Kabanata 13

368K 9K 3K
                                    

Kabanata 13

"THAT'S why I don't love," sambit ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko. She was combing my hair, we're getting ready to finally meet my Dad.

"'My, you know love can make us. Love is the foundation of all, kung bakit nandito tayo ngayon," I said. Isang mahinang tawa ang ibinigay niya bago naiiling na tumingin sa akin sa salamin. She was grinning mischievously, na para bang katawa-tawa ang sinasabi ko.

"Thallia, my dear Thallia," she shook her head and placed my hair at the side of my shoulder.

"Love is bullshit, you see," natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi ka na mapapakain ng pagmamahal na sinasabi mo sa panahon ngayon. Love doesn't revolve in our lives now, hija. We were left and thrown away, they disposed us like trash. Where's love there?" matamang tanong niya.

"But we're meeting my Dad now, hindi ba't tatanggapin niya tayo? We're his family, right?" tanong ko naman. Nanatili siyang nakatitig sa akin, bakas ko ang tapang at mga hindi kagandahang plano sa mata niya.

"You still don't know how life really works, Thallia. Hindi na kailangan ng pagmamahal ngayon para mabuhay, we have to be practical."

"Practical? What do you mean by that?"

Ngumiti siya sa akin at humiwalay para kumuha ng isang upuan at hinila ito papunta sa may harap ko.

"Thallia," inabot niya ang dalawang kamay ko at sinalubong ang mata ko. Her sharp eyes stared intently at me.

Looking at her, I know how strong my mother is, but despite that strong persona is a soft mother side of her. Behind those sharp eyes is a loving and sincere one. I know my Mom is only doing what's best for me.

"Don't you ever let the scary feeling eat you, remember this, love will only drag you to your own grave. H'wag na h'wag mong hayaang maloko ka ng pakiramdam na 'yan. To live, you have to be ruthless," hinaplos niya ang daliri ko.

"You have to show no mercy. You have to claim what's rightfully yours. You have to be strong. Don't you ever show someone the soft side of you. Never," umiling siya at mas tumalim ang mga mata niya. "You have to live the life you desire, Thallia, kill if you must."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya at nanigas ang katawan ko. Nanatili akong nakatulala sa kanya at isang nakakakilabot na ngiti ang ibinigay niya sa akin. She raised her hand and touched my cheek.

"Do you understand me, Thallia?" she asked me softly and caressed my cheeks.

Wala sa sariling tumango at ipinikit ang mata at gano'n na lang ang gulat ko sa malakas na pwersa na natanggap ko sa pisngi ko.

"Ilabas mo ako dito! Do your job!" nanlaki ang mata ko nang makita ang Dad ko habang dinuduro ako.

The scene changed! I was in my room then why am I in the prison now?!

"Anak ba talaga kita?! You useless prick!" he shouted. Napahawak ako sa pisngi ko at nakatulala habang pinagmamasdan siyang pinapakalma ng mga pulis.

"D-Dad..."

"H'wag na h'wag kang lalapit sa akin! Hindi kita anak! Hindi!" he shouted, exasperatedly. Sa bawat abante niya ay pinipigil siya ng mga pulis.

"D-Dad, i-aalis kita rito. Just-just give me time," nanginig ang boses ko at inabot siya pero umiwas siya.

"Time?! Binigyan na kita ng oras pero sinayang mo! You never tried getting me out of this hell! Sinayang mo ang oras na ibinigay ko!"

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon