chap. 22

3K 85 36
                                    


Mika

Ng makarating kami sa bahay ay sinalubong kami agad ng kaibigan namin.

"Mika/Alyssa." Sabay-sabay nilang bati sa amin.

"Okey lang ba kayo?" Tanong agad ni Kim.

"Okey lang naman." Nakangiti kong sabi. Talaga namang okey kami kaya wag na silang mabahala.

"Mabuti naman. Hindi kami nakatulog kaiisip kung paano na nangyari sa inyo." Si Kim ulit ang nagsalita. Napakunot naman ang noo ko.

"Alam niyo lahat?" Gulat kung tanong at nagtataka.

Napakamot naman ng batok si Kim habang ang iba ay hindi tumingin, meron pang kinausap ang katabi na akala mo walang narinig.

"Sinunod lang namin ang lolo ni Aly." Si Ara na ang sumagot habang yakap si Den na inaantok pa yata.

Tumango naman ang lahat bilang pag sang-ayon. At nakakapagtaka, walang maingay na nagtatalo na naman. At nakita ko ang paliwanag doon.

Nakasakay lang naman sa likod ni Bea si Jho na antok na antok. Kaya naman pala tahimik ang dalawa. Habang si Kim ay naka akbay kay Cyd at tahimik lang.

"Kailan niyo naman napag-usapan ang lahat? Edi dapat narinig ko kayo." Nakanguso kong sabay habang yakap si Alyssa. Miss ko ang babe ko eh.

"Noong tanghali. Nasa basement ka iniwan ni Maxz." Si Cyd naman ngayon ang nagsalita. Minusyon pa nito na pumasok na kami sa bahay. Bakit nga ba kami nag-uusap dito sa labas na madaling-araw pa?

Pumasok naman kami at naupo. Nakaramdam din naman ako ng pagod lalo na't buong araw akong walang tigil sa pag galaw.

"Ang galing mo ng makipaglaban Miks." Sabi ni Ara na sinang-ayunan ng lahat.

"Magaling naman kasi magturo si Maxz." Sagot ko na hinilig ang ulo sa balikat ni Alyssa.

"Si Maxz nagturo sayo?" Nagtakang tanong ni Aly. Hindi niya nga pala alam, kaya tumango ako. "Wow ha. Buti tinuruan ka ng batang yun. May sariling mundo yun kasama si Sky eh."

"Ly, pansin ko lang. Bata ka ng bata kay Maxz at Laxy pero ang tatangkad naman ng dalawa. Umaabot na nga ata ng 5'10 yung dalawa eh." Tanong naman ni Den ng nakaupo na ngayon sa lap ni Ara, sweet din itong dalawa eh. Para-paraan din.

"Tsk." At napalatak naman si Alyssa. "Wag kayong padadaya sa height ng dalawang yun. 13 palang yun habang si Sky at Cloud ay 15, basta may dugo ng kahit anong nilalang basta hindi ordinaryong tao, asahan mo na mature sila sa edad nila. Alien ang dalawang yun eh." Sabi pa nito.

Hindi ko alam kung biro lang yung alien niya, pero napamaang ang kasama namin sa silid.

"Grabe, kainggit naman." Nakangusong sabi ni Den na kinatawa namin.

Naputol ang tawanan namin ng may kumatok. Alam ko na agad kung sino, sila papa.

Mabilis akong tumakbo para pagbuksan sila. At pagbukas ko pa lang, yakap na ni mama ang sumalubong sa akin.

"Diyos ko, salamat at ligtas ka." At kumawala sa akin. Umiiyak na pala ito kaya naman pinunasan ko ang luha ni Mama.

"Ma naman, napakaiyakin." Pagpapagaan ko ng loob niya.

"Tinawagan kami ni Sir William na okey na daw kaya nagmadali kaming pumunta dito bago ang flight namin. Kailangan din kami kasi ng kapatid mo." Si papa ako sumagot at niyakap ako. "Mabuti naman at ligtas ka."

"Ako pa ba pa? Kaya ko yun no." Nakangiti kung sabi kay papa.

"Nasaan na pala ang girlfriend mo?" Seryosong tanong ni papa. Kinabahan na naman ako doon. Pero nasa likuran ko na pala si Alyssa.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now