chap. 20

2.1K 59 27
                                    

MIKA

What i have done? Bakit ko iniwan ang mahal ko sa ganung sitwasyon? Bakit ba ako nakinig?

Bakit ko pinairal ang kaduwagan ko? Bakit? Bakit?

Bakit ganun?

Dahil sa ginawa ko wala si Aly sa tabi ko.

Wala na yung nagbibigay lakas sa akin. Wala yung nagbibigay ng init sa puso kong malamig. Ang nagpapatibok sa puso kong patay.

Wala na ang lakas at kasiyahan ko.

Wala na dahil iniwan ko siya. Iniwan ko ang mahal ko.

At hindi ko alam kung nasaan siya. Saan ko siya hahanapin.

"Mika, tahan na." Pag-aalo ni Ara sa akin. Pati silang nakikita akong ganito ay nahihirapan din kasi kahit minsan ay hindi umiyak ang isang Mika Reyes.

"Kasalanan ko to." Umiiyak kong sabi habang yakap ang unan ni Aly.

Nandito ako ngayon sa kwarto niya. Simula ng dinukot siya. Ang amoy niya lang ang palagi kong kasama.

Ilang araw na ba yun? Tatlo? Lima? O isang linggo?

Hindi ko na alam, basta alam kong kasalanan ko to.

"Hindi mo kasalanan Miks." Seryorong sabi niyo habang hinahaplos ang likod ko.

"Sana hindi na ako pumayag. Sana hindi ako natulog sa sasakyan para masabing wag na lang ituloy. Sana hindi ako duwag. Sana-" at patuloy na ngang dumaloy ang luha ko.

Ang kaninang pinipigil kong pag-iyak ay hindi ko na napigilan pagtagal. Nabalot ng pag-iyak ko ang buong silid.

Ang hirap ipaliwanag, pero habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapan. Parang namamatay ako ng dahan-dahan habang wala si Alyssa sa tabi ko.

"Tama na ate Mika." Isang boses na naman ang nagsalita at alam kong si Sky yun. "Hindi mo ba naisip ang pwedeng mangyari kung nagpaiwan ka?" Tanong niya sa akin pero hindi parin ako umimik.

"Ewan ko na muna kayo." Boses ni Ara. Kasunod nun ang yapak na papalabas ng silid, pagbukas at pagsara ng pinto.

At ng palagay ko ay malayo na si Ara doon lang gumalaw si Sky. Tumabi ito sa likod ko.

"Alam mo, dati ng malamig si ate Aly sa lahat. Wala yun pinapakitang emosyon. Pero ng dahil sayo, kahit sa isang pagkakataon, nakita kong ngumiti si ate." Huminga pa ito ng malalim. "Alam mo, pagmahal mo ang isang tao, kaya mong isakripisyo lahat. Gagawin mo mapasaya lang siya, maging ligtas lang siya. At yun ang ginawa niya."

"Kasi, kapag ikaw ang nakuha sa kanya, hindi niya alam ang gagawin niya. Mas pipiliin niyang alam niyang ligtas ka at alam niya kung nasaan ka kahit nasa malayo siya kaysa alam niyang ligtas ka pero hindi niya alam kung saan ka." Dugtong pa ni Sky.

"Pero naging duwag ako." Sabi ko habang umiiyak na naman.

"Hindi ka duwag. Sinunod mo lang siya at ginawa ang tama." Doon ako napaharap kay Sky. "Sa palagay mo, pag nagpaiwan ka o hindi ka umalis? Ano nangyari ngayon?" Hindi ako sumagit sa tanong na yun kasi hindi ko alam. "Pwedeng ipagtanggol ka ate Aly,  pero sa nakita namin, may ginamit silang pampatulog. Kaya wala din saysay kahit ganun kagaling si Ate sa pakikipaglaban. Makukuha ka nila, kasama din siya at wala na kaming magagawa doon."

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nagsasalita, pinupunasan ang mga luha ko. Tama siya. Baka nga magkasama kami ni Alyssa pero hindi ko alam kung ano ang lagay namin.

"Alam mo bang pwede nilang tanggalin ang mating bond niyo?" At doon ako napatingin sa kanya. "At dahil pagsinaktan nila si Alyssa, masasaktan ka rin kung kaya't siguradong nasa maayos lang nakalagayan si Alyssa dahil maayos ka. Pero kung magkasama kayong nakuha ng araw na yun? Tatanggalin nila ang bond at pwede nilang saktan si Ate Aly or worst, ay patayin." Seryosong saad niya sa akin na nagpa-iyak sa akin lalo.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now