Kabanata 17

326K 10K 1.5K
                                    

Kabanata 17

"SORRY, I was just too emotional today," mahinang sabi ko at nakagat ang labi ko nang basain niya ang pang-ibabang labi niya.

"I can see that," tango niya at pinagmasdan ko siyang hubarin ang coat niya at ipinatong iyon sa gilid ng sofa. I watched as he stood up and folded his sleeves up to his elbows bago buksan ang isa pang butones ng dress shirt niya. Napasandal naman ako nang humarap siya sa akin at sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya. I watched as his hair majestically fell to his forehead.

"Hindi kita nalagyan ng necktie," mahinang sabi ko.

"Yes, because you're too preoccupied to even look at me," sabi niya. "Magtatampo na sana ako but then, you cried and I didn't know what to do."

"Sorry, baby," sabi ko at mas lumawak ang ngiti niya. He nodded and stretched his arm at parang walang nangyaring bumalik sa swivel chair niya.

He didn't even ask me if I knew Maica or what. He just nodded and smiled when I told him I love him and I think that's enough.

Kung sakaling magtanong siya ay ano bang isasagot ko? Wala. Ayokong masira kami, ayokong mawala siya sa akin.

I can't even imagine not seeing him anymore. I played with fate, with my cards. I played with the fire that got me burned in the end. It was a wild and nice flame and I am willing to get burned with it as long as it was him. He was the fire I've always wanted, the love I was craving for. The love that I have lost since my mother died.

The love that's keeping me burning, alive.

He gave it to me and I can never lose his light because of the wind my secrets are hiding.

Napatingin ako sa kamay ko at sa daliri kong mayroong band aid. Nalipat din naman kaagad ang tingin ko sa kanya na nagbabasa na ng papeles na naiwan niya kanina. He looked sinfully handsome with his eyeglasses. He looked nerdy and classy at the same time.

I love how his lips curved everytime he would talk, I love how I got drowned with his deep bluish eyes, I love how his voice sounds melody in my ears. How can a target be a lover this fast? Is it because of my unstoppable feelings for him or the warmth of his embrace he is giving me?

"Wipe your lips, baby," biro niya. Napakurap ako at doon ko napagtantong nakatulala lang ako sa kanya.

"Huh?"

"You're drooling," he said. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Mabilis kong hinawakan ang gilid ng labi ko at nang malamang nang-aasar lang siya ay napasimangot ako. He laughed when I threw him daggers. Ibinaba pa niya ang eyeglasses niya at nakangising sumandal sa swivel chair niya.

"I, uh, should go outside. Marami pa pala akong trabaho," sabi ko at akmang tatayo nang magsalita siya.

"Wait..."

Napahinto naman ako at tumingin sa kanya.

"We'll eat lunch together," ngiti niya bago tumayo sa swivel chair niya. He took my unharmed hand and made me walk.

"Ano?" hindi makapaniwalang sabi ko. Pinasadahan na naman niya ng hawak ang buhok niya bago ayusin ang kwelyo niya at ngumuso sa akin.

"I want to eat with you. Let's go." Hinila na niya ako at wala na akong nagawa kung 'di ang magpadala sa kanya. The moment we stepped out of the main door of his office ay kaagad akong nilamon ng lupa nang mapatingin sa amin ang mga kaopisina ko.

Napalunok ako at sinubukang tanggalin ang kamay ko mula sa hawak niya pero hindi niya ako hinayaan at sa halip ay mas humigpit pa.

I caught Mary Jane looking at us while grinning like crazy and even gave me a thumbs up. Kinunutan ko siya ng noo pero itinaas niya lang ang kamay at tinawanan ako.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon