Priorities First

2K 49 2
                                    

Nasa Davao ngayon si Beatriz para sa isang exhibition game ng Foton Tornadoes versus other PVL teams. Nasa kalagitnaan ng meet and greet with fans ang team nila ng makatanggap siya ng text ng teammate ni Jhoana na isinugod ito sa hospital.

Malakas ang sigawan sa labas at lahat gusto nilang makita, makipagselfie o makausap ang kani-kanilang idol.

"I need to go back to Manila, Ate Razel." Sabi ni Beatriz habang tinatawagan ang kanyang Mama.

"Bei, you have to calm down. You have to greet your fans pa." Pagpapaalala ng team manager ni Beatriz.

"Wala kasi ngayon si Tita Lovel nasa Japan while Tito John is in Dubai. Walang mag-aasikaso kay Jhoana sa hospital. I also don't have any idea what happened to her. Alam lang natin na sinugod siya sa hospital." Kinakabahan na sinabi ni Beatriz. Wala naman nagawa ang ibang teammates niya kung hindi pakalmahin si Beatriz at inayos na nila ang gamit nito.

"Okay. I understand, Beatriz. I really do. Pero you need to calm down. Gyz, pabigyan nga ng water si bunso." Pakiusap ng team manager nila sa isang teammate ni Beatriz.

"Drink this muna. Calm yourself. I'm going to talk to the organizers. Bigyan kita ng 10 minutes to calm down. Breathe in, breathe out."

Ininom ni Beatriz ang tubig na binigay ni Gyzelle habang pinapakalma siya ng teammates niya. Alam ng teammates niya kung gaano kaimportante si Jhoana kay Beatriz. Umalis muna si Ms. Razel para kausapin ang organizers at bumalik ito kaagad kasama ang event head.

"Bea, we heard what happened. We fully understand it. Okay lang sa amin na you won't finish the event. But is it okay na magbigay ka ng statement sa audience mo?" The event head asked.

"I'm going to book you a flight while you're talking." Sabi ni Ms. Razel. Tumango naman si Beatriz. She was so grateful for having them in her life.

It took her 10 minutes to finish everything. She promised that she'll be back in Davao to give a free volleyball clinic. Mukha naman naintindihan ng mga audience ang nangyari because she was on the verge of crying while she was speaking earlier. Baka dahil na rin sa kaba at pag-aalala para sa kanyang girlfriend.

She asked her Mom to call Jhoana's coach para alamin kung saan ito isinugod na hospital at kung ano ang lagay nito. Pabalik na ito ng Manila. Nararamdaman ng mga kasama ni Beatriz ang kaba nito dahil hindi siya makausap buong biyahe.

By 4pm, nakarating na sila sa Manila. Sinalubong sila ng mommy ni Beatriz. Si Ms. Razel na ang nakikipag-usap kay Det dahil tuliro si Beatriz sa mga nangyayari.

Nalaman nila na Jhoana suffered from over fatigue kaya bigla itong nawalan ng malay sa game nila kanina. Ito ang madalas nilang pag-awayan dalawa ni Beatriz. Ang pagiging workaholic pareho at naaabuso na nila ang kanilang sarili.

So this is what it feels like, sabi ni Beatriz sa kanyang sarili. She was brought by Jhoana in the hospital 8 months ago due to high fever which is also a cause for over fatigue. She was doing volleyball trainings for PVL and the National Team, had different TV show guestings, and still manage to work at their company during day time. Jhoana was so worried about it but Beatriz being Beatriz, sometimes she still accepts random volleyball play invites even if she does not have enough rest.

Ngayon, nalaman na niya ang laging sinasabi ni Jhoana na "You will be the death of me, Beatriz." na sinabi ni Jhoana nung sinugod siya sa ER noon. Dahil ngayon, naramdaman na niya kung anong ibig sabihin noon.

Jhoana was brought at Makati Medical Center. And good thing hindi masyado traffic kaya nakarating kaagad sila sa hospital.

Naabutan niya ang kanyang Papa at Kuya na nagbabantay sa natutulog na Jhoana. Agad na yumakap si Beatriz sa kanyang Papa at Kuya Loel.

FRIDAYS (JhoBea)Where stories live. Discover now