Chapter Fourteen (part 2 )

24.1K 382 42
                                    

Chapter Fourteen (part 2)

HER POV

Continuation...

"Psst! Psst! Hoy babae, gumising ka."

Nagising naman ako ng mayroon akong narinig na pamilyar na boses dahilan para maimulat ko ang mga mata ko. Nahihirapan akong imulat ang mga mata ko sa kadahilanan na inaantok pa ako.

Iminumulat ko ulit ang mata ko nang maaninag ko si Brace na nasa harapan ko na nakatayo habang ginigising ako. Napaigtad at napatayo naman ako agad-agad.

"Oh, good morning." bati ko sa kanya. As usual, poker face lang siya. Walang bahid na ngiti sa mukha niya.

Akala ko totoo 'yong nangyari na nagbago na si Brace na pinaglutuan niya ako, nasuot-suot niya ang wedding ring namin at hinalikan niya ako sa noo.

Para talagang totoo eh parang hindi panaginip.

Masakit mang aminin. Isang malaking panaginip lang pala 'yong lahat.

Pero dahil sa panaginip ko kanina, mas lalo akong namotivate na huwag sumuko. Na kumapit pa, dahil naniniwala ako na walang impossible. Naniniwala ako na mayroon pang pag-asa na sana mahalin niya din ako. Ayaw kong bumitaw.

Gusto ko na kahit sa maliit na panahon maramdaman ko at maranasan ko maging parang isang asawa niya na minamahal niya. Gusto ko maramdaman ang pagmamahal niya kahit sa kaunting panahon.

"Why are you smiling?" tanong niya na may bahid na pagkainis.

Hindi ko lang mapigilang ngumiti dahil sa naalala kong panaginip. Sarap siguro sa pakiramdam pagtotoo 'yon, paag gawin niya din iyon sa akin.

"Wala lang masaya lang ako kasi magaling kana." sabay hipo ko sa kanyang noo.

"Buti gumaling kana, naag-alala ako sa'yo kagabi. Ang taas ng lagnat mo at sobrang init mo pa. Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-alalang tanong ko sa kanya.

"Ay, oo nga pala, pasensya na kung dito ako natulog sa kwarto mo ha? Hindi kasi kita maiwan-iwan dahil sa lagnat mo kaya, dito muna ako sa couch natulog. Huwag kang mag-alala, wala akong pinakialaman dito sa kwarto mo. Promise."panigurado kong sabi sabay taas ng kamay ko na parang nag papanatang.

Hindi lang niya ako pinansin. Tumalikod lang siya at lumakad siya palabas ng kwarto.

Buti hindi siya nagalit. Buti hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Akala ko talaga sa kabila ng pagpasok ko sa kwarto niya pagsasalitaan at pagbubuhatan na naman niya ako ng kamay. Hinanda ko na ang sarili ko sa possibleng mangyari.

Sinusundan ko si Brace habang naglalakad papunta sa baba ng biglang nag ring ang phone ko.

Calling

0995*******

Unknown number.

Mayroong tumawag sa akin. Unknown number. Hindi ko nalang ito pinansin at sinundan ko na lang si Brace. Napatingin ako sa clock namin sa living room.

Nang nakita ko ang orasan ay dali-dali akong pumunta sa kusina at nagluto ng pakain para sa almusal.

Nako, malelate si Brace nito.

Tinignan ko siya, parang ang cool lang niya. Hindi ba siya nag-alala na malelate siya sa trabaho?

Nagluluto naman ako ng madali Lang lutuin.

Calling...

Unkown number.

Nabigla naman ako sa malakas na sound effect ng phone kadahilanan para mapaso ako.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Where stories live. Discover now