Chapter Twenty-six

21.9K 422 74
                                    

Chapter Twenty-six

SHEALTIEL'S POV

"Good morning ma'am, how may I help you?" tanong ng babae sa'kin habang nakangiti.

"Good morning, ahm... Pwede ko bang makausap si Atty. Villanueva?" nakangiti ko ding tugon sa kanya.

"Sorry po ma'am, mayroon pong appointment ngayon si Atty. Villanueva pero sigurado po ako bukas nandito na po siya since wala namang nakasechedule na appointments." paliwanag niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpaalam na. Babalik na lang ako bukas.

Dalawang linggo na ang nakalipas kung saan kami nagbakasyon nina Brace at kung saan din nalaman ko na buntis si Simmy. Sa loob ng dalawang linggo na iyon nahihirapan ako at patuloy na kinakain ng konsensya ko. Kaya heto ako ngayon pilit nagpapakatatag at gawin kung ano ang tamang gawin. I want to file an annulment para kay Brace.

Sa tuwing naiisip ko ang gagawin kong desisyon hindi mapigilan ng mga luha ko na tumulo at ang pagkirot ng puso ko. Hindi ko mapigilang masaktan. Pero kung ito ang tamang gawin para maging malaya at masaya ang isa't-isa sa'min gagawin ko na. Ayaw kong maging selfish. Ayaw ko na. Gusto ko na magkaroon ng magandang pamilya ang mga kaibigan ko at sa kanilang magiging anak.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas na hindi ko nakikita si Zeck. Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong nagbabakasyon kami. Sabi ni Simmy umuna na daw siyang umuwi dahil mayroon daw emergency sa opisina.

Ni man lang siya nagpapaalam. Kahit isang message lang. Akala ko ba kaibigan niya ako?

Napahilamos naman ako at hindi ko na mapigilang tumulo ulit ang luha ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Wala man lang akong masasabihan. Batid ko na pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa park na pinuntahan ko malapit sa law firm ni Atty. Villanueva para magpahangin pero heto ako ngayon umiiyak. Nabubwesit na ako sa mga mata kong to.  Nakakainis. Parang gusto kong pagsabunutan yung sarili ko dito mismo.

"Anong ginagawa mo dito?" napatigil naman ako ng marinig ko ang pamilyar na boses sa gilid ko at  tinignan siya diretso sa mata niya.

Hindi ko siya sinagot. Bago siya umupo sa tabi ko ay may binunot siya mula sa bulsa niya at inabot niya ito sa akin.

Panyo na may naka burda na B.S.S.

Kaming tatlo ay mayroong ganito sa bawat panyo namin. May naka burda na B.S.S. na ibig sabihin ay ang pangalan naming tatlo. Madali lang naman malaman kung pagmamay-ari namin ito dahil 'yong favorite color naman namin ang magiging kulay nito sa nakaburda na letters.

Kagaya nitong binigay ni Brace sa akin. Kulay blue ang nakaburda na letters kasi favorite color niya ito.

Tahimik lang kami habang umuupo kami sa dito sa upuan ilalalim sa puno ng narra na nasa gitna ng park na ito.

Katamtamang lamig ng hangin na nagdadala ng katahimikan sa aming dalawa. Ayaw kong magsalita at natatakot ako kung ano ang posible kong gawin at masabi kung sakaling gagawin ko ito.

"I want to take you on a dinner. Just the two of us. This night. Seven p.m. in (place mentioned)  it's a yes or yes." mababa ang boses niya sa pagkakasabi nito. Alam kong tinitignan niya ako no'ng sabihin niya 'yon sa akin pero iniwasan ko. Umalis na siya pagkakasabi niya no'n.

Gano'n lang? Hindi niya lang ba ako pagpapasalitain? Ang unfair niya. Sino ba siya sa inakala niya at iniwan ako?

"Arrrgghhh! Hoy! Lalaki ka, kahit binigyan mo ako ng panyo at napakagentleman mo sa akin ngayon, tatandaan mo 'to, hindi ito tatalab. Maghihiwalay na tayo kaya huwag mo ng gawin to! Bwesit antayin mo lang ang araw na pipirmahan ko na iyon!" sigaw ko ng makaalis na siya. Mas lalo akong naiinis dahil sobrang late ko magreact at sabihin 'yon sa harapan niya. Ang tanga lang.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum