chap. 15

3K 87 28
                                    

"As of now, all of you have to undergo training, mostly on  combat." Sabi ni lolo na bumasag sa katahimikan ng bahay.

Nahimasmasan na rin ang ama ni Mika at nakikinig na ito kay lolo. Naupo narin lahat para makinig. Buti na lang at may barrier tong buong bahay at hindi maririnig ng mga nilalang sa labas ang pinag-uusapan namin.

"Mr. And Mrs. Reyes, magbibigay na lang ako ng bantay niyo. Papunta na rin sila dito." Sabi ulit ni lolo.

"Paano ang ibang anak namin?" Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang ina ni Mika.

"Wag po kayong mag-alala, meron na pong magbabantay sa kanila. Pakitawagan na lang po silang mag-ingat. At wag po kayong magpahalata na may alam na kayo tungkol sa pagkatao namin." Si tita na ang sumagot. Bumaling na rin ito sa kateam namin ni Mika. "At kayo din. May bantay na ang pamilya niyo. At wala kayong alam. Yun ang isaisip niyo. Papunta na rin ang mga kaschoolmates niyo na maaring magbantay sa inyo ng hindi nahahalatang bantay niyo sila."

"Nakausap ko na rin ang coaches niyo. Isa din kasi sila sa mga dating hunter na mas piniling mamuhay ng normal." Sabi ni lolo na nagpabigla sa iba pang player. Talagang hindi sila makapaniwala na ganun ang mga coaches na dati ko nang alam. "Ang bawat oras ng training niyo, ay magiging warm-up niyo lang. Pahinga sandali, at pagdating dito, doon kayo magtetraining sa combat and weapon na nababagay sa inyo."

"Walang exemption girls kasi alam ko naman lahat kayo healthy." At tumingin si tita sa pambisig niya na relo. "In a minute, nandito na sila." Tumingin kay Sky at tumango.

Tumayo naman agad ang pinsan ko at lumabas sa likod. Sigudaro doon sila lalabas sa portal para walang makakakita sa kanila.

"Ano ba talaga ang gusto nila?" Seryosong tanong ng ama ni Mika.

"Alam ko nalason ng matandang Ravena ang disesyon ng anak niya. Ang gusto nila ay pakasalan ni Alyssa ang anak nito, hindi ko alam kung alam nilang mate sila ni Mika. Pero palagay ko, may hinala na sila." Bumuntong hininga si lolo bago nagpatuloy. "At dahil magkarugtong na sila, kasama ang anak niyo na mapupunta sa anak niya. At yun ang gusto ng bata, si Mika. At bunos na lang si Alyssa para sa kanya. At swerte sa ama nito kasi akala niya mahahawakan niya na sa leeg ang buong hunters."

"Hunter ka po? Diba po dapat hinuhuli mo po ang mga bampira? Yung kakaibang nilalang." Tanong ni Ara na alam kong mahilig magbasa ng ganung libro noong grade school at kalagitnaan ng high school ayon na rin sa file niya na pinag-aralan ko, lahat nga sila.

Tumawa naman si Lolo sa tanong niyang yun. Nakaupo kasi ito sa pang isahang upuan at nakadekwatro pa.

"Dati, ganun nga ang nagyayari. Pero nagbago na ang lahat lalo't ang ikalawa kong asawa ay bampira. At si tita Sarah niyo ang bunga." At tinuro pa si Tita. "At meron na rin kaming kasunduan sa bawat pinuno ng iba't ibang nilalang. Tulad ng asawa ng tita niyo na isang witch."

At nagbulungan ang bubuyog.

"At anak nila ako kasama ang kambal ko at isa pang pares ng kambal na lalaki." Nakatas ang kamay na sabi ni Sky na kapapasok pa lang ng sala. At alam ko may nakasunod pa sa kanya.

"Hybrid tawag doon diba?" Nakangiting tanong ni Den sa kanya. Tumango at ngumiti naman si Sky.

At lumabas na nga ang kasama niya. Nagsiyukuan agad ito at bumati.

"Sir./ Mahal na Reyna." Sabay pa nila sinabi. Tumango naman si tita at lolo. Si Lolo bilang ang sir na pinuno ng hunter, at si tita na asawa ng reyna ng mga witch.

Nagulat sila kasi hindi nila inakalang ang tahimik at nerd ay isang hunter o isang witch. Lalo na ang assistant coach ng bawat grupo ay hunter din. Meron ding guro nila, nagtatrabaho sa office at nagtitinda sa labas ng gate.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now