Kabanata 24

343K 10.5K 1.8K
                                    

Kabanata 24

"WHAT'S the matter?" inaantok na sabi ni Ally habang inaayos ang robe niya pagkatapos kong katukin ang kwarto nilang mag-asawa.

"I-I need help," nagmamadaling sabi ko at nang makita ko na lumabas ng kwarto nila si Greg na nagsusuot pa ng shirt ay kaagad akong nagsalita.

"Greg, I need help." Nangunot ang noo nito at kaagad na tumabi sa asawa.

"Help? Bakit nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ally pero kaagad akong umiling at hindi ko matapos ang sasabihin ko.

"S-sa kwarto, I—" tumikhim ako at humugot ng malalim na hininga. "I-Iñigo's there, please," hindi mapalagay na sabi ko at nilingon ang kwarto ko.

"Iñigo? Who's that?" gulong tanong ng kapatid ko pero hindi na ako nagsalita at mabilis na naglakad at ramdam ko na sinundan nila ako. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang naglalakad patungo sa kwarto ko.

I left Iñigo there to asked some help. He's bleeding!

Nanginginig na binuksan ko ang pintuan ng kwarto at kaagad na binuksan ang ilaw, sumunod sila sa akin at narinig ko ang pagsinghap ng kapatid ko nang makita si Iñigo sa kama.

"God!" Ally exclaimed.

"Fuck!" biglang mura ni Greg at nagmamadaling tumakbo patungong kama. "What happened?" mabilis akong nilingon ni Greg at mabilis niyang inabot ang leeg ni Iñigo para tingnan ang pulso.

"H-he was shot," nanginginig kong sabi. Hindi naman niya ako sinagot at mabilis na tiningnan ang tama ni Iñigo sa balikat.

"We have to stop the bleeding! May tela ka ba?" mabilis akong tumakbo pagkatapos akong makadampot ng damit malapit sa bag ko at mabilis niya iyong kinuha at idinikit sa sugat ni Iñigo.

"I need my things," lumingon si Greg.

"U-uh, nasaan? I'll get it!" nagmamadaling sabi ko at halos mataranta na sa kaba at takot habang nakatingin kay Iñigo.

"No, you stay, Thallia. Don't panic," paghihinahon niya sa akin pero nanatili lang ang tingin ko sa balikat ni Iñigo na tinatakpan niya.

"Ally, baby, you know where my things are, right?" narinig kong sabi ni Greg sa asawa niya.

"Yes, ako na ang kukuha," aniya at mabilis akong napalapit sa pwesto ni Iñigo.

"Is he in danger? W-what can I do?" nanginginig kong sabi habang nakatingin kay Iñigo na wala nang bakas ng kulay sa labi. Inabot ko ang malamig niyang kamay at hinigpitan ang hawak ko roon.

He was pale and I'm scared something might happen!

"For now, hindi ko pa alam," sagot niya sa akin. "Gaano na katagal ang tama niya?"

"K-kanina, I—" naputol ang sasabihin ko at napatungo. "It's m-my fault, he-he saved me!"

"Calm down, Thallia." Napahilamos ako sa mukha at napahikbi habang tinitingnan si Iñigo.

"K-kung hindi niya ako niligtas sana hindi siya..."

"He'll be fine," Greg assured me.

"H-he was bleeding! What if he lost a lot of blood and—"

"He'll be safe, Thallia," pag-aalo niya sa akin.

Napahikbi ako at umiling. "It's my fault..."

"I promise, Thallia. I'll keep him safe." Napaangat ako ng tingin sa kanya at kahit nanlalabo ang mata ko ay kita ko ang kasiguraduhan niya.

"Greg! Here!" isang humahangos na Allison ang pumasok at naglapag ng gamit sa kama.

"Careful," pigil niya sa nagpa-panic na si Allison at nakita ko ang pagtigil nito at ang pagbuntonghininga.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon