Kabanata 14

304K 9.2K 2.2K
                                    

Kabanata 14

"WHAT are you doing?" Nanigas ang katawan ko at natigil sa ere ang kamay ko sa malamig na boses na iyon. Unti-unti akong lumingon at halos magwala na ang puso ko sa mabilis na pagtibok nang makita ko ang nakatayong si Iñigo sa likuran ko. He was standing broadly at the doorway and eyeing me coldly. Bumaba ang mga mata niya sa hawak ko kaya mabilis ko itong naibaba.

"N-nothing, I just—" Nangunot ang noo niya at halos manlamig ako ng lumapit siya sa akin at dinungaw ang hawak ko.

"Castuares, Ethan," basa niya sa envelope at mariing napamura ako sa isipan ko at nakuyom ang kamay ko. "What are you going to do with it?" Nilingon niya ako at napatikhim ako kaagad at pilit na sinalubong ang mata niya.

"I-I just thought he's someone I know so I, uhm, checked if I'm right," sagot ko. I'm totally aware that I am stuttering and fucking out of focus.

Nanatili siyang nakatitig sa akin, as if he was finding something on my face. Seems like he's reading my mind kaya iniiwas ko ang mata ko.

"Do you know him?" tanong niya sa akin. Nakagat ko ang labi ko at marahan siyang nilingon.

"Uhm, no," sagot ko naman kaagad. He eyed me seriously again for a few moments. Nagwawala na naman ang dibdib ko sa kaba. Fuck, can he read my mind? Does he know anything about my plan?

"Is that so?" napalunok ako at marahang tumango. I flashed a small smile at nakita ko ang pagtingin niya sa envelope na hawak ko pabalik sa mukha ko bago siya tumango at nakahinga ako nang maluwag ng ngumiti siya.

"Alright, just clean this up, nahanap mo ba 'yong file na pinapahanap ko sa 'yo?" tanong niya at nang makita ko ang tubig na mula sa basa niyang buhok na bumagsak sa noo niya ay mabilis kong sinalo ito.

"Hmm," tumango ako at inabot ang twalya sa may upuan at ipinatong sa ulo niya.

"Fix yourself, Attorney. You'll be late, I-I'll just clean this up," sabi ko pa. Ngumuso siya at iniangat ang twalya para hindi matakpan ang mata niya at ngumiti.

"Okay, Miss Secretary. You fix yourself too or I might pin you here and kiss you senselessly," ipinatong niya ang kamay sa ulo ko bago tumayo at kinuha ang suit na inihanda ko para magbihis.

Pigil ang hininga ko habang naglalakad siya paalis at nang tuluyan na siyang mawala ay kaagad akong napabuga ng hangin at napahawak sa dibdib ko.

That was fucking close, Thallia!

Mabilis kong ipinalibot ang paningin ko sa paligid at mabilis na iniayos ang mga envelope at folders. I left the file he asked me to find and also left my Dad's file. I don't know what does this envelope contain but I have to take this away. Nang maayos ko na ang iba pabalik sa safe box ay dala ko na ang dalawang envelope. Nilingon ko ang pinto na pinaglabasan ni Iñigo at sinubukang silipin ang laman ng sa Dad ko.

On the first page, I saw his full name and picture. His information like birthdate and others. Just like a birth certificate, I thought.

Umayos ako ng upo at muling nilingon ang pinto. I am readying myself to flip the next page when I heard the door opened.

"Thallia." Mabilis kong inilagay sa ilalim ng unan ni Iñigo ang files ng Dad ko at sakto naman ang dating niya.

"Yes?" tanong ko at napahinga nang maluwag. I smiled, inabot ko ang folder na pinapahanap niya at pasimpleng siniksik pa ang envelope ng Dad ko sa ilalim ng unan niya.

"Necktie," ungot niya sa akin at ipinakita ang necktie niya. Suot na rin niya ang dress shirt at slacks niya, ang coat at necktie na lang ang kulang. Napangiti ako nang wala sa sarili habang nakatingin sa kanya. Mabilis akong tumayo dala ang file na kailangan niya at mabilis kong inabot ang dala niyang necktie.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon