Arc 3: Chapter 49

1.4K 42 0
                                    

Cleo's Pov

Two months na rin siguro simula na mag start ang school at halos isang hangin lang na dumaan ito sa akin. Kung tutuusin para bang first year lang ulit ako kahit na second year na talaga ako. Oo nga pala, hindi ko pa rin nakakausap si Ignis simula nung sinabihan ako ni Glacies last two weeks at sobang nabusy ako sa pag-aaral kasama ni Zervex. Hindi pa nga rin bumabalik si Janna at wala pa rin kaming bakita mula sa kanya.

Ayos na rin kami ng konti nila Amgela pero I just kept distancing myself kahit na gustong-gusto ko na sila makausap ulit. Ewan ko nga rin pero may nga panaginip ako lately na isang figure na hinahawakan ang noo ko tas may chinachant ng tahimik. Para siyang totoo pero parang hindi rin. Nakakalito talaga sabihin pero para talagang... Totoo na hindi ito.

"Okay! So any suggestions para sa Archian Fest!?" Malakas na sigaw nung 'president' sa klase sa mga maiinay naming kaklase.

"Buffet!"

"Dating booth!"

"Anime booth!"

"Harry-"

Nung narinig ko na may mag susuggest ng harry potter, tumayo na agad ako para ipagpatuloy kaya nag tinginan silang lahat sa akin. "Pres! Dapat Harry potter cafe! I divide natin sa tatlo itong room natin! Yung malaking space gawin nating hogwarts themed na every table lines hogwarts house! Tapos yung isang divided corner azkaban! Tapos yung kabila naman ay parang mga nag cocosplay nating classmates!" Magiliw kong suggest.

"Hoy! Ayaw nga namin! Ang bori-" Pag kokontra sana ni Tiffany kaso pinagbabato siya agad ng papel.

"Boo! Wag ka ganyan kay Miss cleo! Ang ganda kaya! Porket natalo ka lang niya last year!" Natutuwang sigaw nung isa at halatang  natutuwa ito na nakayanan niyang asarin yung maldita sa year namin.

"Che! Yang babae na yan ay plastic!" Umirap muna si Tiffany bago nanahimik panandalian at nakipagdaldal sa mga tropa nito.

"Kung hindi lang talaga masama manakit ng hayop baka nasaktan na kita..." Pagbubulong ko na mukhang narinig nung nasa likuran ko kasi napahagikgik nalang ito bigla.

Tumikhim nalang yung acting president saka ngumiti sa akin. "Salamat sa suggestion Cleo." Pag mouth niya. "So! May iba pa ba? May iba pang reklamo? Or agree na kayong lahat sa plano ni Cleo?" Pag tatanong nito.

Halos lahat ay tahimik na ang sabing, 'okay na.' Maliban nalang talaga doon sa mga kaibigan ni Tiffany at mukhang may galit talaga sa akin itong si Tiffany. Eh hindi ko rin naman maalala kung ano ang nangyari nung nag laban kami roon sa practice round something.

"Okay, so ano. Cleo, ikaw na sana ang bahala sa deisigning. Tulungan ka nalang ni Zervex at the rest sa amin ay susubukan mag hanap ng mga Harry Potter items mula sa mortal realm. Saka na rin ang pag budget at pag cater nung mga pagkain "  Pag papaliwanag ni President. "Ah! Saka please naman! Kahit tig 200 allowance ang idonate niyo para pangbudget sa mga pang design, lalo na para sa magiging cost nung mga fabric sa pag gawa ng costunes at si ma'am nalang daw bahala sa stocking ng pagkain." Pagdadagdag pa ni president.

Napa kurap ako saka liningon si Zervex na as usual, TULOG. Kailan ba ito nanatiling gising sa mga meeting? At sobrang tamad niya talaga kahit kailan.

"Teka? Bakit ako? Gusto ko pang sumali doon sa competition para sa ranking!" Pagrereklamo ko.

"Sino ba nag suggest nito?" Nakasimangot na turan ni President.

"Malamang ako! Eh ayoko gawin!"

"Kahit na! Galing ka naman sa mortal realm kaya ikaw ang pinaka maraming alam tungkol dito!"

"Unfair rin naman! Kasi busy ako-"

"Hindi! Final na ito kaya wala ka ng magagawa! I want your designs and ideas by the end of this week." The president snarled before walking off with heapd of papers at kailangan niya pa ipasa yon sa mga teachers namin.

Napabulong nalang talaga ako ng mga mura sa galit at ayoko talagang may mga responsibilities. Ito ngang prinsesa na ako, hindi ako kumukuha ng mga lessons na dapat ko malaman doon eh. Ang gusto ko lang naman ay malaman kung sino ba talaga ako at maging isang malakas na ES Holder at yung lang naman ang kainteres-interes para sa akin sa  kasalukuyan kung tutuusin.

"Hoy! zervex gumising ka mga diyan!" Mahina kong singhal sa natutulog kong  kaibigan na para bang wala siyang pake sa mundo.

Umungol lang ng bahagya si Zervex at iniba lang ang posisyon ng kanyang braso at nag patuloy lamang sa pagtulog niya.  Mukha pang wala siyang balak umuwi sa dorm niya at uwian na rin.

"Zervex~ gising na at uwian na.." Pagbubulong ko sa kanyang tenga kaya bigla nalang siya lumingon sa akin.

Tahimik kaming nagtinginan at nagtatama na ang aming mga ilong sa sobrang lapit ng mga ito. "Uhm..." Pareho naming bulong habang titig pa rin kami sa mga mata ng isat-isa.

Doon ko napansin na yung blue blue na mata ni Gray ay para bang tumitingin ka sa tubig na hindi mo naiisip kung gaano ba ito kalalim.

"C-Cleo? Pwede bang unatras ka?"

Agad rin akong kumilos at inatras yung mukha ko kaya naangat na agad ni Zervex ang ulo niya. For that short moment oara bang tambol yung puso ko at walang tigil ito hanggang ngayon. His face was too close and it made me feel completely flustered. Just a few more centimeters and we could have kissed.

"Sorry, pero Zervex kailangan na natin umuwi sa dorm. May assignment pa nga pala tayo tungkol sa mga Gods and goddesses of the elements. At bukas nga pala dahil saturday mag hahanap tayo ng design online at sa mall okay?" Pag sasalita ko ng sobrang bilis habang nag iiwas ako ng tinging kay Zervex.

Tahimik sandali si Zervex at mukhang inayos niya muna yung bag niya. "Sige, i chat mo nalang ako mamaya okay para malamang ko kung anong time tayo lalakad." Pagsasalita niya in his usual bored tone.

Ngumiti ako ng konti sa kanya at tumango bago ko sinoot yung backpack ko at nagumpisa na akong maglakad palabas. "Daan muna tayo sa cafeteria para bumili ng food mo?" Pag tatanong ko.

"Hah? A-ayos lang. Di ko pa naman nauubos yung binigay mo sa akin na pagkain nung wednesday kaya mag sasaing nalang ako."

"Sige, bahala ka." Nag shrug nalang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglakad.

Nag lajad lang kami ng tahimik patungo sa dormitories at busy rin si Zervex sa pag basa nung reviewers niya kaya hindi  ko nalang siya dinaldal at ayokong mapaginitan niya.

*****

Dalawang update na yan para makabawi ah? 😂

Holder Of The Twin Dragons Where stories live. Discover now