Arc 5: Chapter 76

452 21 0
                                    

Cleo's Pov



It was already morning and Zervex had just woken up. I looked over at him and smiled a bit, I should put my trust on him. He will tell me about who that other version of him. He wouldn't keep such a huge secret to me, we're close friends.

"Morning.." He mumbled as he sat up and stretched a bit. "We better stop hiding and find a way to get out. I have a bad feeling." He said with his groggy voice.

To be honest, he looks cute right now. But he seems to be hiding something. He knows something of what's going on outside and I don't like being kept outside of the loop.

"We better, I need to know about what's going in with Angela and the others I'm worried sick about them."

"Well, we can try contacting the outside?" He suggested as he took a small sip from the water bottle.

"And how do you suggest we do that?" I asked suspiciously.

"We can look around and we can try to explain to others students the situation outside. It's not a fool proof plan, pero baka with our combined strengths we can break down this barrier separating us." Bumuntong hininga pa siya at itinabi na sa backpack ko yung tubig.

Halos ubos na talaga ang provisions naming dalawa, kahit na nag ala girl scout ako para sa ranking na ito. Kung gusto namin makalabas dito, kakailanganin na talaga naming kumilos.

"As much as I want to be optimistic, feeling ko isang malaking problema talaga ito at pessimistic ako sa sitwasyon nating dalawa ngayon." Naiiling kong salita, habang isinasara ko na yung backpack ko para makakilos na agad kaming dalawa.

"Hey." Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at pilit niya akong pinatingin sa mga mata niya. "Magiging okay tayo, trust me Cleo. I won't ever do anything to harm you, you're the only girl and person I let into my life and I would protect you at all costs." Seryoso niyang pahayag habang nakatingin siya ng daretsyo sa mga mata ko.

Napabuntong hininga ako at nakikita ko na sincere siya sa mga sinasabi niya. Ang iniisip ko nga lang talaga, yung nakita ko kagabi ayaw mawala sa isip ko.

Bakit ayaw niya sabihin sa akin tungkol doon? May tiwala ako sa kanya, pero masisira lang iyon kapag hindi niya sinabi agad sa akin kung ano ang meron kagabi.

”I trust you, Vex. Don't make me ruin my trust for you." Mahina kong saad, saka hinawakan ko yung nga kamay niya. "Wag mong sirain, please." Tinignan ko siya ng daretsyo sa mata ng sinabi ko iyon.

Mukhang nabahala siya sa sinabi ko, at may undertone ang salita ko. It was a underhanded tactic to use such words against him. Paniguradong mababahala siya at kakainin siya ng konsensiya niya. Alam niyang hindi ako madali magtiwala sa tao, kaya hindi siya matatahimik nito panigurado.

"I won't break your trust." Ngumiti siya sa akin at mukhang napipilitan siya. "I will tell you everything in the near future. For now, just trust me and I will get us out of this place." Agad niyang dagdag at saka hinila niya yung kamay niya, mula sa mga kamay ko.

Napangiti nalang ako sa kanya, kahit na nakakaramdam ako ng lungkot sa pagtatago niya sa akin ng isang sikreto. Kung sasabihin naman niya sa akin sa hinaharap, pagkakatiwalaan ko muna siya ngayon. Dahil sinabi niya naman sasabihin niya... Wala na akong magagawa kundi ang pagkatiwalaan siya na wala siyang gagawing masama.

Dahil tapos na rin yun, nag umpisa na kami mag ayos ng natitira naming gamit at hinayaan nalang namin yung mga patibong na ginawa namin. Nang makatapos na kami, agad na kaming naglakad patungo sa isang banda ng gubat kung saan ko siya nakita may kinakausap kagabi.

"Vex, sa tingin mo kaya ayos lang sila?" Mahina kong tanong habang naglalakad ako sa tabi niya.

Napansin ko na panay siya sa paglingon sa paligid namin, kaya pati ako napapalingon sa kapaligiran namin.

"Huh? Yea, they probably are." Wala sa sarili niyang tanong at panay sulyap pa rin siya sa kapaligiran namin.

Napatango nalang ako at mukhang hindi maganda ang oras na ito para gumawa ng small talk. Habang naglalakad kami, wala akong ibang marinig kundi ang kaluskos ng mga dahon ng puno, maski huni ng ibon wala akong marinig. Para bang kami lang ang naririto.

Habang naglalakad kami, may isang kalabog akong narinig sa likuran namin. Agad kaming lumingon ni Zervex at may para bang hilt na tumama sa ulo ni Zervex. Sa lakas non, natumba nalang si Zervex. Agad akong kumilos at nasalo ko siya, pero pati ako nahulog sa sahig. Napaupo ako sa lupa habang inakap ko ng mahigpit si Zervex. Delikado kung maumpog lalo ang ulo ni Zervex at baka magkaroon siya ng concussion.

Tumingalala ako habang masama ang tingin ko sa taong maga gawa non kay Zervex at nararamdaman ko na gustong magwala ni Ignis sa accessory form niya. He really cares for Zervex.

'Ignis, calm down.' I used an authorative tone in my head at baka may gawin siya.

Hindi siya nagsalita pabalik, pero nararamdaman ko pa rin ang galit niya, pati si Glacies nag aalala pero wala siyang ginagawa o sinasabi.

"Sino ka? Bakit mo inampas si Zervex–" Nang matignan ko ng mabuti ang mukha nitong taong umampas kay Zervex, napatigil ako.

He was that guy from last night. He is the exact replica of Zervex in terms of his physical appearance.

"Hi Cleo, I am Xeren." Nakangiti niyang pagpapakilala habang kinakaway niya yung kanang kamay niya na may hawak na black dagger. It had a black hilt and a black blade, isang pulang gem sa dulo lang ng hilt ang naiibang characteristic nito.




***

Angela's Pov

"What is this? It's creepy..." Napaatras ako at napakapit ako sa laylayan ng manggas ng T-shirt ni JM.

Hindi nagsalita si JM at tinakpan niya ang paningin ko gamit ang katawan niya.

Kakapasok lang namin dito sa Ranking Dome at ganito agad ang bumungad sa amin. Bangkay... Lahat ng mga taong sumabak dito sa ranking ay patay na. Lahat sila ginilitan sa leeg at napagkatuwaan pa nung gumawa nito, dahil nakaupo ang bangkay at nagsasandalan. Linalangaw na rin ang mga ito.

"Nakikita mo si C-Cleo?" Nauutal kong tanong kay JM.

Kung ganito rin ang sitwasyon ni Cleo, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil hindi ko siya pinigilan sa pag sali rito, kahit na alam ko na napaka delikado ang ranking.

"Hindi ko siya nakikita. Wala siya rito, pati na rinnyung kaibigan niya." Agad akong nakahinga ng maluwag sa sagot ni JM.

"Tara na, hanapin na natin sila. Balikan nalang natin ang mga bangkay na yan..." Mahina kong pag aya kay JM habang marahan kong hinihila yung laylayan ng manggas niya. "Mas importanteng we search for Cleo. She is a prinsesa so she is top priority."

Tumango naman si JM at malungkot na ngumiti sa akin. "Dalian na pala natin."

Nag umpisa na kaming maglakad ulit para hanapin si Cleo. Napakalawak ng dome na ito at kakaonti lang ang nalalabi naming oras para hanapin sila. Sana naman mahanap namin agad sina Cleo. Mas mabuting ma-evacuate na siya palayo dito sa academy para hindi siya madamay sa gulo na ito. Lalo na at baka matrigger ang mga memories niya...

We all have something we are hiding from her and she won't be happy once she finds out. She can't find out about Leo.




*****

Dun dun dun!!!!!!

The end is nearing. Finally close to finishing this revision. ^~^

Holder Of The Twin Dragons Donde viven las historias. Descúbrelo ahora