Chapter Thirty-one

24K 473 93
                                    

Chapter Thirty-one

HER POV

It's been three weeks simula noong mayroong nangyari sa amin ni Brace. Sobrang mali nang ginawa ko at alam ko iyon. Nasaktan ko ang isa sa mga taong pinakamamahal ko, ang isang taong pinapahalagahan ko, na ayaw kong mawala. Pero sa isang pagkakamali ko lahat ng iyon naglaho.

Ang ilang taong pinagsasamahan namin ay posibleng maitapon dahil sa isang pagkakamali.

Hindi ko inaasahan na masaksihan niya ang nangyayari.

Kasalan ko lahat. Kasalanan ko dahil nagpadaig ako sa puso ko na dapat hindi.

Mas lalo akong kinakabahan dahil delayed ako. Natatakot ako sa posibleng maging resulta pero kailangan kong maging matapang na harapin ang lahat na kagaguhan na ginawa ko.

I'll take my responsibility of the things I've done.

Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang scenario kung paano umiyak si Simmy sa akin. Ramdam ko ang galit at sakit sa mga mata niya.

At alam ko kung gaano ito kasakit kasi ganoon din ako noon sa mga babae ni Brace na makikita harap-harapan sa akin na hubo't-hubad.

Sa loob ng tatlong linggo, walang araw na hindi ako nagbibilin ng mensahe sa kanya through text at chat sa lahat na contacts na mayroon ako sa kanya. Ilang ulit ko din siyang tinawagan pero ilang beses niya din itong binaba. At ngayon balak ko sanang tawagan at itext s'ya pero hindi ko na ito mahanap. Batid ko na blinock niya ako. Ayaw niya akong makausap.

"Sissy, I'm really sorry." bulong ko habang mayroong tumutulo na luha sa mata ko habang nakahiga ako sa kama.

Sa loob ng tatlong linggo ganito na rin ako, palaging nakahiga. Wala na akong gana gumawa nang kong ano-ano. Nandito lang ako lagi, walang humpay na umiiyak.

Dinampot ko ang phone ko sa side table ko nang nagpop out ito ng message.

"Hey, how are you? Don't missed to eat your meals. Please do it for me. I'll come visit you some other time. Take care always. :)"

It's Zeck.

Twice a week talaga itong nagleleave ng message sa akin. Sobrang busy niya sa nakaraang buwan. Paminsan-minsan ko lang siya natatawagan. But still, I understand him. He is such a very busy person at marami siyang inaatupag sa kompanya.  Marami din siyang mga business trips kaya minsan lang siya nakakabalik dito sa Pinas.

Pero kahit na sobrang busy niya naappreciate ko ang bawat tawag at messages niya sa akin. He's always there to comfort me and make me feel better when I know I can't. Kahit na minsan sobrang corny ng mga jokes niya.

Agad ko naman itong nireplayan at pinikit ulit ang mga mata ko. Wala lang talaga akong ganang kumain at gumawa ng kung ano-ano. Parang gusto ko nalang umiyak ng paulit hanggang sa makatulog.

Agad din naman akong nagising ng tumunog ulit ang phone ko. Batid ko na mayroong tumatawag dahil sa  ringtone nito.

Napatingin ako sa caller nang  unknown ito. Agad ko namang sinagot ito ng walang halong pagdududa dahil nagbabasakali ako na sana si Simmy ito. Dahil umaasa ako na kakausapin niya ako. Makahingi man lang ako ng sorry sa kanya.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya. Pero ibang boses ang narinig ko.

"Hello, is this Shealtiel speaking? I just want you to know that Mr. Anthon wants to talk to you. ASAP. Please come to this place that I'll send you." sabi ng kabilang linya. Para akong nanlamig nang nabanggit niya ang pangalan na matagal ko nang kinalimotan.

Napatingin ulit ako sa phone ko na hawak-hawak ko nang nag pop out ulit ito ng message.

Binuksan ko ito at nakita ko ang isinent niyang location. Hindi ako gaanong kabisado sa lugar na ito.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Where stories live. Discover now