Kabanata 25

359K 10.7K 2.1K
                                    

Kabanata 25

UMAWANG ang labi ko sa gulat at hindi nakapagsalita. He offered his hand to me pero hindi man lang ako nakagalaw sa pwesto ko. Puno ng pagtataka ang utak ko at malakas ang kabog ng puso ko.

"Thallia," nang magsalita si Attorney Velgas ay atsaka ko lang mabilis na tinanggap ang kamay ni Iñigo na nakalahad. I am aware how cold my hand is at nang nahawakan ko ang kamay niya ay humigpit ang hawak niya roon.

My forehead creased at mabilis na hinanap ang mata niya pero wala naman siyang reaksyon na ibinigay sa akin.

There standing in front of me was a cold Attorney Iñigo Sandejas.

"N-nice meeting you," nakagat ko ang dila ko sa pagkautal at dahan-dahang humiwalay sa kamay niya. Nang sulyapan ko si Attorney Velgas ay nakangiti siya sa akin at mabilis na lumapit at mahinang bumulong.

"You know him too well, Thallia. I know you wouldn't doubt his abilities anymore," sabi niya bago humiwalay at nakita ko ang pag-ngisi niya kay Iñigo.

"Attorney Sandejas," tawag niya sa pansin ni Iñigo na nakatayo lang at nakamasid.

"Attorney," he acknowledged him.

Attorney Velgas offered his hand to him na kaagad namang tinanggap ng huli. I stared at them as they shook hands. Malaki ang ngiti ni Attorney Velgas habang si Iñigo naman ay puro tango lang ang sagot.

"I'm glad you made this meeting possible," naglakad sila pabalik sa lamesa kaya naglakad din ako kahit na nalilito.

My mind's flooded with different questions pero hindi naman ako makapagsalita at makapagtanong sa kanila.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa siko ko at napasinghap na naman ako nang makitang si Iñigo ang may gawa nito. Ipinagbuhat niya ako ng upuan pero nag-aalangan pa ako noong una pero sa huli ay naupo din ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang tao na nakaupo sa harapan ko at naguguluhan pa rin talaga ako.

"What's happening?" I never had the chance to stop myself from talking. Sabay silang napalingon sa akin at may bakas ng ngiti sa labi ni Attorney Velgas.

He probably thinks na maayos pa kami ni Iñigo! But why him? Nilingon ko si Iñigo at kinunutan ng noo but he didn't even flinched.

What is your plan, Iñigo?

"He's Perez's lawyer, isn't he?" I voiced out.

"I am not," he answered me.

"Huh?" naguguluhan kong sabi. Napalingon ako kay Attorney Velgas at nag-antay ng sasabihin niya pero nagsalitang muli si Iñigo.

"I rejected the case." He said. "But I can be a big asset to you since I have a background regarding the case."

Napatango ako at buong pagtataka bumaling kay Attorney Velgas.

What's happening? How is this possible?

"He contacted me last time and asked if he could set a meeting dahil may gusto siyang sabihin. He asked me if he can be your Dad's lawyer instead." Iñigo nodded and played the pen with his fingers.

"So," huminga ako nang malalim at inilipat-lipat ang tingin sa kanila. "Iñigo—I mean, Attorney Sandejas now will be my Dad's lawyer?"

"If you permits," prenteng sabi ni Iñigo at tinagilid pa ang ulo para tingnan ang reaksyon ko.

"Uhmm," I cleared my throat at napatingin ako sa balikat ni Iñigo. Hindi ba masakit iyon?

"Ano kasi," hindi ako makapagdesisyon habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon