chap. 16

2.7K 89 91
                                    

Ito na po @beh1208 tulad ng usapan.

Salamat sa lahat! Boring lang nito. Madali eh.....

_______________________________________________________________________

Gabi na kami ng matapos lalo na ang haba ng sinabi ni lolo na paalala bago umalis. Halos napapapikit na nga sila eh.

Pero dahil nga gabi na at delikado pa, dito na sila pinatulog maliban sa dumaan sa portal na hindi naman pwede gawin ng tao kasi mahihilo sila sigurado.

Umuwi din sila lolo, tita at Sky. Dahil dalawa lang ang kwarto dito. Nagkanya-kanya sila ng pili kung saan matutulog habang kami ni Mika ay sa sala pumwesto para na rin bantay sa gabi.

Kahit naman kasi may barrier kami, ay maari parin kaming pasukin ng mga nilalang sa labas kung gusto nila at kung may malakas silang witch.

Si Mika ay nakatulog na rin noong madaling araw at tulog pa hanggang ngayon. Alam kong sa hapon na lang ang practice naming lahat kaya hinayaan ko na silang matulog.

May kasama din naman kami dito sa sala pero mga tulog mantika naman. Balak ko pa nga sana sa baba kami matulog ni Mika pero walang bantay dito. Mahirap na, kailangan talaga mag-ingat.

Sanay naman ako na hindi natutulog ng ilang araw batay na rin sa training ko. Kaya gising na gising pa talaga ang diwa ko. Lalo pa't isang linggo din ako nakapahinga at tulog.

Wala naman akong gagawin at mag-uumaga na rin. Naisipan ko na lang ang magluto. Magluluto lang sana ako ng pancake and toast some bread. Pero marami pala kami, kaya napagpasyahan kong magsaing na lang. Pero magluluto parin ako, ang lakas kaya kumain ng babe ko.

Nang maisalang ko na ang sinaing, nilabas ko na rin ang frozen goods sa ref ko. Naglabas na rin ako ng itlog at repolyo para sa sinangag na lulutuin ko mamaya.

Nang okey na lahat ay bumababa ako sa basement para kumuha ng damit ko at doon na rin maligo.

Hindi na ako nagtagal pa doon at baka masunog pa ang kanin at tulog pa silang lahat.

Maliban pala kay Mika na hinahanap na ako.

"Nandito ako sa baba. Maligo ka narin dito." Sabi ko sa kanya sa pamamagitan ng mind link namin.

"Saan ba ako dadaan." Tanong niya habang nag-iinat na.

"Itulak mo ng kaunti ang ref, tapos scan mo finger print mo." Yun lang sabi ko at inabangan na siyang pumasok. Tapos na kasi ako mag-ayos.

Hindi nagtagal at bumukas na nga ang pinto.

"Morning babe." Sabi niya na inaantok pa.

"Morning." I smile and kiss her forehead.

Pero nakabusangot ito ng medyo lumayo na ako. Napakunot naman ang noo ko kasi hindi ko alam bakit siya nakabusangot. Ayaw ko naman palaging nakapasok sa isip niya.

"Why babe?" I touch her cheek as I look in her eyes. Pero irap ang sinagot sa akin na pinagtaka ko lalo. "Ano ba talaga babe?"

Humarap naman ito at ngumuso. Hindi ko alam kung ano hinihingi niya. Pero noong makita ko ang nakanguso niyang labi, parang gusto ko siyang halikan kasi parang tinatawag ako nito.

Kaya naman ninakawan ko na agad siya ng halik. Dampi lang iyon at ilang segundo lang naglapat ang labi namin pero I already feel complete.

Pero ang nagpakamot sa akin sa ulo ko ay bigla itong nagtatakbong pumasok sa banyo. Napailing na lang ako at ngumiti bago lumabas ng silid na iyon.

Tulog pa ang lahat kaya alam kong walang makakakita sa akin sa paglabas ko sa sekretong daanan na iyon.

At dahil kusina na lusot ko, nag-umpisa na rin akong magluto.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now