Chapter Twenty-three

24.3K 445 95
                                    

Chapter Twenty-three

SHEALTIEL'S POV

Alas diyes na ng gabi pero nandito pa rin kaming apat sa bahay nag-uusap ng maraming bagay. O, mas maiging sasabihin kong si Simmy lang ang maraming sinasabi habang nakikinig lang kami. Sa dinadami-dami niyang sinasabi, kahit ni isa no'n ay wala akong naiintindihan. Ewan ko din sa dalawa.

Habang nag-uusap sila ay napagdesisyonan ko na magluto dahil nagugutom na ako at baka pati na rin sila. Hindi kasi makauwi-uwi sina Simmy at Zeck dahil sobrang lakas ng ulan kasabay no'n ang kulog at kidlat at baka mapaano pa sila sa dinadaanan nila kaya napagsabihan ko sila na dito muna sila mamalagi since umuulan pa naman.

Napalingon si Zeck sa akin na katabi ko ng tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Where are you going?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko dahilan para mapatingin ako nito.

"Mag-luluto lang ako, baka nagugutom na kayo. Gutom na rin kasi ako eh." nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Let me help you." nakangiting sabi ni Zeck sa akin dahilan para sabay na kaming pumunta sa kitchen. Hindi ko naman siya pinigilan dahil umuna na siya papunta sa kusina namin kung saan kami magluluto. Nagpaalam muna ako kina Simmy bago ako pumunta sa kusina at sundan si Zeck na inilibot niya ang buong kusina.

"Sissy, magluluto lang kami ah, para makakain na tayo." sabi ko sa kanya habang nakangiti at hindi ko alam kung bakit hindi maiwasan ng mga mata ko na mahagit sa kinagagawian ni Brace pero agad ko din itong binawi.

"Ok sissy. Take your time. Namiss ko na din kasi ang luto niyo ni Brace eh." nakapout niyang sabi at agad na lumiwanag ang mga mata niya.

"Babybabe, why don't you cook together with Sissy? Namimiss ko na kasing makita kayong dalawang nagluluto. Please?" nakangiting suggestion niya habang nakatingin kay Brace. Nakaplease sign siya at nakapout ulit ng tinignan siya ni Brace na seryoso.

Ito ang dahilan bakit hindi ko kayang magalit kay Simmy. Sobrang inosente at bait niya. Alam ko sa kabila ng nangyayari ngayon, isa siya sa mga rason bakit ako umiiyak at nasasaktan pero kahit gano'n, ayaw ko siyang suklaman.

Parehas lang kaming nagmahal at isa pa, wala siyang kaalam-alam sa namamagitan sa amin ni Brace para ko na nga siyang tinraydor sa ginagawa ko ngayon.

Binawi ko na lang ang tingin ko sa kanila at nagpapatuloy na lang sa pag-hihiwa. Habang busy ako sa ginagawa ko ay nakita ko si Brace through my peripheral view. Papunta sa sa pinangagalingan ko. Hindi ako nagpapahalata na sinusundan ko siya ng tingin sa gilid ng ng mga mata ko. Hindi ko maiwasan na tignan siya habang nagkuha ng tubig sa refrigerator kung saan katabi lang naman sa akin pero mayroong distansya.

"Will you mind if I'll do that instead?"

Nagulat naman ako ng mayroong biglang bumulong sa likuran ko dahilan para mahiwa ko ang kamay ko.

"Aray!" sigaw ko sa sakit at pinipigilan ang pagdurugo ng daliri ko kung nasaan yung nahiwa.

Hindi naman nakakatakot yung ginawa ni Zeck kaso lang bigla niyang nilagay ang kamay niya sa balikat ko.

"Bakit ba kasi sobrang magugulatin ko eh?" pagsisi ko sa sarili ko. Hindi naman ako gaanong umiinom ng kape. Baka dahil kulang lang siguro ako ng tulog.

"Shit! Shit! shit! I'm sorry. I really don't mean it! Fuck! What the hell did I do? I'm really sorry." sabi ni Zeck na parang hindi mapakali sa nakikita niyang dugo sa daliri ko.

Agad niya itong hinagit. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Oh my God, Zeck sipsipin mo 'yong daliri ni Sissy para hindi gaano dumugo!" sigaw naman ni Simmy na parang hindi rin mapakali.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Where stories live. Discover now