Kabanata 19

344K 9.2K 1K
                                    

Kabanata 19

"AYOS ka lang?" naglakad ako palapit kay Iñigo nang maabutan ko siya na nasa kusina. I woke up without him beside me so I assumed na nasa kusina siya and I was right, naabutan ko siyang nakasubsob ang ulo sa counter. Mula sa pagkakasubsob sa counter ay nag-angat siya ng tingin sa akin at nang makita ako ay napanguso siya at bumagsak ulit ng higa roon.

Natawa ako sa ginawa niya at parang nahihiyang kinamot ang batok niya at itinago ang mukha mula sa akin.

"Nahihiya ka?" natatawa kong sabi bago umupo sa tabi niya. Natatawang hinawakan ko ang buhok niya at hindi naman siya nagsasalita. Sa halip ay bumaba ang kamay niya sa baywang ko at bigla na lang yumakap sa akin.

"I'm just dreaming, right?" paos niyang bulong bago sumiksik sa balikat ko.

"Dreaming?" napahagikhik ako. "No, you actually got drunk last night, baby."

"Shit," he groaned kaya napatawang lalo ako at niyakap din siya. Malalalim na paghinga niya ang naririnig ko at ang panaka-naka niyang paghalik sa buhok ko.

"Who sent us back home?" bulong niya.

"Dash did, he drove us home last night. Mabuti na lang at nandoon ang kapatid mo, dahil kung wala 'di ko alam paano tayo makakauwi," nakangiti kong sabi. Iniangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang buhok niya.

"What time?"

"Mag-o-one na 'yon," sagot ko. Humiwalay siya sa akin na nakakunot ang noo.

"What? Bakit one na? Didn't Dash offer to take you home early? Kung ako lang sana, ayos lang. Pero kasama kita and I'm fucking drunk. Paano kapag may nangyari sa 'yo do'n?" mariing sabi niya.

"Dash offered to take us home instantly when he saw you asleep pero nakakahiya naman. He's enjoying the party tapos bigla na lang ako papahatid?"

"But—"

"He insisted but I didn't. I told him to just enjoy the party at kapag uuwi na siya at saka tayo ihatid," sabi ko naman pero hindi natinag ang pagkakakunot ng noo niya. Nakapirmi rin ang labi niya kaya inangat ko ang kamay ko para hawakan ang linya sa noo niya.

"Don't be upset. Siyempre, nakakahiya naman sa mga kapatid mo," malumanay kong sabi. He relaxed and closed his eyes when I touched his cheeks.

"Then what did you do while I was asleep? I'm sorry for being drunk, last night," sabi niya.

"Nothing, binantayan kita noong natutulog ka. You're unusually clingy pa naman kapag tulog," tawa ko. Nagmulat naman siya ng mata at itinagilid ang ulo niya habang nakatingin.

I watched his neck as it moved. Pansin na pansin pa ang ugat niya roon na gusto kong hawakan bigla.

"Really?" nakanguso niyang sabi. Kaagad naman akong tumango at pinisil ang ilong niya.

"Hmm, you're hugging me the whole time and whispering words na hindi ko na maintindihan but it's cute," tinanggal ko ang buhok sa noo niya. "Namumula rin ang mukha mo and your ears din. Gwapo mo kapag lasing," asar ko.

Nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa labi niya at umayos ng upo. Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang upuan ko at bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. I stilled. I felt my cheeks flushing.

Namumungay pa ang mata niya na may halong kapilyuhan habang nakatitig sa akin. "How about now? Am I not handsome when I am not drunk?"

"Uhmm," I unconsciously scanned his face. Mula sa mata niya pababa sa ilong niya at sa labi niya na nakaangat ang sulok dahil sa pinipigil na ngiti.

"Uh ano, gwapo naman," wala sa sarili kong sabi. He moved his face closer and gave a peck on my jaw. Nag-init ang mukha ko.

"Uh-huh?" Gumapang ang kamay niya sa baywang ko at ang halik sa panga ko ay napunta sa gilid ng labi ko.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon