chap. 1

5K 124 13
                                    



"Alyssa." Dumagundong sa buong kabahayan ang boses ng lolo ni Alyssa na si William Valdez. Ang kilalang pinuno ng isang grupo ng mga hunters.

Kararating lang kasi ni Alyssa sa bahay ng oras na iyon. Galing kasi siya sa isang matagumpay na namang niyang misyon.

"Lo." Walang emosyon na sagot ni Alyssa.

"Ano na naman ang ginawa mo? Kailan ka ba susunod sa utos ko?" Sermon ng lolo niya sa kanya at nagagawa ng matanda na masigawan si Alyssa kasi ito ang nagpalaki sa kanya pero kung ibang tao ay hindi ito magawa sa kanya sa takot. "Ang sabi ko, dalhin mo ng buhay sa headquarters, hinding wala ng buhay." At mahaba pang sermon ng lolo niya na hindi niya naman pinapasok sa isip niya.

"Lumaban siya." Sagot lang ni Alyssa.

"Pero hindi mo kailangang patayin. At isa pa ang problema, bakit mo pinatay ang biktima?" Napahilot ng sintidong sabi ng lolo niya.

"Kailangan niyang mamatay bago pa siya magbagong anyo at makapanakit o worst, makapatay ng tao." Paliwanag naman ni Alyssa at prente pang naupo sa sofang naroon sa sala.

"Pero, Alyssa. Dinamay mo ang bata. Limang taon pa lang yun." Mahina na ang boses ng lolo niya pero may diin parin bawat salita nito.

"Di po ba, mas mahihirapan tayo lalo sa mga bata? Mas nahihirapan silang kontrolin ang blood lust nila Lo. Kaya mas mabuti ng patayin sila." Wala paring emosyon na sabi ni Alyssa sa lolo niya.

"Paano na lang kung pinsan mo yun? Makakaya mo rin silang patayin? May buhay din sila Alyssa. Hindi sa lahat ng pagkakataon, buhay agad ang kukunin mo." Pangaral na naman ng Lolo niya.

Pero kahit isa mang salita mula dito ay parang wala ng kay Alyssa. Hindi niya na mabilang kung ilang ulit na iyong sinabi ng Lolo niya.

"Wala na akong magagawa Alyssa. Nagdesisyon na ang nakakataas." Huminga muna ito ng malalim at tumingin kay Alyssa diretso sa mata. "Wala kang mahahawakan na mission. At, tanggal ka muna sa samahan."

"What? Pero Lolo, hindi nila pwedeng gawin sa akin to. Ako ang best hunter sa lahat." Sigaw ni Alyssa ang maririnig sa buong kabahayan. Napayuko na lang ang Lolo niya at napailing.

"Wala akong magagawa Alyssa. Kaya nakapagdesisyon ako." Nakatingin na ngayon si Alyssa sa Lolo at inaabangan ang sasabihin nito. "Makikisalamuha ka sa mga tao."

"What?" Sigaw ulit ng dalaga ng marinig ang sabi ng matanda.

"Makikisalamuha ka sa mga tao. Oo, tao ka rin. Pero ni minsan, hindi ka nakisalamuha sa normal na tao. Ang hangarin ko lang naman ay makita mo na may kabutihan din ang tao, na kung maging biktima man sila, magiging mabuti rin sila." Paliwanag ng Lolo niya.

"E bakit kailangan pa akong alisin?" At bumalik na naman sa walang emosyon ang boses at mukha ni Alyssa.

"Kasi kukunin lahat ng armas na meron ka. Hindi ka pwedeng magdala noon habang nakikisalamuha sa mga ordinaryong tao. Trained ka, kaya, kaya mo ipagtanggol sarili mo kung sakali man. Pero hindi ka pwedeng maging mapangahas doon, hindi ka pwedeng manakit ng kung sino lang. Kailangan mo ng control sa sarili. Wag galit na lang Alyssa." Mahabang paliwanag ng Lolo niya.

"May magagawa pa ba ako?" Sabi na lang niya kasi alam niyang wala siyang magagawa pa. Matatalo lang siya kung makipagtalo pa siya sa Lolo niya. At ginagalang niya ito.

Ang Lolo na lang niya ang natitirang kasama niya sa bahay. Ang ina ay namatay ng pinanganak siya. Ang ama ay napatay ng kasamahan dahil sa pagtaksil niya sa mga ito. Ang pagtaksil nito sa ama. Buntis pa lang ang mama niya ng namatay ang ama niya, kaya hindi niya ito nakita man lang. Kaya Lolo niya ng kumupkop sa kanya, nag-aruga, bumuhay at nagpalaki.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now