Chapter Thirty-nine

18.4K 295 115
                                    

Chapter Thirty-nine

HER POV

Ilang araw na ang nakalipas simula noong araw na natuklasan ni Shealtiel ang panlolokong ginawa ni Brace sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi siya makamove-on sa inis pero minsan naman ay nakakaramdam siya ng awa. Kahit anong inis niya nito ay hindi pa din maalis sa sarili nito na mag-alala. Marami mang nagbago sa loob ng ilang taon, hindi pa din magbabago ang katotohanan na minahal at itinuring niya itong higit pa sa kaibigan. Babalik at babalik pa din kung ano man ang nararamdaman niya sa lalaki.

Pero simula ang araw na 'yon walang tigil na nag-alala si Shealtiel kay Zeck dahil kahit anong tawag niya dito ay hindi naman ito sumasagot. Nagbilin din siya ng mensahe pero wala namang reply mula nito.

Mas lalong hindi makakapagfocus si Shealtiel sa trabaho niya dahil hindi naman siya mapapanatag na hindi siya kinakausap ng lalaki. Ito 'yong kauna-unahang nangyari sa loob ng iilang taong pagsasama nila na hindi ito sinasagot at text nito kaya ganoon na lang ang pag-alalang nararamdaman niya.

Ilang beses na din binanggit ni Andrei na namimiss na niya si Zeck at gusto niya itong makalaro kaya napagdesisyonan ni Shealtiel na puntahan ito sa opisina pero sabi ng sekretarya nito ay hindi na din daw ito pumasok ng iilang araw.

"Zeck. Zeck. Zeck. Sagotin mo naman tawag ko. Nag-aalala na ako sa'yo, please." mahinang sambit nito habang dinadial ang number nito pero out of coverage naman kaya napagdesisyonan niyang puntahan ito sa condo nito.

At ng nasaharap na siya ng pinto nito ay pinindot niya ang doorbel ng ilang beses pa dahil hindi naman agad ito binuksan.

Nang mapagbuksan ito ay nagulat ito ng makita si Shealtiel.

"Zeck..." nag-aalalang sambit nito sa kanya dahil sobrang gulo ng buhok nito at namamaga ang mata nito habang mayroong hawak-hawak na baso ang kabila nitong kamay at sa kabila naman ay bote ng alak.

"Okay ka lang? Anong nangyari sa'yo. Hindi mo na alam na sobrang nag-alala ako sa'yo dahil hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko. May problema ba? Sabihin mo naman sa'kin. Makikinig naman ako. Kahit ano pa 'yan." nag-alalang pahayag nito kay Zeck na nakatayo sa harap ng pinto nito.

Agad na pumasok si Shealtiel sa loob ng condo nito na maraming boteng nagbabasagan.

Napabuntong hininga siya sa nakita nito.

"Alam kong hindi ko 'to bahay pero umupo ka muna diyan at pagtitimplahan kita ng kape para kahit papaano ay mahihismasan ka. At saka magpapaalam lang ako sa'yo na magluluto din ako para makakain kana. Sa pagkakaalam ko puro alak lang ang nilaklak mo buong araw."

Habang nagluluto ay nililinis din ni Shealtiel ang mga kalat nito.

Ginising niya si Zeck nang naluto na ang niluto nito. Walang pag alinlangang pumunta si Zeck sa kusina at doon kumain.

"Sabay na tayong kumain." mahinang giit niya dito kay Shealtiel dahilan para mapangiti ito.

"Yan, kumain ka ng marami at humigop ng sabaw. Masarap 'yang bulalong niluto ko na paborito mo."

"Salamat." giit ni Zeck sa kanya para tignan niya ito.

"Para saan naman?" tanong nito pabalik kay Zeck.

"For making me food. For being worried, and for visiting me here. You don't know how happy I am."

"Eh, kung happy ka, bakit hindi ko makita diyan sa mga mata mo na masaya ka talaga? Ano ba talaga ang problema mo. Pangako, makikinig ako ng taimtim. Hindi kita huhusgahan."

"Nah, you don't have to know. I don't want to bother you." mapaklang tawa nito habang sumubo pa ulit ito ng pagkain.

"Zeck, marami beses mo na akong pinakinggan sa mga hinanaing ko sa buhay. Maraming beses na akong umiyak sa harap mo. Maraming beses na din akong nafail sa mga desisyon ko. Maraming beses akong napahiya sa harap mo. You have seen my flaws and all my imperfections and yet, you're still at my side comforting me in a way you know how kaya naging komportable ako na makasama ka. Pero napaisip ako, kilala ba talaga kita Zeck? Sobrang selfish ko ba dahil kahit minsan hindi ko man lang naitanong sa'yo kung okay ka lang? Kaya Zeck, I'll grab this chance, na ako naman ang magcocomfort sa'yo. It's okay to cry in front me, it doesn't make you weak. Telling your problems to anyone doesn't make you a loser. It does made us stronger, like the way you did to me. Kaya... ako nga dapat ang magpapasalamat sa'yo for making me the woman I am right now. You are one of the best gift na mayroon ako ngayon. Kaya thank you. Thank you for staying even at my worst. And I am always willing to stay and listen to you even at your worst. Gusto kong makita at makilala kung ano at sino ba talaga ang Zeck na nasa harap ko ngayon." pahayag niya dito sa lalaking nasa harap niya na hindi makatingin sa kanya. Kitang-kita ni Shealtiel ang pamumula ng mukha nito kahit sa tenga nito. Hindi niya alam pero bigla na lang niyang niyakap ito ng sobrang higpit.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Where stories live. Discover now