chap. 5

2.8K 106 27
                                    

Alyssa's on her way to the parking lot when her phone starts to ring. Kinuha niya ito sa bulsa ng pantalong suot. Nagtatakang tiningnan ang aparato.

Hindi niya kilala ang number pero sinagot niya parin ito ng hindi nagsalita.

"Yow Ly. Kim pala to." Bungad nito sa kanya.

"Yes?" Amg maiksing sagot ni Alyssa.

"Hmm, paano ba to." Nahihiya pa nitong sabi sa kabilang linya. "Pwede ba kitang mayaya? Diba magkaibigan na tayo?"

Tumingin si Alyssa sa relo. Tapos niya na rin ang papel para sa opisina at school works niya kaya pwede na rin. Parang may problema kasi ang boses ni Kim sa naririnig niya.

"Sure. I'll text the address. Bring food." Yun lang ang sabi ni Alyssa at nag okey naman si Kim at binaba na ang tawag.

Bago pa sumakay si Alyssa sa motor niya, tenext niya muna ang address ng bahay niya kay Kim. Hindi niya naman kasi pwedeng papuntahin sa bahay nila Den kasi palagay niya kailangan nito ng kausap at magulo si Den.

Hindi man sabihin ni Kim, matalas makiramdam si Alyssa kaya alam niya may dinadala itong mabigat na problema.

Plano niya talagang pumunta sa bahay niya ngayong araw kaya dinala niya ang motor niya. Gusto niya ring pumunta pa sana sa opisina niya, pero tinatamad na rin siya. Basta tapos niya na ang kailangang tapusin.

At dahil malapit lang sa pinapasukan ang bahay, mas nauna siyang nakarating doon kaysa kay Kim na siguradong bumili nga ng pagkain.

Pagkababa at pagkapark ng motor pumasok agad siya at nagwalis ng kaunti. Hindi niya kasi nalinis ang bahay noong huli niyang punta sa kamamadali.

Nilibot niya ang paningin at doon niya napansing kailangan niyang bumili ng ibang gamit. Halos kompleto naman na lahat pero gusto niya kasi may tanim sa loob ng bahay at painting ng mga landscape na parang mansyon lang nila.

Mas palagay niya kasi nasa bahay lang ng lolo niya siya pagganun. Kahit kasi homey ang bahay nila ni Den, mas iba parin ang bahay nila ng lolo niya kahit dalawa lang sila kasama ang ibang hunter. Iba ang sayang dulot non sa kanya kahit hindi man makita sa mukha niya.

Nang matapos siya at wala pa si Kim, umakyat muna siya para maglinis ng katawan. Naligo ng mabilisan at nagpalit ng simpling shirt at short na ipumabot hanggang tuhod.

Pagkababa niya ay timing din na may kumatok. Pinagbuksan niya lang ito at tinalikuran. Alam niya ng papasok ito.

"Ly, patulong naman." At doon lang siya napalingon dito.

May dala itong dalawang bag, isa pagkain at isa naman mga chichirya. Sa baba ay may nakalapag pa na beer in can. Nagtataka man si Alyssa bakit may dala itong beer, hindi na lang umimik at binuhat na ang mga lata.

Pumasok na si Kim at nilibot ang paningin. Makikita ang pagkamangha sa mata nito.

"Bahay mo?" Tanong nito.

"Yup." At nauna ng naglakad papuntang kusina.

"Maliit lang pero ang ayos at ang ganda. Pinagawa mo to?" Tanong pa nito na nakasunod kay Alyssa. Mas namangha siya ng makita ang kusina nito.

"Regalo." At nilagay ang beer na dala ni Kim sa ref. Siguradong mamaya niya pa iyon iinumin kasi sa pagkain. Habang si Kim ay lumapit sa lagayan ng pinggan para makahain na ng biniling pagkain.

"Mukhang kulang pa ang mga gamit mo dito." At sinalin ang binili sa lagayang nandoon. Tumango lang naman si Alyssa at naglagay ng iinunim nila.

Pagkatapos ay walang imik silang kumain. Gutom silang dalawa kaya pagkain muna ang inuna.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now