Kabanata 30

402K 10.4K 4.9K
                                    

Kabanata 30

I woke up inside a quiet and dark room. Tanging ang mahinang tunog ng hangin mula sa bukas na bintana ang naririnig ko. Binalot ng takot at kaba at ipinalibot ang paningin sa paligid pero wala akong maaninag na kahit ano maliban sa bintana at sa maliit na siwang sa pintuan.

I tried moving my hands and feet pero hindi ko iyon maigalaw. They tied me! I tried moving but the rope was tightly wrapped around my wrist and feet.

Mariing ipinikit ko ang mata at bumuntong-hininga, nangingilid ang luha ko sa takot pero pilit kong tinatatagan ang sarili ko. I have to be strong to save myself and my child. I shouldn't let those people see me cry and weak. Kailangan kong makatakas dito!

Sinubukan ko ulit na hilahin ang kamay ko sa likod paalis sa tali pero sa bawat paghila ko ay mas humihigpit ito sa pulso ko kaya napadaing ako. Ipinalibot ko ulit ang paningin ko at sinubukang tumayo mula sa pagkakasalampak pero natumba lang akong muli dahil nakatali rin ang paa ko.

Naramdaman ko ang pagkirot ng balakang ko kaya napailing ako at sumulyap sa tiyan ko.

No, I have to think! Hindi ako dapat magpadalos-dalos, my baby's safety is in my hands. I should never do anything reckless that can risk his life!

Habang nag-iisip ay natigilan ako nang maalala ang kwintas na ibinigay sa akin ni Iñigo. Napaayos ako ng upo at iginalaw ang kamay ko pero hindi ko pa rin matanggal.

Iñigo! I have to tell Iñigo!

Nagkahalo-halo ang mga pangamba ko, ang kaligtasan ng anak ko, si Iñigo! I have to press this! I have to tell Iñigo where to find us!

Sinubukan kong abutin ang kwintas sa leeg ko gamit ang bibig ko pero hindi ko magawa. I tilted my head to take the necklace by my mouth but I can't reach it!

I tried standing cautiously, maingat na sumandal ako sa pader para makabalanse at kinapa ang ito kung may pwede akong magamit. Naupo akong muli at may nakapa sa likod ko na kung ano. I moved!

Alerto kong tinitingnan ang paligid kung may kahina-hinala at pinagpatuloy ang ginagawa.

I have to get out of here before they know I'm already awake.

"Shit!" napasinghap ako nang may matulis na humiwa sa daliri ko. Natigilan ako sa hapdi pero kaagad ding kinapa ito at kaagad na napangiti nang mapagtantong isang maliit na kutsilyo ito, marahin ay gamit pantalop ng pagkain o hindi ko alam. I didn't even dare wasting my time thinking where they used it.

I don't know where it came from but this will be a big help! Kaagad ko iyong kinuha at ginamit para putulin ang tali sa kamay ko. Ilang beses pa akong nahiwa nito sa kamay at balat pero hindi ko na ito ininda.

Mabilis kong nabitiwan ang kutsilyo nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Naipikit ko ang mata sa ilaw na tumama sa mukha at sa aking pagmulat ay tumambad sa akin ang dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ko.

"Sino kayo?" mariin kong sabi at umatras sa isang gilid. Walang nagsalita sa kanila at lumapit sa akin kaya kumabog ang dibdib ko. Umatras pa akong muli at nang hawakan ng isa ang braso ko ay mabilis ko siyang sinipa.

"Tang ina!" he cursed, nakita ko ang galit sa mata niya na para sa akin at nang umabante siya ulit palapit ay umiling ako.

"Don't touch me!" I hissed. Pumalag ako nang hawakan nila ang braso ko at pilit na itinatayo. "Let go!"

Ang isa ay tinanggal ang tali sa paa ko kaya malaya ko silang nasipa pero nasasalag nila ang bawat sipa ko.

"Tang ina, manahimik ka!" Pumaling ang mukha ko nang sampalin ang pisngi ko.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon