chap. 2

3.5K 123 18
                                    


Naging maayos naman ang unang ilang araw ni Alyssa sa pamamahay ng Lazaro. Nakilala niya na rin ang magulang ni Den at napakabait nito sa kanya. Pero ang problema ay palagi itong wala.

Kaya naman tiis siya sa kadaldalan ng kasama. Tulad na lang ngayon.

"Alam mo, excited na ako sa malapit na pasukan. Makikita ko na naman ang crush ko." At sinamahan pa nito ng impit na pagtili.

Habang si Alyssa ay hindi man lang siya binigyan ng pansin at busy sa pagbasa sa report na pinadala ng lolo niya sa kanya. Wala naman siyang nakitang mali, pero sa palagay niya ay kailangan ng kaunting pagbabago.

"Alyssa, nood tayo ng laro nila." At doon lang napaangat ng tingin si Alyssa mula sa binabasa. Hinihintay nitong dugtungan ang Den ang sinasabi. May hawak na kasi itong cellphone at ang lawak ng pagkakangiti. "May friendly game sila ngayon ni crush. " At tumingin ito sa dalaga. "Please, tara na. manonood lang tayo. Hindi ako pwede lumabas ng hindi ka kasama eh."

At nagpout pa itong tumingin sa kanya. Habang si Alyssa ay wala man lang expression ang mukha.

"Ito sila o." At pinakita sa dalagang kausap ang picture ng team na sinasabi nito. At doon na naman ang mata ni Alyssa napako sa isang pigura.

Naramdaman niya na naman ang pagtibok ng puso niya. Ang ganda nito na nakakabighani talaga.

Napaangat ng tingin si Alyssa na parang wala lang. Ayaw niyang ipahalata sa kausap na apektado siya sa isang bagay lang, dahil nagpapakita iyon ng kahinaan para sa kanya.

Mabuti na lang at akala nito nagustuhan niya ang laro na nakatutok na ang mata niya sa tv noong una niyang dating sa bahay nito. Pinaliwanag pa nito ang mechanics ng laro na alam niya dati pa kasi nilalaro niya rin ito kasama ang ka team niya pag wala silang mission.

Tumango na lang si Alyssa at niligpit ang nagkalat naginawa niya sa lamesa. Mga papel lang iyon pero ang dami non. At si Den naman ay nagtitili ng tumakbo paakyat papuntang kwarto para makapagpalit at mag-ayos.

Mabilis naman naligpit agad ni Alyssa ang kalat at umakyat na sa kwartong ukopado niya para ilagay ito doon. Nag-ayos siya agad ng sarili, sa hindi malamang dahilan ay excited siyang pumunta doon.

At dahil hunter siya, tinuruan sila kung paano maging maliksi kumilos. Kaya naman sa ilang minuto lang ay tapos na siyang mag-ayos. Dala ang maliit na back pack na may lamang wallet at cellphone kasama ang headset, bumaba na siya sa sala at doon hintayin ang nag-ayang dalaga.

Pero pagbaba niya ay nakaramdam siya ng gutom kaya naman pumunta muna siya ng kusina at doon niya nakita ang isang matanda. May katandaan na pero bakas parin ang malakas nitong pangangatawan.

At dahil hunter si Alyssa at enhance ang pang-amoy, pandinig at pandama niya, nakilala niya agad na dating hunter ang kaharap. Malakas sa ganoong aspeto ang mga hunter, pero hindi parin nila maabot ang kayang gawin ng isang werewolf or vampire kaya naman grabe din ang training na pinagdaanan nila.

"Ako si Nanay Mareng ni Den. Ako ang nag-alaga at nagbabantay sa pamamahay na to sa mahaba ng panahon." Nakangiti nitong sabi sa kay Alyssa. "At kinakagalak kong makilala ang isang Valdez." At yumukod pa ito ng kunti bilang paggalang.

Gusto man suklian ni Alyssa ang mga ngiti nito, pero hindi niya magawa. Kaya binate niya na lang din ito. "Ako naman po si Alyssa, nay Mareng." Ngumiti naman ang matanda at tumango.

"Bakit ka nandito Alyssa? Nagugutom ka ba?" Nakangiti nitong tanong at humarap ulit sa lababo para tapusin ang pagpunas sa pinggan.

"Opo eh. Pero ako na po, tinapay po okey na ako." Mahabang sabi ni Alyssa sa matanda.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now