Chapter Twelve

23.6K 478 99
                                    

Chaper Twelve

Gusto ko sanang magpaalam kay Brace pero hindi ko magawa-gawa sa harap ni Mr. Monteverde. I should be careful with my feelings, hindi dapat ako magpadalos-dalos baka magagalit pa si Brace sa akin pag nagkataon.

Hindi ko gusto na ganito ang sitwasyon namin. Ang itago kung ano ang meron at relasyon namin. Hindi ko naman masuot-suot yung wedding ring namin sa labas, kahit saan. Sa bahay lang. 'Yong kami lang dalawa kasama ang mga pamilya namin at hanggang do'n lang.

Sino ba naman kasi ako para magreklamo di'ba?

Alam ko naman na noon pa man hindi niya gusto ang relasyon na ito. Ako. Ang pagsasamahan namin.

Naisip ko kung si Simmy at si Brace kaya ang nagkatuluyan siguro sobrang saya nila ngayon ni Brace.

Sumikip naman ang dibdib ko ng maisip ko 'yon.

"Balang araw Brace magiging masaya ka din ulit." sabi ko sa sarili ko.

Nasa elevator na kaming tatlo ngayon. Si Brace, Ako, at si Mr. Monteverde. Sobrang tahimik. Sobra ding awkward. Hindi ko alam kung nakita din ba ni Brace yung paglapit ng mukha ni Mr. Monteverde sa akin. Mababaliw na ako sa kakaisip.

Tumunog ng elevator senyales na  nakarating na kami sa ground floor.

Ako na ang umunang lumabas ng bumukas ang elevator. Sobrang naawkwardan kasi ako sa ginawa ni Sir Monteverde kanina lalo't pag nakita iyon ni Brace.

Sana hindi niya nakita 'yon. Paano kung Oo? Ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin ko? Ayaw ko namang isipin niya na nagtataksil ako sa kanya. Siya lang talaga. At wala ng iba.

Tumigil ako sa entrance/exit ng makita ko si manong guard na on duty pa rin.

"Magandang gabi na po sa inyo manong guard. Hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Ay, hindi pa po ma'am. Mamayang alas otso pa ang out ko." tugon nito.

"Psst, ma'am, hindi niyo naman po sinabi sa akin na si Sir Monteverde pala ang boyfriend niyo. Sobrang swerte niyo din po pala sa kanya. Pogi at business tycoon pa sa US. Bagay na bagay po kayo ma'am boto ako sa inyo." tuloy-tuloy na sabi ni manong guard habang nakatingin kay Mr. Monteverde na nasa gilid ko habang si Brace naman ay nasa likod ko.

Nagulat ako sa sinabi ni manong guard.

Si Mr. Monteverde? Business Tycoon? Sa US? Ba't hindi ko 'yon alam?

Pero mas ikinagugulat ko yung sinabi ni manong guard na boyfriend ko at bagay daw kami ng tinignan niya si Mr. Monteverde.

Paktay. Ano ang eexplain ko kay Brace?

"Ay, manong hindi po yan ang iniisip niyo hindi---" naputol ang sinabi ko.

"You're fired!" matigas na sabi ni Brace.

"What?" nagtatakang tanong ko habang tumitingin Kay Brace.

"With all due respect Sir Montejo, I don't think it's right na agad agad  niyong sisantihin si manong guard. Wala naman siyang ginawang mali. " sagot ko kay Brace.

Hindi naman ata tama na tanggalan niya ng trabaho si manong guard dahil lang sa isang pagkakamali.

"And who do you think you are Miss Imperial? I'm the boss here. And it's all my responsibility to protect and keep clean the name of our client, Mr. Monteverde. Hindi ko gusto na may naririnig akong kahit ano na peke o pwedeng ikakasira sa imahe tungkol kay Mr. Monteverde at baka kumalat pa ito sa labas. We all know that he is a very well known person. And if I were you, you better shut your mouth." sabi nito sa akin rason para tumahik at yumuko na lang.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Where stories live. Discover now