TTH Special Chapter

373K 10.7K 2K
                                    

TTH Special Chapter

"BABY, pa-kiss..." Isang bulong sa tenga ko ang nagpatalon sa akin. Mabilis akong napalingon at halos masapo ko ang dibdib ko sa gulat.

"Iñigo!" I hissed. He laughed and shook his head.

"Hi, baby..." Tinaasan ko siya ng kilay at nakita ko ang pagngisi niya at mabilis na ipinatong ang kamay sa sandalan ng sofa. Napasinghap ako sa gulat nang talunin niya ito bago makaupo sa tabi ko.

"Akala ko ba, matutulog ka na?" Tanong ko. He sighed and shook his head.

"I can't sleep without you," aniya. Napangisi ako.

"Hmm? Really?" I asked with a hint of a smile. He nodded.

"Pero you need to sleep, kakagaling mo lang sa trabaho, anong oras na, o." Paalala ko sa kanya.

He yawned and moved closer.

"You too, you should sleep. It's late, baby." He reminded, snuggling closer to me.

"But I slept all day, itong bunso mo kasi, ang takaw sa tulog..." bulong ko sabay haplos sa baby bump. He laughed.

I saw him taking a glance at my stomach before leaning to kiss it.

"Hello, baby! Ayaw mo pa matulog?" aniya at hinaplos ang tiyan ko.

"Ayaw po, Daddy..." I answered using my little voice. He chuckled.

"Why? Mommy's tired, don't you want to rest with us?" he asked back in his tiny voice.

"Mommy isn't tired, she slept all day..." I answered with enthusiasm.

Mas napatawa si Iñigo. Nag-angat siya ng tingin sa akin at sabay kaming napatawa ng magsalubong ang mata namin.

His ocean-blue eyes smiled and he ran his hand on his hair before rising.

Sumandal siya sa sofa katabi ko at kaagad na pinagsaklop ang kamay namin.

"I missed you all day, baby..." He kissed my knuckles.

"I missed you too," sagot ko.

Iniangat naman niya ang likod ko para ilagay ang braso niya sa ulo ko bago pinasandal ako sa kanyang dibdib.

"I told you, mag-secretary na lang kita ulit." He said. I laughed. Iniangat ko ang mukha ko at at hinalikan ang baba niya.

"We won't finish any work, baby," sabi ko.

"E, wala nang nag-aayos ng necktie ko!" Reklamo niya.

"Ipaayos mo!" Sabi ko. He tsk-ed.

"No, I want you!" Maktol niya kaya natatawang pinalo ko ang hita niya.

"Childish!" Natawa ako.

"I tried letting others fix my tie pero 'di ko gusto!" Sabi niya. Natigil ako at nilingon siya.

Nagsalubong na ang kilay at nawala sa mood.

"Ano? Sinong nag-ayos?" Tanong ko. "Babae?"

I asked him sharply. Natigilan siya.

Nang hindi siya nagsalita ay napaayos ako ng upo at nilingon siya na seryoso ang mga mata.

"Iñigo?" Nilingon ko siya. He cleared his throat, bit his lip, and smiled a little.

"Uh..."

Nawala na nang tuluyan ang ngiti sa labi ko. Nang titigan ko siya ay kumurap siya kaya matalim ko siyang tinignan.

Umayos siya ng upo at hinanap ang mata ko.

"Baby..." Hinagilap niya ang ang kamay ko pero tinampal ko lang.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon