Kabanata 12

332K 9.5K 3K
                                    

Kabanata 12

"DAMN baby, panagutan mo ko..." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nangunot ang noo ko.

"Ano?" gulat kong sabi at inalis ang mukha niya sa leeg ko. Nang masilip ko ang mukha niya ay ngumuso siya.

"Nothing," he answered at sumiksik na naman sa leeg ko. Nagsitaasan ang balahibo ko sa ginawa niyang halik doon pero pilit akong gumagalaw.

"Iñigo," I called him.

"Hmm," he hummed at wala sa sariling naipikit ko ang mata at napakapit sa leeg niya dahil sa pagkagat niya sa balat ko.

"What do you mean by that?" tanong ko. He stopped nipping my skin, I almost stomped my feet but I need to hear his answer. Lumayo siya sa akin at itinukod ang kamay sa gilid ng ulo ko para masilip ang mukha ko. I saw amusement in his eyes as he was looking at me, may nabakas din akong hiya roon.

"Do you really wanna know?" tanong niya bago itagilid ang ulo. Marahan akong tumango at napabuntong-hininga siya at yumuko para bigyan ako ng patak ng halik.

"Sure?" ulit niya. Napanguso ako bago tumango at pinagmasdan ko siyang pabagsak na humiga sa tabi ko. He stared at me at kaagad kong naramdaman ang pag-init ng pakiramdam ko dahil sa pagtaas niya ng kumot sa katawan namin.

"What did you just say?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya at binasa ang labi niya. He stared at me intently again before shaking his head. Natigilan naman ako at napaisip.

What is it? Ayaw ba niya noong nangyari? May kung anong kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko.

What does he mean by that? I admit I was drunk but I'm in the right state of mind to still want this to happen! Nasa tamang wisyo pa rin ako para umiwas sa kanya pero hindi ko ginawa kasi gusto ko siya kahit hindi pwede!

"I-I can't," tikhim niya. Tumango naman ako at nag-iwas ng tingin. The bitter feeling started creeping from my stomach up to my chest.

"It's fine, just... just forget about this," may pait ang tono na sinabi ko. Mabilis akong umikot patalikod mula sa kanya at kahit na masakit ang pagitan ng hita ko ay pilit akong umupo.

"Thallia," he called me. Tumango lang ako at hindi lumingon.

I know, Iñigo. Mali ito.

"It's fine, nadala lang naman tayo," malamig kong sabi. Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo ay napasinghap ako nang mabilis na nahatak ni Iñigo ang kamay ko kaya napaupo ako muli.

"Ouch," singhap ko sa hapdi na naramdaman ko.

"Shit!" narinig ko ang malutong niyang pagmumura at ang pagkalampag ng kama sa tabi ko dahil sa pagbalikwas niya. Naipikit ko ang mata sa iniindang sakit sa baba.

"Baby," narinig ko ang tawag ni Iñigo. Mula sa kamay ko ay naramdaman ko ang haplos niya sa pisngi ko. "Are you okay?" ngayon ay nakaluhod na siya sa harapan ko at hinahanap ang mata kong umiwas.

"Yeah," sagot ko at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. "I'm fine now, sige, lilipat na ako sa kwarto ko," sagot kong muli at hindi ko na siya hinayaang hawakan ako. I swiftly took the blanket to cover my body at humakbang paalis. Hindi ko alam ang ginagawa ni Iñigo sa likod ko kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

It was a mistake, I know, pero wala akong maramdamang panghihinayang. Sakit, oo, pero walang pagsisisi. I wanted to be alone, to cry silently because I was thrown away again by the man I loved. Una si Dad, pagkatapos ngayon...

Napangiwi ako sa sakit sa pagitan ng hita ko but I still tried to walk away. Napahawak ako sa pader para makalakad muli pero nang akmang hahakbang na ako ay napatili ako sa gulat ng umangat ako sa lupa.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon