chap. 19

2.1K 65 11
                                    

"Ibaba mo nalang kami dyan sa gilid." Sabi ko kay Laxy na siyang nagdadrive ng sasakyan ngayon.

Nandito kami ngayon sa isang private property na pag-aari namin. Walang sino man ang pumapasok dito kasi napalibutan ng bakod ang buong paligid.

Kanina, may sumunod pa sa amin pero dahil sa tulong ni Laxy nailigaw namin sila. Mas nauna kami dito para mainit pa ang ulam pag-uwi Laxy.

"Sure ba kayong ligtas kayo dito?" Nag-aalalang tanong ni Laxy. Kahit naman kasi pasaway ang alien na 'to, maaalalahanin din naman.

"Ligtas kami dito. Walang nangahas na pumasok dito. Napalibutan din naman dito ng mahika." Nakangiti kong sabi at kinuha ang hinanda kong basket ng pagkain kanina.

Lumabas na rin si Mika mula sa likod ng sasakyan na nagtataka. Nakatulog din kasi ito ng nasa byahe kami. Sandali lang naman yun pero ang bilis niya talagang makaidlip.

"Nasaan tayo babe?" At naghigab pa itong nagtanong.

Nakangiti naman akong lumapit sa kanya dala ang basket.

"Yung sabi ko kanina? Yung tinanong ko kanina?" Napakamot pa ako sa batok habang sinasabi yun.

"Ano ba yun?" Painosente pa nitong tanong.

"Yung sabi ko kanina nga." Napangiwi ko ng sabi. Ang sarap na magpadyak dito eh.

"Wala akong maalala na may sinabi ka." Sabi niya pa habang naglakad palayo sa sasakyan kasi aalis na si Laxy.

Kumaway lang ito sa amin kaya kumaway din kami pabalik. Mabilis yun mag drive kaya sandali lang ay nasa bahay na yun.

"Ano ba gagawin natin dito? Gabi na kaya." Sabi pa nito pero kita ko ang mapaglaro niyang ngiti sa labi.

"Diba nga, niyaya kita kanina? Na ano... na.." napalatak na lang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. "Babe naman. Alam mo na yun." Sabi ko na lang at naglakad papasok sa kakahuyan.

Nakakainis! Sabi ko sa isip ko habang dinig ko ang matinis niyang tawa.

Padabog akong naglakad sa destinasyon ko at mabilis niya naman akong nahabol. Syempre gamit na naman ang bilis niya.

"Babe, joke lang yun." At kumapit na siya sa braso ko.

Hindi ko naman magawang mainis dito kaya tumahimik na lang ako at pinagpatuloy ang paglakad.

Maliwanag naman ang paligid dahil sa buwan kaya hindi mahirap makita ang dinadaanan namin. Ang dami din ng bituin at walang ulap para magkaroon ng ulan.

"Babe, wag kana magalit." Sabi nito sa naglalambing na boses. Pero hindi ko parin siya pinansin. "Babe naman ehh." At parang bata itong inalog-alog ang braso ko.

Pero hindi ko parin siya pinansin. Sorry siya ng sorry pero patuloy lang ako sa paglakad. Halos maglumuhod na siya para kausapin ko lang pero hindi parin ako umimik.

"Babe." Namumuo na ang luha sa mga mata niya ng tumigil kami. Tiningnan ko ang buo niyang mukha bago ako napabuga ng malalim na paghinga.

Hindi parin ako nagsalita pero gamit ang nguso ko, tinuro ko kung ano ang nasa unahan namin. Hindi niya pa kasi nakita kasi nakaharap siya sa akin kanina pa.

Pero sa pagnguso ko, hinalikan niya ang labi ko. Isang mabilis lang na halik.

"Sana kanina mo pa sinabi na gusto mo lang pala ng kiss." Nakangiti niyang sabi habang ako naman ay nakakunot ang noo.

Iba ata ang pagkakaintindi niya. Kaya hindi ko na mapigilang mapangiti. Ang laki naman ng ngiti niya na akala mo ay nanalo sa lotto.

"Kiss lang pala makakanpangiti sayo eh." Pabida niya pang sabi.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-حيث تعيش القصص. اكتشف الآن