chap. 18

2.5K 71 43
                                    

"Bakit mo ba ginawa yun?" Naiinis na sabi ni Mika kay Ara habang ginagamot ang sugat ko sa gilid ng labi.

Si Ara kasi ang sumuntok sa akin ng hindi ko namalayang nasa likod ko siya. Hindi ko talaga namalayan ang presensya niya kaya nagtataka ako hanggang ngayon.

"Yang magaling mong GIRLFRIEND." At diniin pa talaga ang salitang girlfriend sa galit nito sa akin na hindi ko naman alam kung para saan. "Nakipaglandian doon sa babaeng nakasuot lang ng roba. Nakita kong wala pa iyong suot na damit sa loob ng suot na roba, tapos kaliligo lang ng babae na yan." At tinuro pa ako.

"Tapos?" Bored na sabi ni Mika dito.

"Tapos, narinig ko pa masarap ang breast. Ano yun? Hindi ka ba maghihinala doon?" Galit talaga nitong sabi habang ang iba ay nakikinig lang. Hindi lang ako umiimik habang tuloy parin ang paggagamot ni Mika habang nakaupo sa lap ko.

"Breast lang talaga narinig mo?" Tanong ni Cyd na parang walang pakialam sa sinasabi ni Ara.

"Oo, tapos naghalikan pa sila." Susugod pa sana si Ara pero napigilan ito ni Den na nasa tabi lang niya. Habang ang iba ay parang nanigas sa kinatatayuan kahit si Mika ay sandaling nagulat. Tumingin ako sa mata niya para sabihing magtiwala sa akin.

"Baka naman na misunderstood mo yung nakita mo?" Tanong nito kay Ara.

"Hindi." Pagmamatigas parin nito. "Nakita ko talaga, hinalikan din siya sa pisngi bago ito umalis."

"Hindi kami naghalikan, napuwing ako nh hinipan niya ang alikabok sa harap ko." Paliwanag ko at tumingin kay Ara. Ngayon na lang din ako nagsalita kaya makikinig naman sila. "At matagal kana pala doon, pero hindi ko man lang naramdaman. Kaya isang lang ibig sabihin nun." Sabi ko na para matigil sila.

"At ano naman yang alibay mo?" Sabi pa ni Ara na napangiwi dahil nilagyan na ni Dennise ang kamao niya ng ice.

"Pinaglaruan ka lang ng kakambal ko. Kasama na doon si Ate Aly." Nakangiting sabi ng isang babae habang nakaupo sa wheelchair habang tulak-tulak ni Sky.

Natulala naman sila dito. Sino hindi eh Maria Clara ang dating, pero halata parin ang ganda sa simpleng suot nun. Magkaiba talaga sila ng kambal niya.

"Kanina pa ba siya nandito?" Sabi ni Sky.

"Kanina pang tanghali." Sagot ko sa kanya.

"Ah, ganun ba." Sabi ni Sky at pumalatak ng makita ang pasa ko. "Pang-ilang beses ka na ba niyang binigyan ng pasa?"

"Hindi kapa nasanay doon." Nakasimangot kung sabi.

"Kaya mag-ingat ka ulit ate Aly, ginamitan ka niya kanina ng kapangyarihan niya. Kaya hindi mo naramdaman ang presensya ng iba, dahil sa hangin at kaya kunti lang narinig niya, dahil kontrolado ang sound wave na dinadala ng hangin parin." At bumaling ito kay Ara. "Kaya kunti lang narinig mo dahil doon." Paliwanag ng naka wheelchair."

"Love!" Sigaw ng nasa itaas na walang iba, ang pasaway.

Nagmamadali itong bumaba para mayakap si Sky. Pero tinaasan ito ng kilay ni Sky kaya napatigil ng isang dipa na lang ang layo niya dito.

"Ano na naman ang ginawa mo?" Seryosong tanong ni Sky dito. Habang ngumuso naman ito. "Nasaktan na naman si Ate Aly sa pinanggagawa mo." Galit na turan ni Sky at tumingin naman ang pasaway sa akin.

Napangiwi pa ito ng makita nga ang pasa ko. Napakamot pa sa ulo. "Sorry ate Ly. Gusto ko lang galitin ang may gusto sa mate mo eh." Diretsahang sabi nito.

Napa oww naman ang kasama namin sa loob ng bahay habang ako ay tahimik lang ganun din si Mika.  Habang si Ara ay namumula.

"Laxy, tumigil ka na ha." Galit na talaga si Sky. At sasagot pa sana si Laxy pero sumabat na ang kakambal.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now