chap. 6

3K 109 28
                                    


Right now. Alyssa's on her way to the arena where the game will be held.

Ilang ulit na siyang pinapapunta sa bawat laro pero mas pinili niya ang manatili sa klase kahit excuse naman siya. Pero sa hindi malamang dahilan ngayon, ay gusto niyang pumunta at parang excited siya.

Hindi niya alam kung sino ang maglalaro, o kalaban nila Den. Pero sa dami ng nakalaban ng mga ito, ngayon lang siya nagkainteres na pumunta.

Hindi rin nagtagal at dumating din siya. Halos hindi pa siya makapasok sa dami ng tao na hindi na nakapasok pa sa loob. Muntikan na rin siyang hindi papasokin kung hindi niya dala ang bag na naglalaman ng uniporme niya na inayos pa ni Den sa kanya.

Nang makapasok ay hindi siya nagpakita sa mga kasama, kundi tumayo din siya sa gilid kasama ang iba. Napatingala siya sa score board at hindi makapaniwala na natatalo na sila Den.

Kaya naman napatingin siya sa mga kalaban nito. Unang nakita niya si Kim, sunod ang tatlong hindi niya kilala, si Galang at panghuli ang nasa unahang matangkad na maputing babae. Ang babaeng hindi maalis sa isip niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ang babaeng magpapangiti sa kanya, nagpapabilis sa pagtibok ng puso niya at ang nagpapasaya sa kanya.

Maiisip niya lang ang ngiti nito, mabanggit lang sandali ni Kim ang pangalan nito. Buo na ang araw niya. Ang babaeng nag ngangalang Mika Reyes.

Pigil ang ngiting tiningnan niya bawat galaw nito sa loob ng court. Napaaliwalas ng mukha nito na nakangiti ng malaki. Napakamasayahing tao.

Umikot ang paningin niya. May nakita din siyang ibang nilalang pero hindi naman yung nanakit ng tao. Pero may napansin siyang kakaiba sa isang taong nandoon.

Vampire ito may tinitingnan sa gitna ng court at bakas sa mata nito ang lungkot. Habang sa hindi kalayuan ay may isa pa na nakamasid doon sa isang lalaki.

Yumuko ang nalulungkot na lalaki at nag-umpisa ng umalis. Lumingon muna ito sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng arena.

Kinibit-balikat na lang iyon ni Alyssa at nanood ng laro. Nakikita niya na kahit may paghanga si Bea at Den sa kalaban nila, hindi nila yun dinadala sa laro. Napaka professional nila.

Pero nakikita niyang natatalo na si Den. Ang higpit kasi ng pagpantay ng kabila sa bola.

Napabuntong hininga siya at nakapagdesisyon sa isang bagay na matagal niya ng hindi ginawa.

Sinuot niya ang hood niya at lumapit sa coach nila na hindi na maipinta ang mukha.

"Coach." Tawag niya dito na nagpabaling ng tingin sa kanya. Nakatakip ang mukha niya pero alam niyang nakilala siya nito.

"Magpalit ka na doon. Kailangan ka na namin." Tumango naman si Alyssa at mabilis na naglakad para makapagpalit agad.

Hindi naman nagtagal at tapos na siya. Habang naglalakad siya pabalik sa court ay inaayos niya ang buhok niya. Hindi nakaligtas ang pagtingin ng iilan sa kanya.

Pagpasok niya pa lang ay nag time out na agad ang coach nila at kinausap ang naglalaro kanina. Napatingin ang lahat sa kanya ng sinabi na siguro ng coach nila ang pagpasok niya.

Halos lahat ng tao sa arena ay napatingin na talaga sa kanya pero walang pakialam na naglakad lang. Pero ang mata niya ay parang may sariling isip na napatingin sa isang taong kanina niya pa pinagmamasdan habang naglalaro.

Nang magtama ang kanilang mga mata. Nakita ni Alyssa ang pamumula ni Mika at umiwas ito ng tingin.

Pinikit na lang sandali ni Alyssa ang mata para bumalik muna sa haharaping laro ang isip niya. Mamaya na ang matangkad na babae.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon