Kabanata 5

395K 12.7K 3.7K
                                    

Kabanata 5

I breathed hard when I got away from his body. Nag-iinit ang katawan ko na tila'y napapaso kapag nasasanggi sa kanya kaya dagli akong tumakbo ng banyo at naghilamos.

I don't care about my make-up being ruined! Muntik na! The temptation is right there in front of me, nag-aantay na lang na sunggaban and I did.

I don't know if Iñigo being asleep is a blessing or a curse. I admit, na-tempt ako. I can't help it! Iñigo's lips is just so... Naipikit ko ang mata ko. Damn it!

Why am I so stupid and impulsive?! 'Di nag-iisip! Tanga!

Nang makalabas ako ng banyo ay binalingan ko ulit si Iñigo. Tumba siya sa kama pero wala na ang pang-itaas niyang damit. Napahawak ako sa leeg ko na hinalikan niya, I can still feel his lips brushing my neck kaya napailing ako.

"You're both drunk, Thallia." I convinced myself bago napabaling sa closet niya. I opened it at hinanap muli ang lagayan ng mga shirt. He has a lot of white shirt kaya 'yon na lang ang kinuha ko.

Napadaan din ako sa mga suit niya na puro dark color at sa kanyang mga longsleeves at polo na nakahanay sa malinis na paraan. He's too clean for a man na mas nagpapagwapo sa kanya para sa akin.

Napunta rin ako sa cabinet niya na puro kulay itim na leather shoes at sa drawer na puno ng relo. I smiled when I saw his neckties, nakapalumpon iyon sa maayos na paraan but it's funny, thinking na hindi siya marunong maglagay niyon.

Nang marinig ko ang ingay ng isang mahinang ungol sa labas ay mabilis akong lumabas at nakita ko na siyang nakadapa sa kama. Umupo ako sa tabi niya at nanlaki ang mata ko nang makita ang tattoo niya sa likod. Nasa likod ito ng kaliwang balikat niya. Inilapit ko ang paningin ko roon para mas malinaw.

It's a feather, dalawa, ang isa ay malaki at ang isa ay katamtaman lang ang laki and they are tied together. Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos iyon. The tattoo feels good in my hands. I never thought Iñigo has a tattoo on his back. I mean, Iñigo, I think, is a man who would never put tattoo on his body pero ang makakita ng tattoo ngayon sa katawan niya ay bigla akong namangha.

Pahirapan pang ipasuot sa kanya ang shirt. Nakailang tumba pa ako sa kama dahil sa pag-ikot niya o hindi kaya ay sa paghatak niya sa kamay ko. Puro angil at tulak naman ako dahil ayoko nang matukso kagaya ng kanina.

Gamit ang kanyang banyo ay naligo ako. Dito na lang ako matutulog, gabi na at hindi ko naman hawak ang utak ng mga tao sa kalsada. I wore his shirt bago lumabas. Kaagad akong nangialam ng suklay roon para patuyuin ang buhok ko.

I smelled like him, ginamit ko kasi ang shower gel at shampoo niya. Tiningnan ko pa siya ulit at inayos ang magulo niyang buhok na tumatabon sa mukha niya bago ako natulog.

Ang gwapo niya talaga. I whispered to myself. But I'm sorry, ikaw ang may hawak sa ebidensya laban sa Dad ko kaya wala na akong choice.

Kung wala lang ang gulong 'to, hindi ko maiisip na magdalawang-isip na maakit sa kanya pero wala, e.

I must stop myself for feeling anything that can affect my plans. That night, I slept at the sofa, maaga rin ako aalis kinabukasan para hindi niya ako maabutan.

I woke up with the sun almost blinding me. I groaned at nakusot ko ang mata sa liwanag. Umikot ako at isinubsob ang mukha ko sa unan. The bed smells good and the blanket feels warm.

Pinalitan ba ng laundry shop ang fabric conditioner na pinapagamit ko? But it smells more comfortable, that's a check, hindi ko sila sisitahin.

Umusog pa akong muli at may nakapa akong yakapan. Isinubsob ko ang mukha ko roon at sininghot, but this pillow smells more good than the bed! Idinantay ko ang paa ko rito at nagsumiksik pa bago inamoy ito.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon