chap. 17

2.3K 79 58
                                    

"I miss hanging out with you Alyssa." Sabi ng isang babae na nakahiga ngayon sa hita ni Alyssa habang ang isa ay nakaupo ng maayos sa mahabang sofa.

"Bakit kasi ngayon ka lang nagpakita? Kahit magparamdam hindi mo na nagagawa. Dito ka lang din naman nag-aaral sa malapit kung hindi man, walang isang minuto nandito kana no." Sabi naman ni Alyssa sa kausap habang nakatingin sa palabas sa tv. Hindi niya naman naintindihan ang palabas pero mas pinili niya ng doon tumingin.

"Sorry naman po." Pacute na sabi ng babae. "Naging busy kasi sa school tapos magtitraining na rin kami."

"Eh simula pagkapanganak pa nga lang ninyo, nagsasanay na kayo. Hanggang ngayon parin?" At lumalabas na nga ang madaldal na si Alyssa. Isa din kasi itong malapit sa kanya dahil sa pinsang si Sky.

"Basta. May training ako." Sabi lang nito at tumihaya.

Hindi tuloy nakaligtas sa paningin ni Alyssa ang pag-angat ng suot nitong roba. At kahit din naman si Alyssa ay roba din ang suot pero hindi tulad ng isa na walang pakialam kahit lumabas pa kaluluwa nito. Sanay na rin ata.

"Takpan mo nga yan, baka may makakita sayo Alien ka." Sabi ni Alyssa at siya na nga ang nagtakip dito.

"Hayaan mo na. Ikaw lang naman nandito at mamaya pa dating ng iba mong kasama, nakita mo na rin naman lahat." Sabi pa nito at umupo ng maayos.

Umiling na lang si Alyssa sa katigasan ng ulo ng kausap. Kahit anong saway niya dito hindi naman nakikinig.

Maya-maya pa ay sumeryoso na ito. Yung kilala ni Alyssa na  kinakatakutan ng lahat kahit sa murang edad lang.

"Sino ba kalaban niyo at kailangan niyong eh train yung mga tao?" Sabi nito at humarap kay Alyssa.

"Mga bampira sila. Kilala mo ba si Lord Ravena? O ang may ari ng Ravena Corp?" Tanong ni Alyssa na sinagot naman ng isa.

"Paano ko hindi makikilala, eh nasa business din kami? Minsan ko na silang nakaharap, lalo na ang anak niyang manyak. Andy, Andrew, no, no, not Andrew, not my uncle name. Its.... Andres. Yes, yes. Andres right?" Sabi pa nito na kinausap pa ang sarili. Natawa na lang si Alyssa sa kakulitan nito.

"Tama ka, siya nga." Huminga muna ito ng malalim, kahit ayaw man niyang sabihin. Alam na nito umpisa pa lang. "Napatay ko siya at alam mo na ang nangyari. Sa ngayon ay kami ang target ng ama niya, ginamit niya pa ang anak niya na patay na patay sa Mika ko." May halong galit na sabi ni Alyssa.

Yumakap naman ang babaeng kausap sa braso ni Alyssa para pakalmahin ito.

"Hayaan mo. Tutulong ako. Kahit ngayon na eh, patayin na natin lahat?" Nakataas ang kilay at may ngisi sa labing sabi nito. Kahit ganun ang sinabi nun, alam ni Alyssa na hindi ito nagbibiro.

"Hindi naman natin pwedeng patayin lahat ng walang ebidensya. Tayo mapapahamak sa reyna nila at baka tayo pa ang mag dulot ng digmaan sa bawat lahi. Natahimik na lahat kaya mas mabuti ng ganito." Sabi ni Alyssa na nagpatango sa kausap kasi may punto din naman ito. At alam ng babae ang ginawa ng ina niya mismo para ikatatahimik ng lahat.

"Edi, tutulong parin ako. Ang boring na kasi ng training namin eh." May ngisi nitong sabi na excited pa talaga.

"Ikaw bahala. Mamaya na natin alamin ang plano pag dating nila lolo." Sabi ni Alyssa at kumuha ng maiinom sa lamesa.

"Ly, may pakiusap sana ako sayo." Bukas nito ng bagong usapan pagkatapos ng sandaling katahimikan.

"Ano ba yun?" At tumingin ng taimtim sa kausap.

"Bantayan mo si Sky. Alam ko malakas siya, pero, may iba akong hinalang mangyayari. Ako naman ang bahala kay Cloud." Sabi nito na seryoso.

"Ano ba ibig mo sabihin?" Nagtatakang tanong ni Alyssa.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now