Chapter One

58.5K 725 119
                                    

CHAPTER ONE

Shealtiel's POV:

Nandito ako ngayon sa kusina namin para paglutuan ang asawa ko. Naghanda ako ng mga special recipes ko at syempre hindi dapat makakalimotan ang paborito niyang ulam na adobo.

Pangiti- ngiti ako habang nagma-marinate and at the same time nagluluto ako ng karne. Special kasi ang araw na ito ngayon. Hihi.

Maaga akong gumising kaninang alas kwatro pa ng umaga. Maaga akong nagising para paghandaan ang araw na ito. Kasi palaging abala sa trabaho ang asawa ko, alas sais pa lang ng umaga wala na siya sa bahay. Hindi ko na siya mahagilap.

Sixth monthsary na kasi namin ngayon bilang mag-asawa kaya heto ako excited sa gagawin kong sorpresa sa kanya.

Sana magustuhan niya ang ginagawa ko ngayon.

Oo, mag-aanim na buwan na kami ni Brace bilang mag-asawa pero sa loob ng anim na buwan na 'yon hindi pa din nagbabago ang pakikitungo nya sa akin. Nawala naman ang ngiti ko ng maalala ang sitwasyon namin ngayon.

Napabuga naman ako ng hangin nang maisip ko ang sitwasyon namin.

Kailan kaya magbabago ang pakikitungo niya sa'kin?

Napangiti naman ako ng mapakla pero agad ko namang binalikwas sa utak ko ang mga negatibo na pumapasok sa kukute ko.

"Hindi ito ang araw para mag emote, Shealtiel. No dramas. This is supposed to be a great day for you and Brace." Giit niya sa sarili niya.

Nanumbalik naman ako sa katinuan nang may narinig akong mga foot-steps galing sa itaas. Gising na siguro siya at dali- daling namang akong nagtimpla ng kape.

Habang naghahanda ako ng kape para sa napakamamahal kong asawa at sabay tingin sa orasan. Alas syete na pala ng umaga.

"Ang bilis naman nang takbo nang oras. Hindi pa nga ako nakakatapos sa pagluluto eh. tsk."

Habang dala-dala ko yung kape patungo sa lamesa napangiti naman ako nang makita ko siya na tinitikman niya ang niluto kong adobo. Napangiti naman ako do'n.

"Ah, hubby masarap ba ang adobong niluto ko?" Pangiti-ngiti kong sabi sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya at hindi ako pinansin na tila ba ay wala siyang narinig. Pilit kong tinatagan ang sarili ko nang paulit-ulit. Sabay na ako sa mga ganitohang pagtrato niya sa'kin at masasanay pa din ako.

Uupo na sana siya ng upuan ng sumigaw ako dahilan para mapatigil siya at tignan ako. Ramdam na ramdam ko ang lamig na pagtingin niya sa'kin para nalulusaw sa mga titig niya sa takot.

"Ay wait lang hubby! Huwag ka munang umupo!" Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko siya papunta sa silya at pinagpagan ko muna ito at saka sabay na ginabayan sa pag-upo. 

"Yan, umupo kana." Sabi ko habang nakangiti. Subalit binabaliwala niya lang ang sinabi ko. Instead, umupo siya sa kabilang silya para doon umupo. Pero pinilit ko pa ring ngumiti.

"Ahm, hubby? Mayroom ka bang naalala ngayon?" Malambing na tanong ko habang nilalagyan ko ng kanin ang kanyang plato habang nakangiti. Pero hindi pa din siya sumasagot. Ganito siya simula noong ikinasal kami.

He's been cold to me. Hindi niya ako pinapansin. Sobrang nasasaktan ako sa ginagawa niya. Pero I'm used to it. Hindi ko naman kasi siya masisisi eh.

Habang nilalagyan ko ng pagkain ang kanyang plato bigla na lang siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at tinabig ang kamay ko at natapon ang mga pagkain.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Where stories live. Discover now