Arc 4: Chapter 68

784 28 1
                                    

Cleo's pov

Bubuksan ko na sana yung front door para lumabas kaso parang may hangin na bumalot sa akin at pumigil sa kamay ko kaya napangiwi ako dahil nahulin ako ni Patricia.

Tatakas sana ako ngayong umaga para mag practice kasi maayos naman na ang katawan ko at hindi ako gaano nasasaktan, kaso mukhang ayaw ata nila Patricia na hayaan akong mag practice.

"And where do you think you're going?"  Mapangbiro na tanong ni Patricia pero maririnig mo pa rin sa tono niya na hindi siya natutuwang makita ako na naglalakad.

"Bibili sana ako ng breakfast?" Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Breakfast? Umupo ka pala doon sa couch at ipagluluto kita."

"Eh? Bibili nalang ako at alam ko naman na busy ka." Pagtatanggi ko habang sinusubukan ko pumalag sa hangin na naka palibot sa akin.

"Cleo, stay home at magpahinga. Binilinan ka magpahinga so just listen and rest for today." Seryosong sabi ni Patricia at saka nawala ma yung hangin na naka balot sa akin.

Right, Patricia is an air element... I wonder how can I unlock the door for air? I need to unlock it...

Wala na rin akong magagawa at tumango nalang ako kay Patricia at dahan-dahan akong naglakad papunta sa couch dahil ayokong makipag talo kay Patricia at baka mamaya makatanggap ako ng madaming sermon sa kanya.

"So what do you want to eat? Ipagluluto nalang kita." Kalmadong tanong sa akin ni Patricia habang nakatingin siya sa akin.

Napasimangot nalang ako at tumingin sa sahig. "Sunny side up egg lang... Yung lamig na kanin nalang kakainin ko." Sagot ko na may konting pagtatampo.

Narinig ko ang mga hakbang ni Patricia kaya sinilip ko siya at mukhang nag uumpisa na siya mag prito.

"Tatampo ka pa? Baby na baby talaga." Malambing na ani ni Patricia. "Ipagluluto na rin kita ng cheesedog at isasangag ko nalang itong kanin."

Napangiti naman ako ng konti sa kanya. "Weh? Ang bait mo naman ngayon?" Kunyari kong gulat na tanong.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Patricia at saka umirap. "You're sick so of course ang bait ko ngayon."

"Okay, sabi mo ehhh." May pa sing s
song ko pang sagot habang nakangisi ako sa kanya.

Natawa nalang si Patricia habang umiiling siya. "Buong araw nasa council office kami ah? Busy kasi talaga kami ngayon lalo na paparating na yung ranking."

Tumango naman ako at saka ngumiti ng konti. "Ah okay. Oo nga pala, si mom and dad baka manood daw." Pag iinform ko sa kanya.

"They are? That's new, bihira pa namang magpakita parents mo sa mga ganitong events." Gulat na pahayag no Patricia habang inilalagay na niya sa plato yung bagong pritong hotdog at itlog.

Doon ako napaisip sa sinabi niya, hindi naman siguro big deal ang pagpunta ni  mom and dad para manood. Saka kahit naman hari at reyna silang dalawa, for sure nakikipag socialize sila sa mga commoners? They give off that vibe in my perspective.

"Iniisip mo siguro kung ano ang kakaiba sa pag punta nila noh?" Mukhang nabasa ni Patricia yung iniisip ko at tumango naman agad ako at gusto ko talaga malaman yung rason. "Well, they hide sa castle nila... They only go out for public announcements kaya kung lumabas sila in public, its really unusual."

"They do? I didnt know..." Napatingin ako sa sahig at napangiwi ako ng konti.

Mukhang hindi pala tama yung pagkaisip ko sa kanilang dalawa. I guess they fake it when kasama nila ako kaya hindi ko rin talaga mapapansin yon.

Holder Of The Twin Dragons Where stories live. Discover now