MAKE IT TO ME

7K 115 6
                                    


"Bei, pang-apat na bote mo na yan. Tama na bro." Pagsaway sakanya ng kaibigan niya, si Kenneth.

Lumingon siya rito, "Okay lang ako bro, nagpapalipas lang ng sama ng loob." At itinuloy ang pag-ubos sa natitirang beer ng pang-apat na bote na hawak niya. Nasa bar sila ngayon, nagyaya si Bea na mag-inuman dahil nagmumukmok nanaman ito. Ngayong araw kasi ay dapat 5th anniversary na nila ng ex-girlfriend niyang si Pamela, ngunit nakipagbreak it sa kanya last year.

"Darating na si Camille bro, kapag nahuli ka nun baka isumbong ka na naman nun kay Tita Det. Alam mo naman yang pinsan mo, sige ka." Sambit ni Kenneth sa kaibigan.

"Tsk. Am I what, fourteen?! Twenty-three na ko bro, kaya tigilan niyo nga ako. Magsama kayo ng girlfriend mo." Inis na sagot niya sa kaibigan. Sakto namang may papalapit na babae sa kanila, si Camille. Ang pinsan niya at girlfriend naman ni Kenneth.

Bumeso muna ang dalaga sa dalawa pagkatapos ay umupo sa tabi ni Kenneth na katapat naman ni Bea. Binalingan siya nito, "Hoy Bea, nagpapakalasing ka na naman? Hinay hinay lang. Aba." Pagsita nito sakanya.

"Tigilan mo nga ako Camille."

"Nandito nga pala yung ibang katrabaho ko. Birthday ng boss namin, baka makita natin sila. Ipapakilala ko kayo." Pagkwekwento nito.

"Sige hon." Sagot ni Kenneth, samantalang si Bea naman ay tila walang pakialam.

"Magc-CR lang ako, diyan muna kayo." Paalam ni Bea, pagdaka'y tumayo na ito at nagtungo sa CR ng bar.

"Anong problema nun?" tanong ni Camille kay Kenneth.

"Same old reason."

"Oh. Yun pa rin? Tagal na nun ah."

"Oo nga eh. Isang taon na, di pa rin maka-move on. Palagay ko kailangan lang nun ng bagong inspirasyon."

"Kaya pala. Di bale, ipapakilala ko sakanya bestfriend ko." Masayang sambit ni Camille.

Pabalik na si Bea sa table nila nang mapansing wala na dun ang pinsan niya, "Asan girlfriend mo?", tanong niya sa kaibigan. Umupo na ulit siya sa inuupuan niya kanina.

"Ah, umalis lang saglit. Nandiyan na ata officemates niya eh. Pabalik na rin yun." Sagot naman nito.

"Hon. Bei!" tawag ng papalapit na si Camille sa kanila. "May papakilala ako sa'yo Bei." Ngiti nito sa kanya.

"Hindi ako interesado." Pagsusungit nito.

Tumayo naman bigla si Kenneth at binati ang dalagang kasunod lang ni Bea. "Uy, Jho!" bumeso ito sa dalaga at ngumiti. Napaangat ng tingin si Bea at nakita ang magandang mukha ng dalaga.

"Bei, eto nga pala si Jhoanna. Bestfriend ko." Pagpapakilala ng pinsan niya sa dalaga. Ngumiti naman si Jho sakanya. "Jho, si Beatriz. Pinsan ko."

Inabot nito ang kamay para makipag-shake hands. Napatayo siya at napatitig sa mukha ng dalaga.

"Ehem," si Camille. Saka lang natauhan si Bea at kinuha ang kamay ni Jho para makipagkamay rito.

"Hi, I'm Bea. Nice to meet you Jhoanna"

"Hi Bea, Jho na lang. Nice to meet you too!" At ngumiti ulit ito.

Sa muling pag ngiti nito, tila tumigil ang mundo ni Bea. Pakiramdam niya bumilis ang pagtibok ng puso niya ngunit tumigil naman ang paghinga niya. Right at that moment, Bea knew she'd never be the same again.

//

Nakahiga lamang si Bea sa kama niya. Sabado iyon at wala siyang trabaho, nasa condo niya siya ngayon at tanghali nang nagising. Nakatitig lamang siya sa kisame ng kwarto niya at tila malalim ang iniisip.

FRIDAYS (JhoBea)Where stories live. Discover now