Chapter Thirty-six

20.2K 348 44
                                    

Chapter Thirty-six

Third Person's POV

"Ma'am, mayroon pong gustong kumausap sa inyo bestfriend niyo po daw. Medyo lasing po. Papasukin ko pa po ba?" sabi ni Jessa na ipinapadalang secretary ni Zeck para sa akin.

"Sige, papasukin mo."

"Bra--ce." tanging sambit nito. Akala niyang si Simmy ang gustong kumausap sa kanya.

Ba't ba kasi hindi niya naisip na bestfriend niya rin si Brace?

Tumayo siya para sana salubungin ito ngunit kampanteng umupo ito sa table niya.

"A--nong ginagawa mo dito?" parang nanunuyo ang lalamunan niya habang kaharap ito. Hindi dapat siya kinakabahan at nauutal. Pero hindi niya mapigilang hindi lalong-lalo na't ayaw niya pang sabihin nito ang tungkol kay Andrei.

Ayaw niyang tanungin siya nito tungkol sa a anak niya. Wala naman talaga siyang balak na hindi ito sabihin sa kanya ang totoong identidad ng anak nito sa kanya pero hindi pa ngayon. Ayaw niya munang guluhin o gibain ang pilit na binubuo ni Simmy na relasyon nila ni Brace.

"Wala lang. Gusto lang kitang makita. Ayaw mo ba akong makita? Hindi mo ba ako namiss?" tanong nito habang lumalakad papalapit sa kinakatayuan niya dahilan para mapaatras siya.

"Bakit ka na namang umiinom?" tanong niya dito ng maamoy nito ang bibig nito ng makalapit ito sa kanya.

"Konti lang." sambit nito.

Bahagya niya itong tinulak ng papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha nito.

"Brace ano ba?! Umayos ka nga!" pasigaw niyang  sabi nito. Pero natigilan siya ng biglang tumahimik si Brace at hindi niya inaasahang mayroong luha sa mga mata niya.

"Hoy, bakit ka umiiyak?" birong sabi nito sa kanya habang natatawa.

"Hoy, gago, sabihin mo?! Tungkol na naman ba 'to kay Simmy? Nag-aaway na naman ba kayo?"Sunod-sunod niyang tanong nito. Ganito lang kasi ang magiging reaksyon niya kapag nag-aaway sila ni Simmy.

Kuhang-kuha na niya ito. Kilala na niya ito. Hindi na siya nababaguhan sa inaakto nito.

Napangiti naman siya ng maisip ito. Ilang taon na ang nakalipas pero ganoon pa din siya. Walang pagbabago.

Agad niya itong niyakap ng napakahigpit kagaya ng parati niyang ginagawa noon pa man.

Hinagod niya ang likod nito.

"Okay lang 'yan. Maayos niyo din agad yan. Kayo pa."

Napaisip siya na kahit ilang pagsubok, pag-aaway at pagtatampuhan ang mararanasan nila, mananatili pa din ang pagkakaibigan nila. Ang pagmamahal ng isang kaibigan.

Napatawa naman siya ng wala na itong imik. Alam niya na nakatulog na naman ito sa kalasingan niya kaya tinawagan na niya si Simmy para makuha na ito.

Pinahiga niya muna ito sa couch nito.

"Brace, kahit kailan hindi ka pa din nagbabago." sambit nito habang tinitignan niya ang maamo nitong mukha.

"I'm sorry." kausap niya nito na mahimbing na natutulog.

Simula noong araw na 'yon iniiwasan na niya si Brace pero makulit ito ng palagi itong bumibisita sa opisina niya. Ilang araw na itong pabalik-balik at nangungulit pero kahit ni isa hindi na siya nagpapakita nito o kahit na pinapasok ulit sa opisina.

"Shealtiel!" napatigil si Shealtiel sa paglalakad ng marining niyang tinatawag siya ng pamilyar na boses. Pero binabalewala niya ito at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa sasakyan nito.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon