Arc 1: chapter 5

8.7K 224 14
                                    

Cleo's pov

Nagising nanaman ako na pinagpapawisan. My hair is all over the place. HINDI AKO NAKALBO AH! Baka kung ano isipin niyo batukan ko talaga kayo.

Tinignan ko yung phone ko na nakapatong sa tabi ng hologram alarm clock ko.

7:15am.

"Shoot!" Nanlaki ang mata ko saka nag madali ako papasok sa cr. Meron kasing cr itong kuwarto ko meron rin naman yung kay angela eh.

Agad-agad akong naligo. Chineck ko kung anong oras na. 7:25am. Bwisit! 8am ang first class ko.

Nag halungkat na agad ako ng masosoot sa cabinet ko. Tinatapon ko nalang sa kama yung hindi ko nagustuhan. Malalate na ako bwisit!

Sinoot ko nalang yung dark blue croptop at saka high waisted white shorts. Tinernohan ko nalang ng white converse. Yung buhok ko ipinony tail ko nalang. Mahaba na rin itong blue na buhok ko kaya umabot ito sa elbows ko.

Dinampot ko na yung phone ko saka lumabas na ako ng kuwarto ko. Naabutan kong umiinom ng kape si angela habang hawak-hawak ang phone niya. Nag lakad ako papunta sa kusina saka uminom ako ng tubig.

"Angela! Malalate na tayo uy!" Sigaw ko rito. Umirap naman siya saka hinarap ako.

"Chill lang cleo maaga pa. Actually 6:22am palang" kalmado nitong sinabi habang umiinom ng kape.

Tinaasan ko siya ng kilay saka chineck ko kung anong oras na sa phone ko. Nanlaki ang mata ko. Shoot! Nag madali pa ako for nothing bwisit! Akala ko late na ako.

Sinamaan ko ng tingin si angela. "Ikaw yung nag reset ng alarm clock ko noh!" Linapitan ko siya.

"Wahahaha I did not alam that you are such an uto-uto cleo wahahaha!" Hinawakan pa niya yung tyan niya dahil tawa siya ng tawa.

Inirapan ko naman siya. "Pshh." binuksan ko naman yung phone ko saka nag wattpad nalang ako.

Mag tataype na sana ako ng hablutin niya ang phone ko. "Hoy! Ano ba!?" Singhal ko rito.

Nginisihan niya naman ako saka tinago yung phone ko. "Wag ka muna use your phone phone. I will tour you sa school you wont be ligaw here." Nakaka nosebleed talaga ang lengguwahe nito jusko!

In the end pumayag nalang ako since kailangan ko rin naman yun. Ayoko rin maligaw noh.

Angela's Pov

Hehe! Kasama ko ngayon si cleo habang nag iikot kami sa academy. Ang cold nga lang ng expression. Pimag bubulungan nga kami eh. Why? Syempre ang ganda kaya namin. Saka alam ng ibang mga estudyante dito na ako ang Princess ng Ice kingdom.

Baka nag tataka rin kayo kung bakit hindi ako conyo ngayon. Im only conyo when i salita. Hehe. Ay ako nga pala si Angela Robinson. In 17years old and my magi is Ice. Syempre Ice Princess nga diba? Malamang Fire ang magi ko.

"Hoy! Angela saan ang classroom mo?" Pag tatanong ni cleo. Alam ba niya na ang cold ng boses niya? Kasi ang cold kaya.

"Hm? Im an elite so my classroom is hiwalay sayo. Since you are baguhan here you are still in the beginner level." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

Ahh oo nga pala. Hindi pa napapaliwanag ang ranking sakanila. Well baguhan rin naman ako rito saka yung ibang Royals. Pero lumaki kami rito sa archian world and basic knowledge nalang yun. Saka elite na agad ang Royals syempre Royalties. Malalakas rin naman kami since sanay na kami gamitin ang mga magi namin.

"Angela its already 7:30 i need to go to my respective classroom." Napatingin naman ako sa wristwatch ko at tama naman siya.

"Sige. Hintayin mo nalang ako sa classroom niyo para sabay na tayong mag lunch." Tumango naman si cleo saka nauna na siya pumunta sa classroom niya.

Holder Of The Twin Dragons Where stories live. Discover now