung palaso.... Ano kaya ang rason ng pag dugo ng braso niya?

***************************
Helloooooo my frosties~ hehe thank you po sa pag basa ahh! Nakakatouch dahil malapit ng umabot sa 20k 😢😢

Sorry po if walang time ang updates ko. Dahil po kasi free data lang gamit ko most of the time tapos tamad pa ako mag sulat if may binabasa ako. 😂 sooooo babushh. love you readers 😘

Holder Of The Twin Dragons Onde histórias criam vida. Descubra agora