Chapter Twenty-five

23.6K 445 134
                                    

Chapter Twenty-five

SHEALTIEL'S POV

As promised, ginawa ko ang gusto ni Simmy, ang mag bonding kami. Heto ako ngayon, naghahanda sa mga gamit ko. Gano'n din naman si Brace.

Kami lang dalawa sa bahay ngayon. Paminsan-minsan lang kasi si Simmy bumibisita sa bahay dahil gusto niya daw magpamiss kay Brace. Natawa naman ako sa inakto ni Simmy. Parang bata lang pero kahit gano'n ramdam ko ang pagmamahal niya sa kaibigan ko.

Pinilit ko siya na dito muna mamalahi sa bahay  at huwag na lang kumuha ng kanyang sariling apartment. Palagi naman siyang welcome sa bahay pero as usual, tinangihan niya naman ang alok ko.

Gusto ko lang bumawi sa kanya. Kahit sa simpleng pagsasama nila ni Brace ay makabawi man lang ako. Titiisin ko kahit masakit.

Sa buong linggong pagsasama namin ni Brace ay sobrang awkward ng pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko na magawa-gawa ang tungkulin ko bilang asawa niya. Parang mayroong barrier. Hindi kagaya noong wala pa si Simmy.

Iba na ngayon, kung gagawin ko ang mga bagay na yo'n parang mas lalo ko lang tinatryador si  Simmy sa ginagawa ko.

Dapat matutu akong dumistansya at lumugar sa buhay nilang dalawa. I've always wanted to be a very supportive bestfriend to them; kahit sa ganito lang makabawi ako.

Hindi ko gaanong pinapansin si Brace. Hindi ko na din siya pinipilit na sabay kumain. 'Yong mga nakasanayang kong gawin ay miniminimize ko na. Ito lang kasi ang alam kong dapat gawin.

Habang sobrang busy ako sa pagpeprepare ng mga dapat kong dadalhin sa outing ay tumunog na ang doorbell baka si Simmy na iyon.

Dali-dali naman akong lumabas para pagbugksan siya ng gate pero laking gulat ko ng makita ko ang isang napakamakisig na lalaki na nakashades. Nagsusuot siya ng short tapos floral polo. Sobrang gwapo lang.

"Zeck, tuloy ka! Naparito ka?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi siyang nakita na hindi naka corporate attire habang lumalabas kasi as usual opisina naman lage ang inuuwian nito.

"Am I not invited with your outing? Simmy told me to come with you." nakangiting sabi nito sa akin. Akala ko ba marami silang trabaho na dapat asikasuhin? Sa bagay, they always have their ways, they're the boss so mas madali lang para sa kanila yun.

Alas otso pa naman ng umaga kaya napagdesisyonan ko na pagtimplahan ko muna siya ng kape habang hinihintay niya kaming mag impake sa mga gamit namin.

"Zeck, uminom ka muna ng kape o." alok ko sa kanya saktong-sakto naman sa pagkababa ni Brace mula sa kwarto niya sa itaas.

Hindi ko lang siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pag-iimpake ko. Kahit abala ako sa ginagawa ko ay hindi mapigilan ng mga mata ko na sundan siya. Nagulat naman ako sa ginawa niya ng kinuha niya ang kape na itinimpla ko kay Zeck at hinigop niya ito ng tuloy dahilan para mapaso ang dila niya.

"Brace anong ginagawa mo?!" sigaw kong sabi sa kanya.  Bakit niya ginawa 'yon? Alam niya namang mainit 'yon. Hindi ba siya nag-iisip?

Bakit hindi na lang siya nag timpla ng kanyang sariling kape kung gusto niya lang namang uminom? Hindi 'yong nang-aagaw siya.

Ito din minsan ang jindi ko maintindihan sa kanya ngayon eh. Bigla na lang nag-iiba ang timpla ng utak niya. Nakakainis din minsan. Parang nagiging isip bata.

Binabaliwala ko siya. Alam kong napaso 'yong dila niya sa ginawa niya at kahit gusto kong umaktong maging concern ay ayaw kong gawin. Magtiis siya. He did it on purpose.

Lumapit ako sa kanilang dalawa, sa halip na si Brace ang pansinin ko si Zeck na lang.

"Zeck, okay ka lang? Gusto mo pagtimplahan kita ng kape ulit?" tanong ko sa kanya nang hindi ko man lang binabalingan ng atensyon ang isang tao sa tabi ko.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon