Home

2.2K 59 0
                                    

"Done ka na sa extra practice mo for the blockings, Bei?" Tanong ni Gyz ng makita niya si Beatriz na nakaupo sa bench.

"Done na ako for today, Ate G." Nakangiting sagot ni Beatriz. Tumango naman si Gyz at nilapitan ang kanyang gamit para uminom ng tubig.

"Ikaw Ate? Mag extra practice ka tonight?" Tanong ni Beatriz habang hinihintay niyang sumagot ng tawag si Kuya Joe, ang kanyang driver.

Napakunot ang noo ni Beatriz dahil ang usapan nila ay 6pm ay susunduin na siya. 7pm na, wala pa rin ang kanyang Kuya Joe.

"Yes, Bei. Hindi kasi ako makakapagtraining ng ilang araw dahil aalis ako papuntang Korea."

"Ah. Kaya pala. Pasalubong ko Ate, ha?"

"Oo naman, Bei. Ikaw, mag ayos ka na ng gamit mo baka nandiyan na sundo mo."

"Hindi nga sumasagot yung driver ko. Baka magstay muna ako dito. Panuorin ko kayo magpractice. Free day din naman bukas kaya okay lang naman na gabihin ako." Bago pa makasagot si Gyzelle ay biglang tumili si Maika at mukhang excited na excited siya.

Nagkagulatan pa silang dalawa dahil sa agaw eksenang pagsigaw ni Maika.

"Baliw ka talaga, Ate Maiks! Ginulat mo kami." Sabi ni Gyzelle.

"Mas baliw ka, Beatriz." At kunwaring hinihila ang buhok ni Beatriz.

"Bakit? Anong mayroon Ate Maiks?" Natatawang tanong ni Beatriz. Kahit si Gyzelle ay natatawa na rin.

"Yung baby mo, pinagkakaguluhan sa labas ng mga fans. May dala pang bulaklak. Kainis ka. Ganda ka?" Sabi ni Maika.

"Naks naman. Yieeee. Kainggit naman po si Beatriz." Sabi ni Gyzelle.

"Puntahan mo na siya, Bei. Baka nakain na ng mga fans yun." Tumawa si Maika at bumalik na rin sa training.

"Pero Beatriz, alam mo naman na mahal na mahal ka nun." Hirit ni Gyzelle bago lumabas ng gym kung saan nagprapractice ang Foton si Beatriz.

Naabutan ni Beatriz si Jhoana sa labas ng gym na pinagkakaguluhan. Kahit ang iilang guard ay nagpapicture sa kanya. Ang girlfriend naman niya ay masayang pinagbibigyan ang requests ng mga fans kahit halos mapipi na ang bouquet na dala neto.

Papalapit na siya sa pwesto ni Jhoana ng magkatagpo ang kanilang mga mata. Napangiti naman sila sa isa't isa kaya naghiyawan naman ang mga fans nila. Lumakad naman si Jhoana palapit kay Beatriz with arms wide open. She was grinning at Beatriz habang ang mga fans ay todo picture at video sa kanila.

Nang makalapit na si Beatriz kay Jhoana, agad niya itong niyakap. Tilian tuloy ang mga tao na nandoon.

"Ang landi mo, Maraguinot." Rinig nilang sinabi ni Jaja. Nasa labas na rin pala ito ng gym. Tawanan sila dahil namumula na ang pisngi ni Beatriz na unusual nilang makita.

"What are you doing here?" Bea asked Jhoana while slapping her shoulders.

"Surprising you, Baba." Sagot ni Jhoana.

Tinanggap naman ni Beatriz ang bouquet of tulips na dala ni Jhoana para sa kanya.

"Sunod ako sa'yo sa gym. I'll just greet some of our fans." Jhoana said while leaving a kiss on Bea's chin before going back to their fans.

"Naks naman. Yung teammate namin bobo ang haba ng hair." Asar sa kanya ng teammates niya.

"Mga baliw!" Sagot naman ni Beatriz at pumasok na ulit siya kung saan sila nagtratraining kanina.

"Hala ang saya ng baby girl natin oh." Sabi ni Ate Dindin.

"Si Ate talaga." Nahihiyang sabi ni Beatriz. Nagpatuloy sa pag-aayos ng training things si Beatriz para mailagay na ito sa kotse ni Jhoana.

FRIDAYS (JhoBea)Where stories live. Discover now